#It'sjustaonenight
#Thankyou for supporting me again, and Keep it up mga anak. Happy reading!Lumipas ang ilang oras at tapos na ang duty ko sa hospital at matapos ang paguusap namin ni tina ay hindi ko din alam kung okay lang ba ang ginawa ko o hindi, hindi ko din binanggit kila mama ang problema dahil problema namin ito mag-asawa.
Habang nagddrive ako pauwi ay nag ring ang aking phone.
"Rael, I'm driving."
(Mom..) bigla naman akong kinabahan sa tono ng pananalita ni Rael.
"Anong problema Izaq?"
(Mom, Si Heaven kasi dipa umuuwi.)
"Saan pumunta ang kakambal mo?"
(I don't know, besides wala pa si daddy dito. Mom nagaalala ako kay heaven.)
"Text me her last message to you."
(Mom wala syang text saakin ni isa kanina nung umuwi kami galing school akala ko kasi nasa room lang sya.)
"Magusap nalang tayo mamaya, What do you want for dinner magoorder na ako?"
(Manang cook for us mom, thanks.) pinilit ko namang ngumiti at pagaanin ang loob ko.
"Alright, just wait for me for awhile and wait your daddy."
(Sure mom.)
At ibinaba na niya ang tawag, habang nagmamaneho ako ay doble-doble ang kaba ko para kay heaven.
Simula nung lumalaki na sila ay hindi ko na masyado sila nagagabayan dahil busy ako sa trabaho pati ang daddy nila, kaya nagkaganun si Heaven dahil napapabayaan ko ang nagiisa kong babae.
Huminga ako ng malalim at sinubukan kong tawagan ang phone niya pero out of reach sya kaya hindi naman traffic at mabilis akong nakarating sa bahay.
Tumakbo na ako papasok ang I saw Rael with manang.
"Nasaan ang Daddy mo? Did you call him already?" I asked.
"His out of reach also mom, I'll call heaven's friends but they don't know exactly where is Heaven."
"Izaq, Call your uncle Charlie."
"I did that mom, luluwas sila ng manila bukas."
Nanginginig naman ang kamay ko habang nagtitipa para tawagan ulit si Izrael pero naka off padin ang phone niya.
"Fuck!"
Hinubad ko na ang coat ko.
"Let's go hanapin natin si heaven."
"Mom, it's late. Besides I know heaven is safe."
"Izaq did you hear your self? Nawawala ang kakambal mo? For fucks sake. Let's go."
Tinakbo ko palabas ng bahay at kumakamot ng ulo si rael habang sumasakay kami sa kotse.
"Check the list of addresses ng mga friends ni Heaven"
"Mom, I'll call them already but they really don't know kung saan si heaven." Inis niyang tugon.
Hininto ko naman ang sasakyan at tumingin kay rael.
"Rael, I repeat. Check the list of heaven's friends kasi pupuntahan natin."
"Mom, pabayaan na muna natin si heaven."
"Ano bang problema nyo ha?!" Hindi ko napigilang sigawan si rael.
"I-I'm sorry son."hinawakan ko naman si rael pero agad syang umiwas saakin.
"The last time you and daddy's fight, We hear you shouting kaya bumaba kami and accidentally We hear na may unang asawa si daddy." Saad niya.
Umiwas naman ako ng tingin.
"That's not true, now check the list."
"Mom, nagalit si heaven kay daddy and also me pero mas iniintindi ko nalang ang sitwasyon. Hindi na kami mga bata para hindi namin mapapansin ang panlalamig nyo sa isa't isa. Hindi na kayo teenagers please fix the problem mom."
"And don't worry to heaven, alam kong safe sya ngayon tinawagan kita kanina para mainform kang wala si heaven at hindi ko din alam kung kailan sya babalik saatin."
Yumuko ako at naramdaman kong pumatak ang mainit na likido sa aking mata.
"I know hindi mo yun kasalanan mom, pero masyado ka ng naging busy sa trabaho kaya pati si daddy nakakalimutan mo na."
"Izaq, You don't understand."
"Yeah, I don't understand the real story behind that. Pero may mali kadin kasi mommy hindi ka nakinig kay daddy. Kung may unang asawa ang daddy just accept it. Just accept the fact na may mas naunang minahal si daddy bago tayo. Bago ikaw mom."
Tiningnan ko si Rael, and being his age now ay mas lalong nagiging kamukha sya ng daddy niya. Ngumiti ito saakin.
"That's okay mom, I'll talk to dad nextime pero ngayon. Hindi na muna siguro."
"No, don't do that to your father Izaq!"
"Pareho kayong may mali, pero may mas mali si daddy may asawa sya pero ginawa kapa din niyang asawa. Hindi niya inayos ang una niyang problema at gumawa pa ng panibago. Just rest mom! Everything's fine don't worry."
NiyAkap ko naman sya at hinalikan sa ulo.
"Uuwi na tayo." I said.
Kaya nagdrive na ako pabalik, kahit gustong-gusto kong hanapin ang anak ko ay mas kailangan niya ng oras para maibsan ang tampo niya sa daddy niya and rael sured me na she's okay.
Yes, malaki ang pagkukulang ko sa mga anak ko pero kahit na kailan ay hindi ako nagkulang sa pagmamahal sakanila.
Minadali namin ang pag-ibig, minadali namin ni Izrael kaya ngayon kami ang nahihirapan. Hindi ko sya kinilala ng mabuti kaya hindi ko namalayang kabit pala ako. Nakakatawang isipin na sya ang first love ko pero ako? Kabit niya ako. Pangalawang asawa pa.
Ayokong mahati ang oras niya sa pagitan ng una niyang asawa at sa mga anak ko, ayos na ako kahit hindi na kami babalik sa dati. Oo magiging maayos ako. Sana.
Hindi ko din naman alam na sa sobrang pagmamahal ko sakanya ay hindi ko na sya kinilala bilang sya, And I know darating sa puntong maghihiwalay kami.
And that's the saddest part of being in a relationship.
Lalo na't mahal na mahal mo yung taong yun.
Hindi lahat ng bumitaw, ginustong bumitaw.