Prologo 1

1.4K 43 14
                                    

Yassey Pov's
    Nagising na lamang ako sa kama ng mayroong nakabulagtang binata sa aking tabi.

Wala siyang pantaas na damit at ubod ng puti. Mukha niyang makinis na walang bahid nang barya.
Ilong niyang matangos na binagayan ng labing kay ganda. (Sana all maganda ang labi. )

Teka ano nga ba ang nangyare kagabi? At teka ano nga nangyare kahapon? Ano nga ulit iyon?

loading... Loading..........
Hala patay! ( dali daling tatayo at lalayo sa kama) Ikinasal na pala ako kahapon, sa isang mayamang binata na nanggaling pa sa Iran.
 
 Kainis sina mom and dad,  ano nga ba ang nangyare kagabi?
Dali dali kung tiningnan ang aking suot, shit!! Wala akong maayos na damit at pambaba.

  "ahhhhhahhhhhh, " napasigaw na lamang ako dahil sa wala akong damit, hublas lahat! Este nakasuot na lamang ako ng sando at maikling short.
Teka!? hindi ito ang suot ko kagabi?
Hinubaran ba ako ng mokong na ito.

Sa aking kasisigaw nagising itong binata na nasa aking harap, kakamot sa ulo niya at ngingisi sa harap ng dilag na nag aalburuto sa galit.
Nakasuot lang siya ng boxer.
Aba. Sexy abs din pala ang binatang to.

"hey! Sweetheart! What is your problem?" tanong ng binata na naalimpungatan pa.

Lumayo ako sa kaniya at hinatak ko yong kumot para takpan yong katawan ko sabay bato nang unang hawak hawak ko.

"Anong ginawa mo sakin? Wag mo akong ma english -english diyan." sumbat ng dalaga

Ngumiti ang binata at lumapit sa kaniya

"di mo ba naalala ang ginawa natin kagabi? ( bulong niya sa tenga ko) Ikaw nga itong may gusto dba? " dagdag pa niya na ngumingising sa harap ng dilag.

Umiyak na lamang ang dalaga sa mga narinig, "ang sarap ng ginawa natin kagabi! Di mo ba naaalala? " inis pa niya sa dilag.

Tuluyan nang humagulhol ang dilag na nakakumot habang nakatayo sa harap ng kama.

Mag iiba ang timpla ng mukha ng binata, aamuhin niya ata ang umiiyak na dilag.
Babawiin ata yong sinabi niya.
"I'm just kidding Sweetheart, di kita ginalaw, tinabihan lang naman kita, tahan na sa pag iyak oh." pag aamo ng binata

"Ba't iba na ang suot ko? Ikaw ba ang may gawa nito? " ask ng dalagang humihikbi

"oo, nalasing ka lang ng alak na ininom mo kagabi! Nasukahan mo nga yang damit mo, wag kang mag aalala. Nakapiring ako ng tinanggalan kita ng damit." salaysay niya.

"talaga ba? Nagsisinungaling ka ata." pagdadalawang isip ng dalaga.

" Hali ka nga dito, pupunasan ko ang mga luha mo, maupo ka muna diyan at magluluto ako ng breakfast. Oo nga pala, kailangan mong kumuha ng exam tomorrow at gusto ko mag aral ka sa isang kilalang unibersidad, inasikaso ko na lahat ng papeles mo about sa transfere paper, maglilipat tau ng bahay na malapit sa school mo,  at simula sa araw na to, i have a rules and regulation  na dapat mong sundin! Sweetheart! " pa alam ng binata

"totoo ba ang mga narinig ko? Mag aaral ako ulit? saka lilipat tau ng bahay pero sina mom at dad di ko pa sila nakikita! "- sambit ng dilag

"oo, Sweetheart totoo lahat ng narinig mo, diyan ka muna punta lang ako ng Kitchen. " sabay halik sa noo ng asawa.

  Nawala ang aking kalungkutan at pagkainis.
Haysst, gumaan ang aking pakiramdam, humiga na lamang ako ulit at ipinikit ang mga mata.

  Pagkalipas ng kalahating oras, ginising ako ng aking asawa na half Iranian.
Nakahanda na ang breakfast pati aking susuotin ay inihanda na niya. Iwan ko ba kung anong nakain nito at nagawa pa niya akong isingit sa schedule niya ang pag prepare ng susuotin ko.

