Chapter 20
"Sure kana ba talagang pupunta ka sa party at hindi ka sasama sa'kin pauwi ng Iloilo ngayon?" Tanong ni ate Aria sa'kin.
Naghanda na siya para sa pag-uwi niya sa Iloilo. Tinawagan ko na sina Papa na bukas na ako uuwi dahil birthday ng kaibigan ko. Sinabihan ko na rin si Rafael at pumayag naman siya basta uuwi daw ako pagkatapos.
Six in the evening pa magsisimula ang party ni Yohan kaya naisipan kong umalis ngayon para makabili ng regalo ko sa kaniya. Nakakahiya naman kasing pumunta do'n na walang regalo.
"Oo, ate. Ipagpaalam mo nalang ulit ako sa kanila pagkarating ko." I smiled.
"Rafael's father."
Gulat akong nilingon si ate Aria sa biglaang sabi niya. Tinaasan niya naman ako ng kilay. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa biglaang pagbanggit niya do'n.
"Are you going to tell him about Rafael?" She asked me, seriously.
Hindi ako nakapagsalita agad at mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam ang isasagot ko kay ate Aria dahil kahit ako mismo ay hindi alam kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi.
"He's still the father of Rafael, Zally. Kahit hindi man nagtatanong si Rafael sa'yo tungkol sa ama niya ay alam kong nangangailangan din siya ng ama. Hindi mo ba naisip 'yon?"
I bit my lower lip and my heart ached. Naisip ko 'yon. Kahit ako ay naghihintay na tanungin ako ni Rafael tungkol sa ama niya. I would rather tell him the truth about his father. Lahat ng alam ko tungkol sa ama niya ay sasabihin ko at wala akong ililihim sa kaniya.
But that didn't happen. He never ask me about his father. Even one time. Naisip ko tuloy na baka alam niya ang ginawa ng ama niya sa'kin noon kaya hindi na niya magawang magtanong pero sobrang impossible naman no'n.
He knows that he has a twin. I don't know if it's a girl or boy but I assumed it's a girl. And he never even ask about what happened to his twin sibling. Basta ang alam lang niya ay patay na ito at hindi na siya nagtanong kung bakit.
Napasinghap ako, gulong-gulo na. "Hindi ko alam, ate Aria. He knows that I miscarriage our baby. At sinabi ko rin sa kaniya na hindi siya ang ama. Hindi ko alam kung naniniwala siya sa kasinungalingan ko noon. Hindi ko rin alam kung maniniwala siya na siya ang ama ni Rafael ngayon." I swallowed hard and getting so confused now.
My biggest mistake in my life was lying to him and not knowing that I was pregnant. If I have known it before, sana inalagaan ko na ang sarili ko. Hindi na sana ako masiyadong nagpaka-stress. Sana buhay pa ang kambal ni Rafael ngayon. But it's too late.
Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni ate Aria at nagpaalam na siyang aalis na. Ilang minuto pa bago ako umalis para bumili ng regalo.
I spend my time buying a gift for Yohan. Alam kong maiinis na naman 'yon sa'kin dahil nag-abala pa akong bumili ng regalo tulad noon. Hindi na niya daw kasi kailangan ang regalo, ang kailangan niya ay makapunta lang sa birthday niya ay sapat na. But I insist. Wala siyang magawa but to appreciate my gift for him, though. Gano'n din si Aisha.
I was about to buy a toys for Rafael but I realized that he didn't want a toys. Ang gusto lang niya makipaglaro sa mga kapitbahay na kaibigan niya ng hindi na kailangan ng laruan.
Bumalik na ako sa condo ni ate Aria to prepare. I took a shower first. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng susuotin ko. Alas singko na ng hapon at isang oras nalang ay magsisimula na ang party ni Yohan kaya binilisan ko nalang ang pag-aayos.
I put a make-up on my face. Hinayaan ko lang na makalugar ang mahaba at straight kong buhok. I was wearing red v-neck spaghetti strapped above the knee dress with a black belt on my waist. It exposed my cleavage. At kitang-kita rin ang curved body ko. I paired it with black heels.
YOU ARE READING
One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)
عاطفيةONE NIGHT SERIES #2- COMPLETED Zally wouldn't thought that she would fall for her beast boss who knows how to hurt a women mentally and physically... but well except for her. He never hurt her not until when she caught him kissing a woman in his off...