Prologo 14

199 14 0
                                    


Sa Bayan Ng Erosse.
Ang sentro ng Bansa, nandoon ang señoritang Si Yassey ng kallon para bisitahin ang kanyang Bayan.

Malaki na ang pinagbago ng paligid naging maunlad na ito.
Ang hacienda ng bayan ay lalo nang lumawak dinagdagan ng Labing limang Ektaryang lupain.

Sa bayang iyon matatagpuan ang mga kwentung nilipasan ng panahon at nandoon din ang binatang si Alejandro sa Gymn Building. Nagpapawis ng katawan.

(on phone call)
"oh bakit? " tanong nito sa kausap.

"buenas diaz Princepe Alejandro, pinadala ng Ama mo ang mahal na prinsesa sa Pinas para sundan kayo." balita ng kausap nito.

"What?" sigaw niya sa kausap.

(call ended)

"Kainis pinadala na naman yong kapated kong lampa. Paano kung mapano na naman yun. " reklamo ng binata sa boxing room.

Tinapos na niya ang pag eehersisyo at nag out na ito.

Tumungo tayo sa Bayan ng Kallon kung saan nanuluyan ang bagong dating na panauhin.
"señora saan kayo pupunta? " tanong ng mga bodyguard niya.

" mamamasyal lang ako saka wag niyo na akong sundan diyan lang naman ako sa tabi-tabi." utos ng señora.

Magandang dalaga ang panauhing ito, may pikas sa mukha na bumagay sa mapupungay na mga mata. Suot niya'y bestida na mukhang mamahalin.

Sa kabilang dako ng parang nandoon din ang señorita ng kallon na si Maria.
Naglalakad at pumipitas ng mga bulaklak.
Sa bawat madaanan niyang halaman ay may mga sumisibol na mga bulaklak.
Pilit niyang nililibang ang sarili sa pagkabagot sa Hacienda.

"lucky im inlove with my best friend, lucky to have been where i have been, lucky to be coming home again." kanta ni maria habang naglalakad sa parang.

"tulong!" sigaw na magmumula sa matarik na bahagi ng parang,

Tumakbo si Maria kung saan nagmumula ang sigaw.

"tulong, tulungan niyo ako!" sigaw ng panauhing galing pa ng Spanya.

"abutin mo ang kamay ko." hawak ng señorita sa babaeng nakakapit sa matulis na bato sa tabi ng bangin.

Pinilit niyang hilahin ang babae pabalik sa parang.
Napahiga na lamang ang dalaga sa damuhan na parang takot na takot sa nangyare.

"ok, ka lang? " tanong niya sa dalaga.

maya maya ay dumating si Leo at iba pang bodyguard.
"señorita,, ayos lang ba kayo? " tanong ni Leo.

"bumalik na kayo sa Mansiyon. " utos ni Maria sa kanila.

Umiyak na lamang ang dalagang kaniyang tinulungan.
"ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Dadalhin kita sa hospital? " usisa ng señorita Maria.

"Salamat, Im so afraid!" wika niyang may punto.

"you mean, di ka taga dito? Right? Halika dadalhin kita sa bahay para lapatan ng first aid yang sugat mo." alalay niya rito.

Pagdating sa Mansiyon.
Kaagad siyang pinaupo sa Sofa ng señorita .
"manang yong first aid kit ho? " ani señorita Maria.

"nandito na señorita." abot ni Manang.

"Maraming salamat kaibigan, kundi dahil sayo nahulog na ako sa matarik na bangin na yon." utal utal niyang wika.

"ang galing mong magtagalog. Nakakamangha ka!" puna ng Señorita.

Matapos niyang lapatan ng first aid ang kaniyang sugat.
"heto tubig, ano nga pala ang ginagawa mo sa mapanganib na bahagi ng parang? " tanong nito.

Ang Nilagdaang Kasunduan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon