Sa bahay
Ibinaba ko na yong bag ko at dali-daling pumunta sa kwarto, nasaan na ba yong book ko? nandito lang yon eh.
Halos magulo ko na yong mga gamit ko pero di ko pa rin makita.
Nandito lang yon eh, sino na naman ba nagpakialam ng gamit ko."Kainis!" saby sipa at hagis ng mga nagkalat kung gamit sa lapag.
Iranian na yon humanda siya sakin!
Habang abala si Mr. De juanico sa kaniyang office, nagwawala naman ang kaniyang fiance.
(On call)
" yes, manang, may problema ba?" tanong ko sa kabilang linya.
"eh Señorito, si señorita Yassey kasi nagwawala na naman hindi niya kasi mahanap ung libro niya." manang.
"ganun ba, hayaan mo muna siya wag niyong pansinin yan saka wag kayong papasok sa kwarto, on the way na ako." ani mr. De juanico.
(After One hour )
Huminto ang pulang kotse sa harap ng mansiyong pula, bumaba ang binatang tila ba ay alalang-alala.
"manang nasaan na ba siya?" tanong ng binata.
"señorito, di pa siya lumalabas ng kwarto, pagpasok niya kanina sa kwarto galing ng school ay tila ba balisa ito at nanginginig pa nga parang tungkol ata sa exam. " balita ni manang sa binata.
Dali-dali akong umakyat sa taas, ayos lang naman kung ma failed siya sa exam, hay naku parang may maling nangyare kanina o sadyang nainis lang siya kasi tinago ko yong books niya.
Makasilip nga sa pinto!
Binuksan ko ng kaunti yong pintuan para makita kung magulo ngang talga ang room niya este room pala namin.Nagulat nga ako sa naabutan.
Nakakalat ang mga gamit mula sa drawer.
Hay naku, may basag na salamin pa.
Hay, Sweetheart! Ito ba tlaga ang parusa mo sa akin dahil sa iisang libro.Aba! tingnan mo nga naman nakatulog na siya hawak pa yong phone niya.
May luha sa kanyang mga pisngi.
May sugat sa kanyang mga kamay.
May balak ata siyang magpakamatay.Inayos ko na lamang yong pagkatulog niya.
Inayos ko yong mga ginulo niyang gamit.
Inayos ko ung mga gamit niya na nasa sahig nakakalat.Tinapon ko yong mga bubog na mula sa salamin na nabasag.
Hay, ang dami talaga ng ginulo niya.
Hindi man lang niya ako tinawagan kung saan ko inilagay yong books niya.At 6:00 pm
Madilim na ang paligid.
Wala na ang araw na sa paligid ay nagbigay liwanag.
Napalitan na ito ng buwan na nagbigay tanglaw sa kalangitan.Nagising na ang dalaga.
"Hahay!" sabay inat ng katawan.
Bat ang sakit ng ulo ko?
"teka, ang linis-linis na ng kwarto at mukhang naglinis ata ang Iranian na yon, " ani ko habang nakaupo sa kama.
Teka nasaan na ba siya?
Bumaba ako sa kama.
Lumabas ng kwarto.
Sumilip ako sa baba.
Wala namang tao.Nagpasya na akong bumaba para tumungo sa pool.
Dahan-dahan akong bumaba.
Isang hakbang nalang sa hagdan.
Bigla nalang may tumawag sakin."saan ka pupunta?" tanong ng binatang nasa sofa.
Deretso lang ako sa paglakad tungong pool di ko siya pinansin na para bang walang narinig.
BINABASA MO ANG
Ang Nilagdaang Kasunduan (COMPLETED)
RomanceSi Yassey ay isang anak ni Ginoong Leandro sa binibining si Ms. Celine ngunit may kasinungalingan nagaganap sa pagitan ng kaniyang pamilya at pilit siyang pinagkakasundo sa binatang si Denise para isalba ang pagkakautang ng ama niyang walang ginawa...