Prologo 17

145 11 0
                                    

Dali dali kong ni lock ang pinto at nagpalit ng damit.
Ano ba gagawin ko? Nandito si Alejandro.
Paano ko ba siya haharapan.
Di ako mapakali sa kwarto at panay ang lakad ko kahit na masakit ang paa ko.
Habang nginingitngit ang kuko ko sa daliri ng aking kamay.
At sa nagdudugo kong paa na nagkalat sa shoes kung suot.

Sa sala
Nakapalibot ang dalawang kambal sa ginoong si Alejandro.
" bat napadalaw ka? " tanong ni Kashmer.

" gusto ko sanang humingi ng tawad sa mga nangyare." ani Alejandro.

" ano naman ang dahilan mo para mapapatawad ka ng kapated namin? " tanong namn ni Diego.

" wala kaming relasyon ni Rose at di ko intensyon na saktan ang kapatid niyo." paliwanag nito.

" mukha nga walang binatbat ang babaeng humalik sayo." sabat ni Kashmer.

" anong ibig niyong sabihin? Sinugod niya si Rose dahil doon? " usisa ni Alejandro.

" ganun na nga, alam mo ba pinuntahan niya yong babae nang nalaman niyang wala kayong relasyon at tatlong sampal kapalit ng isang halik saka alam mo ba kung anong sinabi niya doon sa babae? " ani Kashmer.

" wag mong aagawin ang pag mamay-ari ko." dugtong ni Diego.

" ginawa niya yon? " gulat ni Alejandro.

" oo, ganun ka niya kamahal pati nga flower vase pinagbuntungan niya ng galit at nagawa pa niyang maglaslas." kwento ni Kashmer.

" humihingi ako ng kapatawaran sa lahat. " ani Alejandro.

" depende kapag pinatawad ka ng kambal namin." ani ng dalawa.

" kuya! " tawag ni Maria sa taas.

" nandiyan na." wika ng dalawa.

Nagmadaling umakyat sa taas ang dalawang kambal nito.
" ano ba yon, Maria? " ani mga ito.

" mga kuya oh? " turo ko sa paa kong dumudugo at sa medyas kung hinubad.

" iba rin ang prinsesa natin, magpaa ka nalng kaya." bungad ni Diego.

" ayan, nagsuot ka kasi ng pointed! " sumbat sa kapated.

Nagmadaling bumaba si Diego.
"anong problema? May maitutulong ba ako? " ani Alejandro.

"depende! " wika ni Diego.

Sa kama.
Nakaupo si Maria at ininda ang sakit.
" kuya naman, dahan dahan naman oh!" ani ko.

" ikaw kasi, pasaway ka talaga!" sumbat ng kuyang naglilinis ng sugat niya.

" kuya naman, sobrang hapdi na!" reklamo ko.

" heto na Kashmer, Alejandro pumasok kana bukas yan." utos ni Diego.

Napatingin na lamang si Alejandro sa dalagang nagpipigil sa hapdi.
Lumapit ito sa kanila.
Ang sama ng titig niya sa dalaga.

" ano bang problema nang Spanish na to? Bat masama na namn ang titig niya sa akin? " bulong ko.

" oh, ayan sumuot ka ulit ng pointed para madagdagan yan." sumbat na naman ni kuya Kashmer.

" salamat mga kuya, " patong ko sa kama ng paa kong may sugat.

" Alejandro, ano pang tinatayo mo diyan?" ani Diego.

" Maiwan muna namin kayo," paalam nito sa kapated.

" upo ka!" anya ko sa kaniya.

Bigla nalang siyang humagulhol sa harap ko at lumuhod.
Walang salitang lumalabas sa kaniyang mga bibig kundi pagtangis.
" wag ka nang umiyak oh!  Ayokong may umiiyak sa harap ko." ani ko.

Ang Nilagdaang Kasunduan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon