Chapter 8
__________Umupo ako sa mesa at saktong lumabas si manang galing sa kwarto niya, habang si tiya at mama ay nagkukwentuhan.
"Oh andito kana pala, kumain kana ba? Ipaghahain kita?" Saad niya.
"No thanks, I'm still full."
Tumango lang sya at bumalik sa kusina dahil siguro ay kukuha sya ng maiinom nina mama at tiya.
"Bukas ay uuwi na ako, babantayan ka muna ng mga anak mo dahil kailangan ko ng magbukas ng karenderya." Rinig kong saad ni tiya na agad akong napailing.
Tumayo na ako at nagsimulang humakbang papunta sa hagdan pero napahinto ako nung magsalita si mama.
"You're sexy and beautiful, nagmana ka sa daddy mo." Mahinahon niyang saad.
"It's that a compliment? O pangiinsulto? Thanks by the way."
At humakbang na ako at hindi na sila pinansin, pagkapasok ko ng kwarto ay huminga ako ng malalim at hinubad ang boots na suot ko sunod ay buong damit ko nagsuot na ako ng roba at pumasok sa banyo.
Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng nighties at humiga na, habang nakatulala sa kisame, malapit na pala ang graduation at wala na masyado akong iisipin dahil sa practices at wala na akong klase magtatake nalang ako ng board exam pagkatapos ng dalawang buwan simula pagkagraduate ko.
Biglang may kumatok naman sa pintuan ko.
"Sweetie.."
Naglakad palapit saakin si kuya habang naka polo pa ito na alam kong kakarating lang niya.
"It's late, magpahinga kana kuya."
"Are you okay?" Saad niya saakin, na kahit ako ay hindi ko alam kung okay lang ba ako. Ayos lang ba ako?
"Yes." Saad ko.
"Kamusta ang lakad nyo ni vanessa?"
"May bagong labas na batas ang hukom." Saad ko sakanya na ikinagulat naman niya, kaya dahan dahan syang umupo sa kama.
"What kind of law?" May pagaalala sa boses niya.
"Love.." natahimik si kuya kaya napabuntong hininga nalang ako, alam ni kuya na simula palang ay parte ng organisasyon ang mga Treechada dahil nakatira kami sa sicily at isang tagong organisasyon ito.
"Bilang pang huling hukom ng pamilya hindi ako sumang-ayon." Saad ko sakanya, inangat naman niya ag kanyang kamay at hinaplos ang mukha ko.
"Kung darating ang panahon na iibig ka ay sana ay maagapan yan dahil ayokong mahihirapan ka pagdating ng panahon." Malungkot niyang saad, dahan dahan naman akong bumangon.
"Bakit? Ano bang meron sa pag-ibig?" Nilalamon ako ng isip ko sa tanong na yan at alam kong masasagot ni kuya iyon dahil umibig na ito noon.
"Pag-ibig? Hindi mo naman mamamalayan na umiibig ka kung hindi ka masasaktan, Kung hindi ka masasaktan hindi ka nagmamahal."
Bahagya akong natawa dahil sa sinabi ni kuya.
"Nakakatakot palang magmahal."
"No sweetie, mas nakakatakot ang walang minamahal dahil darating ang panahon kung wala na kami ay sino ang makakasama at gagabay sayo?" Ngumiti si kuya na parang ang sarap magmahal.
"Walang masayang relasyon sweetheart, walang hindi nasasaktan dahil lahat ng nagmamahal ay nasasaktan."
Tumayo na din sya at handa na itong umalis.
"Matulog kana, it's a long weekend for us. Goodnight baby."
"Goodnight kuya." Yumuko sya at hinalikan ang noo bago sya umalis, nagbuntong hininga nalang ako at tumayo.
Naglakad ako papunta sa terrace at binuksan ang kurtina bago ang glass sliding door, hinawakan ko ang gintong bakal at huminga ng malalim.
"Pag hindi ka nasaktan, hindi ka nagmamahal."
Napangisi nalang ako sa huling sinambit ni kuya, ganun ba magmahal? Bakit kailangan pang masaktan eh nagmamahal lang naman tayo?
