"walang gintong mas mahalaga at tutumbas ng pagmamahal ko sayo"Sa salang magara makikita ang mamahaling sofa na galing Spanya. Sa dakong banda ay may painting na galing pa ng France. Sa kaliwang banda may picture frame ng bagong kasal.
Sa gitna ng sofa may table na made of glass at doon ay may nakapatong na vase na ang laman ay mga bulaklak na kay ganda.
Sa harap ng sofa ay makikita ang isang hagdan sa di kalayuan na yare sa kahoy na kumikinang. Sa bawat paakyat sa hagdan ay may mga picture ng dilag.
"señorita!! Nandito na ho ang Sir Diego" pa alam sa señorita..Ngunit walang may sumasagot sa manang na tumatawag sa may pintuan.
Makikitang may nakahigang dilag sa sofa habang hawak hawak ang picture frame ng mom and dad niya.
May makikitang luha na umaagos sa pisngi niya.Bubuksan ang pinto ng Malaking bahay. Dudungaw ang binatang may kaputian ang kulay ng balat. Mga matang maaaninag ang kasiyahan at pagkasabik na mayakap ang mahal.
Kaagad niyang huhubarin ang kurbata at ipapatong sa mesa nang mapansing nasa likod pala niya ang mahal na señorita.Hahawiin ang buhok at pupunasan ang mga luha, sa sandaling iyon makakaramdam ng pagkalungkot ang binata.
"hey!! Sa kwarto kana matulog " tapik sa dilag..Babangon ito bigla ,"ano ba? Wag mo nga akong hawakan? Wala kang karapatan" sumbat sa asawa...
Nasaktan bigla ang binata, narinig na naman niya mula sa kaniyang mahal na wala siyang karapatan.
Sa taas.. Sa kwartong may kamang magarbo ang dating..
Binalutan ng pulang telang may desenyong puting mga bulaklak.
Sa gilid ng kama ay may mesa na yare sa kahoy ngunit magarbo ang estilo nito.Ang kabinet na lagayan ng mga damit ng dilag ay yare sa mamahaling kahoy na mula sa bansang Italy.
Muwebles na kayganda at kakaibang istilo ay nasa gilid ng kama.May bookshelf din sa harap ng kama.
Pinuno ng mga librong mula pa sa mga sikat na manunulat para sa kaniyang mahal.
Ngunit tila ba ay di iyon sapat para mapasaya niya ang dilag.Humihikbing nakahiga sa kama at panay ang agos ng kaniyang mga luha.
Sinong di maiiyak sa ganoong sitwasyon?Pumasok ang binata at magbibihis.
Kukuha siya ng damit sa kabinet, sandaling malilingat sa asawang nakatalikod sa bandang bintana ng kwarto.
Bintana na kung saan matatanaw ang mga sari saring bulaklak na itinanim para sa dilag.May iiwan sa kama ang binata, isang kahon na nakabalot sa pulang wrapper.
Sa pagbaba ng binata ay tutungo ito sa office niya at doon ay isusubsub ang sarili sa trabaho.
Babangon naman ang dilag at titingnan ang laman ng box.
Siya'y magugulat ngang talaga!!Wala pa siyang pinipili sa pagitan ng dalawa. Si Denise ng San Nicholas o si Diego na kaniyang matalik na kaibigan.
Ngunit huli na ang lahat dahil nakatali na siya sa kaniyang kaibigan.Kinaumagahan........
Nagpakita na si haring araw na nagbibigay liwanag sa paligid.
Magrereplika ang sikat sa windows glass ng kwarto ng mag asawa.
Hudyat na magigising na ang dilag at sandaling hihikab sabay inat ng katawan.Mapapansing tahimik ang paligid.
Wala ata ang asawa niya kaya tahimik sa sala.
Babangon na ang dilag at baba sa hagdan.
Sasalubungin siya ng isang Manang.
"señorita!! Pinaghanda kayo ni Sir Diego ng breakfast bago siya umalis " pa alam nitoNapadiretso tuloy ako sa Kitchen para tingnan yong inihanda niya.
Nakikita kona ang inihanda niya para sa akin.
Isang omelet with rice and a open sandwich with leafy vegetable na may toppings of eggs na may mayonnaise and tomatoes na heart shape.
"this is not so special but i prepare this with love and care! " note sa gilid nito..
BINABASA MO ANG
Ang Nilagdaang Kasunduan (COMPLETED)
RomanceSi Yassey ay isang anak ni Ginoong Leandro sa binibining si Ms. Celine ngunit may kasinungalingan nagaganap sa pagitan ng kaniyang pamilya at pilit siyang pinagkakasundo sa binatang si Denise para isalba ang pagkakautang ng ama niyang walang ginawa...