Chapter 6

2.3K 56 11
                                    

Chapter 6

"Landon, saan mo ako dadalhin? May trabaho pa ako!"

Napatingin ang mga empleyado sa'min ni Landon nung makalabas kami ng elevator. Nagtatanong ang kanilang mga mata habang nakatingin sa kamay ni Landon na nakahawak sa pulsuhan ko.

"I'm the boss, Zally."

"Good afternoon, boss..." bati nung mga guard na nagtataka rin habang nakatingin sa'min.

Hindi naman sila pinansin ni Landon ay dumeretso lang palabas ng companya. Hinila niya parin ako hanggang sa makarating kami sa parking lot ng kompanya. He opened the passenger's seat of his Prado and looked at me.

"Get in." Aniya.

"Bakit? Saan mo 'ko dadalhin?" Takang tanong ko.

He sighed. "We'll eat our lunch somewhere, Zally, so get inside the car."

Tinuro ko ang sarili ko. "Kasama ako?"

He nodded. "Yes."

"Pero bakit?"

"Stop asking and get inside."

Bumuntong-hininga ako at walang magawa kundi ang pumasok. Isinara na niya ang pinto at umikot siya papunta sa driver's seat habang ako naman ay sinuot ang seatbelt ko.

"Bakit ako ang sinama mo? Pwede naman 'yong mga kaibigan mo na si Skyzzer at Darren o kaya 'yong Zhea?" Tanong ko.

Seryoso niya akong sinulyapan bago niya pinaharurot ang kotse. "What about them? Tss. You're the one I want to have lunch with."

"Talaga?" Hindi ko alam kung bakit parang kiniliti ang puso ko.

"Yeah."

"Pero bakit nga ako? I'm just your secretary, Landon-"

"And friend." Dagdag niya. "Didn't I told you that I want you to be my friend?" Nagtaas siya ng kilay, nanatiling nakatingin sa daan.

Ngumuso ako. "Hanggang friend lang ba talaga?" Bulong ko pero uminit ang pisngi ko nung marinig ko ang halakhak niya. Did he heard that?

"Why? You want more than friend?" Tanong niya habang nakangisi na parang demonyo.

Kumabog ang puso ko sa sinabi niya at hindi makatingin sa kan'ya. "H-Hindi ah!" Tanggi ko at alam kong pulang-pula na ang pisngi ko ngayon. "F-Friends lang ang gusto ko, w-wala ng iba."

He chuckled. Damn! Even his chuckles is so sexy!

"Hmm, really?" Aniya.

Nilingon ko siya at sumimangot pero agad din akong nag-iwas ng tingin. "Friends lang talaga. At isa pa, ayaw kitang maging boyfriend no!" Napapikit ako ng mariin pagkatapos kong sabihin 'yan. Gusto kong kutusin ang sarili ko sa kahihiyan!

"And why is that?" Seryoso niyang tanong pero halata rin ang medyo pagiging kabado niya pero hindi ko 'yon pinansin.

"Kasi kita ko kung gaano ka ka-playboy. Kung paano ka manakit ng babae. Parang nasa isip mo na isang damit ang mga babae kung magpalit ka araw-araw at gabi-gabi. Tingin mo laruan lang ang mga babae kung pagbuhatan mo ng kamay na para bang wala lang sa'yo kung masaktan-" Napatigil ako sa pagsasalita nung makita kong mas lalo siyang sumeryoso habang nakatingin sa daan at mahigpit ang hawak sa manibela habang umiigting ang panga.

Napalunok ako at nakaramdam ng kaba sa itsura niya. Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa mga salitang binitawan ko. Shit! Kahit totoo ang sinabi ko ay hindi ko parin maiwasang maguilty sa mga sinasabi ko sa kan'ya. Bakit ba kasi walang preno ang bibig ko? Baka mawalan ako ng trabaho nito. Huhu.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now