Napalingon ako sa pumasok, and it's manang.
"Dinalhan kita ng mainit na tsokolate malamig ang gabi ngayon, masarap uminom neto." Kinuha ko naman ang mug at ngumiti.
"Thank you manang."
Umupo naman kami sa may malambot na upuan ng balconahe.
"Masaya kaba ngayon hija?" Napalingon naman ako sakanya, habang umiinom din siya ng gatas.
"Hindi ko alam, I'm not happy I'm not sad. I'm tired."
Hinaplos naman niya ang mahaba kong buhok at ngumiti sya saakin, alam kong maganda si manang dahil may dugo siyang german saad ni kuya at tiya.
"Mas bibigat ang loob mo dahil sa may mga problema kang ayaw mo ipaalam sa iba, hindi masamang ipahayag ang damdamin hija. Mas masama yung magtatanim ka ng galit sa puso mo dahil habang buhay mo itong kikimkimin at dadalhin." Manang
"Galit nalang ang meron ako kay mama."
"Bakit ayaw mong pakinggan ang paliwanag ng mama mo sa nangyare mira? Alam kong isa yun sa mga tanong sa isipan mo." Huminga ako ng malalim at tumitig sa mga butuin.
"Alam nyo ba nung mga panahong kailangan ko ng karamay? mga bituin lamang ang tanging kinakausap ko kase wala ang mga magulang ko." Malungkot kong saad.
"Si kuya noon ay busy sa trabaho pati si tiya, kaya kahit problemado ako ay hindi ko inoopen sa kanila kase mag naghahanap ako ng kalinga ng isang ina. Manang" lumambot ang expression ng mukha ni manang at hinaplos ang aking mukha.
"May mga bagay tayong hindi maintindihan sa mundo miracle, gaya ng pangalan mo. Kaya miracle ang pangalan mo dahil isa kang himala saamin, noon pa man ay akala namin ay namatay ka na sa sinapupunan ng iyong ina dahil sa pangbababae ni senyor benedict pero mas nagulat kami dahil sa bigla nalang pumutok ang tubigan ng mama mo at dinala namin sya sa hospital at duon namin nalaman na nawalan ka ng pulso ngunit sa awa ng dyos ay nabuhay ka dahil sa lakas ng kapit mo sa kay miraalyana."
"Kaya nung nanganak sya ay tuluyan na syang iniwan ng papa mo para sa ibang babae, at hindi iyon natanggap ng mama mo kaya napabayaan ka niya kayo ng kuya mo sa pangangalaga ng tiyahin mo. Hindi niya natanggap na sa isang iglap ay mawawala ang pinakamamahal niyang asawa at sakto sa panganganak niya sayo. Ngunit hindi ko sya nakayang pagsabihan sa trabahong pinasukan niya ulit."
Iniwas ko ang tingin ko sa matanda dahil ayokong may mamuong luha galing sa mga mata ko.
"Nung gabing iniwan nya kayo ay bumalik sya dito sa bahay at dito nagpalakas at bumalik sa pagsasayaw, hindi ko man nakaya ang mama mo pero alam kong nananabik sya sayo at sa kuya mo kaya nung lumalaki kana ay binabantayan kalang niya sa malayo kase alam niyang hindi mo sya mapapatawad. Hindi mo na mapapatawad dahil sa iniwan lang niya kayo dahil sa pagmamahal niya sa daddy nyo."
Yun ang pagmamahal na sinasabi ni kuya.
"Nasasaktan sya mula noon hanggang ngayon kaya kahit hindi nyo alam ay pinoprotektahan nya kayo dahil ayaw niyang kunin kayo ng daddy nyo at dalhin sa greece para duon manirahan samantalang sya ay dito at nagiisa dahil alam niyang wala syang laban sa daddy nyo."
"What did you say?"
"Kukunin kayo ng daddy nyo at ilalayo kayo sa piling niya kaya hanggat maari ay sya na mismo ang nagpalayo sainyo para ni isa sa kanila ay walang makukuhang anak."