"hey sweetie! Kumain kana saka ito oh para maging healthy ka. Oo nga pala, Im leaving na! Mayroon kasi akong apointment this day so magbihis kana. Ahhhhhah (pigil sa asawang aalis sa hapag) ubusin mo muna yan, you have 15minutes to prepare yourself." ani binata.

  Dali dali akong bumihis at lumabas sa kwarto, napatingin na lamang siya sa aking suot, tiningnan ko ang aking sarili, pangit ba ako? Babalik na sana ako  sa kwarto ng biglang,,

"hey Sweetheart! U look so pretty, halika na, bagay talaga sayo ang damit na yan." puna nito.

"ganun ba." sagot ko ng madahan.

Bigla niya akong nilapitan, sabay titig saking mga mata, na parang may ibig sabihin, may inaamoy siya sa damit ko na di ko alam.

Para siyang aso na parang ewan!
Ayan oh!! Singhot nang singhot na parang aso.

" may dalaw ka ba?"- 
Ngisi niyang tanong sakin.
na para bang may ibig sabihin.

"eh! Kung sipain kaya kita, manyak na to, akala mo namn gwapo," --bulong ko habang nakatitig sa kanya.

Inilapit pa niya ang kanyang mga mata at sabay hawak sa baywang ko, sobra kaba ko,
ano ba ang gagawin ng lokong to?

"di ko gusto ang amoy mo magpalit ka ng perfume, bilis! "--utos nito,

Hay, nakahinga rin paki ba niya kung di niya gusto ang perfume ko. Manigas siya, akala ba niya aakyat ako sa taas at magpapalit ng perfume! Whoy you siya sakin!

Sa halip ay pumunta ako sa taas pero di ako magpapalit ng perfume! Ngisi ko habang papaakayat ng hagdan.

Sinayang ko yung oras ko sa paghahanap ng kwintas ko sa kwarto.

Ano na kaya ang ginagawa ng mokong na Iranian na iyon.

After 30 minutes.

Aba, di ata siya umakyat sa taas.
Naisipan kong sumilip sa baba, sa may sala.
Hala, nasaan na yon?
Dali - dali kong bumaba at tingnan kung naka alis na nga siya.
Dahan - dahan kong binuksan ang pinto at sabay silip sa labas.

Ngunit biglang bumukas ang pinto at ako'y natangay.
Kung minamalas nga naman bigla nalang na may sumalo sakin.
Makinis na mukha, matangos ang ilong, matangkad na binata na nakasuot ng itim na amerikana ngunit mala buwitreng titig.

  Nakakatakot ang titig niya, na di ko maipaliwanag ang aking nakikita na kalungkutan sa kanyang mga mata.

"you  just wasting my time umakyat ka nga sa taas pero di ka naman nagpalit ng perfume, ano na naman ba ang ginawa mo sa taas?" sumbat ng binatang masakit ang titig.

Napatahimik ako sa kanyang harap,,di ko alam ang  aking gagawin buti nga di niya ako sinabihan ng lampa.

"mauna kana sa kotse, may kukunin lang ako sa taas. Oo nga pala, ayaw na ayaw ko ng lampa."sumbat uli sa asawa.

Ang sakit non, tinawag niya akong lampa. Kainis talaga siya. Ay naku, kung di lang kita asawa, lalayasan na kita. Pumasok na lamang ako sa kotse at umupo sa back seat nito.

In a minute,
Bumalik siya ng may dalang supot,,
Ano ba yang dala niya?
Para ba yan sakin?
Mukha kasing naaamoy ko ang laman ng supot.
Tingnan mo oh!
Nakatitig na namn siya sa akin.
Ano na namn ba ang kasalanan ko?

Dumungaw siya sakin.
Ang sama na naman ng titig niya.

"labas." utos ng binata

"bakit? " tanong ko sa kaniya

"wag na wag kang uupo sa back seat ng kotse, sa front seat ka uupo. Sa tabi ko. " wika ng binata na tila ba seryoso.

What? Tanong ko sa kaniyang mga mata.
Bat namn ako uupo sa tabi niya?
Di ko namn siya nobyo saka kasunduan lang ang laht ng to!

"ano ayaw mo? O ako mismo ang bubuhat at maglilipat sayo sa front seat ng kotse." hamon ng binata.

"eto na maglilpat na nga," sagot ko sa kaniya.

Ang Nilagdaang Kasunduan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon