Part 36

2.6K 74 1
                                    

#Thesaddestpart

Maaga akong nagising dahil kailangan kong maghanda ng almusal naming mag-iina dahil naka leave padin si manang para sa panganganak ng kanyang anak.

Pagkabangon ko ay nasilayan ko ang magkamukhang sina heaven at Izaq.

Hinalikan ko ang mga ulo nila at bumangon na, pagkalabas ko ng aming silid ay dumeretso na ako pababa.

Pagkatapos kong magluto ay bumaba na din si Izaq at sumunod si heaven.

"May pupuntahan ako mamaya okay? May klase kayo ngayon hindi ba?" I asked.

"Yes mom." Heaven.

"Where are you going mom?" Izaq.

"Kailangan ko ng mag grocery paubos na ang stocks natin magdidinner tayo mamaya." Masayang saad ko sa kanila.

"Alright, just take care of yourself mom." Izaq

"Okay po."

At masaya kaming kumain, kinulit ako ng dalawa na kailangan ko ng putulan ang aking buhok at sa huli ay sila padin ang nanalo kaya kailangan kong paiksihin ng kaunti ang aking buhok para manahimik na silang dalawa.

Nakapag bihis na ako at pagbaba ko ay naabutan ko silang nagaayos ng kanilang gamit.

"Ingatan nyo ang mga sarili nyo, Izaq bantayan mo si Heaven." Bilin ko sakanila.

"Mom, malaki na kami okay?" Heaven.

"Yes mom, I'll take care of this little brat." Natatawang saad ni izaq.

Lumapit naman ako at inayos ang kwelyo at neck tie ni Izaq.

"Ingatan nyo lagi ang mga sarili nyo." Bilin ko ulit.

"Mom pang sampung beses na yan simula pa kagabi." Natatawang saad ni heaven.

Niyakap ko naman sila at hinalikan na nila ako bago sila lumabas ng bahay.

"Tatawagan ko kayo after class okay?"

"Yes mom!!" At sumakay na din sila sa kani-kanila nilang kotse.

Pagkaalis nila ay huminga ako ng malalim at sumakay ako sa kotse pagkatapos kong ilock ang bahay.

Pagkatapos kong mag grocery at napadaan naman ako sa mall kaya nag park muna ako at bibilhan ko sila ng paborito nilang aklat na palaging binabasa ng kambal.

Izaq loves books so much habang si heaven ay mahilig sya sa mga magazines at balak talaga niyang maging model someday.

Pagkabayad ko ay tumingin ako sa oras, malapit na din palang mag dinner kaya lumabas na ako ng mall.

Nasa gitna ako ng traffic at tumawag na din ako sa kanila at sinabi kung saang resto kami magdidinner they said na papunta na din sila habang ako ay nastock sa traffic.

Nung maibsan na ang traffic ay binilisan ko ang takbo ng sasakyan ko at biglang may dumaan na malaking sasakyan.

Gusto kong ihinto ang sasakyan ngunit hindi gumagana ang break niya, kaya huli na ng i liko ko ang sasakyan.

Unti-unting nadurog ang sasakyan kasabay ng pagkadurog ng katawan ko, ang mga buto ko ay unti unti ng napuputol.

Hanggang sa aking talukap ay bumigat na din, naramdaman ko ang pamamanhid ng aking buong katawan dahil sa naputol na ang mga buto neto.

"Izaq....H-heaven...Ysmael.." tawag ko sa aking mga anak.

Hanggang sa dumilim na ang paligid, kasabay ng hindi na pagtibok ng aking puso.

Izaq.

It's already 8pm at dalawang oras na kaming naghihintay kay mommy dito sa sinabi niyang resto.

"Hindi sumasagot ang mommy Zaq."

"Just call her again."

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba hanggang sa manginig na ang aking mga kamay, namamawis at hindi ko iyon maintindihan.

"Hello? Hello mom?"

Napatingin naman ako kay heaven, maya't maya ay bigla syang napatulala at bumagsak ang kanyang luha.

"What's wrong? Saan si mommy? Anong nangyare?" Sunod-sunod kong tanong.

"Izaq...Izaq si mommy si m-mommy."

"Fuck anong nangyare kay mommy? Ano?"

"The police answer her phone and they said na." Hanggang sa napatakip nalang sya ng kanyang bibig.

"Fuck heaven ano?!" Napasigaw na ako.

"Ang kotse ni mommy, natagpuan sa—"

"Where is she? She alright? Please tell me."

"Puntahan nalang natin sya." Hinila ko na sya palabas at sumakay kami sa iisang kotse, at sinabi niya kung saang hospital si mommy.

Pagdating namin ay dumeretso kami sa ER at agad kaming hinarang ng mga pulis.

"I am Izaq Lewis, nanay ko yung nasa loob. Kamusta sya? She's alright?"

Napayuko naman ang mga pulis hanggang sa mapaupo nalang si heaven.

"Papasukin nyo ako!" Sigaw ko.

Lumabas na ang doctor at tiningnan kaming dalawa ni heaven.

"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?"

"Ye-yes, kamusta ang mommy namin?" Matatag kong tanong.

"I'm sorry, ginawa na namin ang lahat pero—"

"No, fucking no!!" Agad kong tinulak ang doctor at pumasok.

I saw my mom in hospital bed, nanghina ang aking tuhod ng makita kong natatakpan na sya ng puting tela.

Hinawakan naman ako ni heaven at niyakap ako, nanginginig ang aking buong katawan habang pinagmamasdan namin ang walang buhay naming ina.

"Mommy!!" At naglakas ng loob si heaven at sinunggaban ito ng yakap.

"Mom! Please wake up! Wake up please! Gumising ka mom! Diba magdidinner pa tayo?! Mommy please?! Please wake up! Wake up!!" Nagwawalang sigaw ni heaven.

Pinilit kong tumayo at lumapit, and I saw my mom puno sya ng sugat sa mukha punong puno ng dugo ang kanyang mukha.

"Mom..." nanginig ang aking boses habang umiiyak ako, naramdaman ko nalang na niyayakap na ako ni heaven.

"No, don't do this to us mommy! We need you! I need you mom. Please? Diba d-diba? Sa-sabi m-mo? I-ihahatid m-mo pa-pa ka-mi sa-sa g-graduation n-namin? M-mommy g-gumising k-kana o-ohh." napapaos kong saad sakanya.

"Izaq.." puro iyak ang narinig ko sa emergency room, nagwawala padin si Heaven at iyak ng iyak.

Naramdaman nalang namin na may humawak sa mga balikat namin at pagkaharap namin.

"Da-daddy." Heaven.

Pero hindi ko na sya tinitigan at ibinalik ang tingin ko kay mommy, pinilit kong lakasan ang aking loob para sa kanila. Tinakpan kong muli ng puting tela ang wala nang buhay kong ina.

IT'S JUST A ONE NIGHT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon