Prologo 13

336 17 3
                                    


10 years After
  Sa kasalukuyang panahon, maraming nagbago sa paligid. Makabagong teknolohiya ang natuklasan at laganap sa boung mundo. Ang teknolohiyang uso sa mga kabataan ngayon. Isang chat lang makakarating agad sa destinasyon.
Walang masyadong nag uusap ng face to face dahil sa makabagong teknolohiya.

Walang kasunduang nagaganap sa pagitan ng dalawang pamilya dahil online na ito pinag uusapan.

Ganon din ang ugali ng tao, nagbago dahil may nakitang bago.

Cellphone ay madaling palitan ng bago ganun din ang relasyong nagsimula online. Madaling palitan pero masakit masaktan.

Ang " i love you." nilang sinasabi ay parang "buy one take one" di ito para sa lahat kundi sa "one and only one".

Nasasakop ng makabagong teknolohiya ang isip ng tao. Bagkus nakakasama din ito sa kalusugan at may masamang Epekto.

Binabago nito ang realidad sa isang lipunan.
Fake news ay laganap sa Internet kahit mapa social media man.
Kailangan mo lang makipagsabayan Online para di mapag iwanan.

Sa isang Universidad sa bayang Errose dito mo mahahanap ang nakaraan mo ngunit di mona pwedeng balikan.

Sa labas ng gate
Maririnig ang tunog ng Messenger sa bawat studyanteng may hawak na cellphone.
Busy sa pag chachat ng kanilang boyfriend and girlfriend .

So ito ang sitwasyon sa labas ng gate.
"ano ba yan ang init ngayon." reklamo ng mga nag papaenroll.

"bat ang tagal," reklamo ng isang binatang naka kimonang itim.

Sa kabilang side ng linya. May isang dilag na walang pake alam kahit mainit sa pagpila. Suot niya ay simple na simple at nakapasak ang earphone sa tenga kaya wala siyang naririnig outside of her ear.
Sandali siyang titingin sa cp niya at sandaling ibababa.
"shit!! Bat ang tagal? " reklamo niya.

Bumukas na ang gate at dali-daling nagsipasukan ang mga nagpapaenroll.

"ok, student tatawagin lang kayo isa-isa. " paalala ng isang nag aasist.

Pakunti ng pakunti ang nagpipila at hayan na ang babaeng simple papasok na siya ng log in.

In a minute..
May binatang nagmamadaling pumila.
"shit, Im late." reklamo nito habang nakatingin sa phone.

"Ms. De juanico and Mr. De la vegas" tawag ng nag aasist.

Nagkasabay ang lalaking late at babaeng simple.

*Pinagtagpo ngunit di makaalala.*

"good morning ma'am." sabay sa pagbati ng dalawa.

"upo kayo, patingin ako ng mga cards ninyo." ani teacher.

Sabay bigay ng dalawa.
"Mr. De la vegas, kamusta ka? " tanong ng teacher.

"Im sorry ma'am but i cant understand tagalog. " sagot nito.

"she said,, como estas?  " sabat ng kasabay niyang babae.

( como estas? =kamusta ka?)

"hay,, mabuti naman Ms.de juanico at marunong kang mag Spanish, ang hirap kasing mag intindi kung wala ka namang maintindihan. " hugot ng teacher,

Napatawa ako ng palihim. Ano ba ang nakakatawa sa kasabayan ko? Kasi di siya marunong magtagalog.

"tulungan mo nga ako dito, Ms. De juanico." ani teacher.

"sige ma'am." sang ayon ko.

Natapos na ang pag papaenroll namin at namilipit ang dila ko kaka-spanish,
Palabasan na at dali dali akong lumabas ng gate.

Ang Nilagdaang Kasunduan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon