Chapter 14

1.8K 49 11
                                    

Chapter 14


Bumalik na kami pagkatapos naming mag-usap ni Kuya Blaine. Ang bilis nga ng relasyon namin ni Landon. Inamin lang namin na gusto namin ang isa't-isa ay kami na agad?

Nakatatak sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Kuya Blaine sa'kin hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad akong nagbihis habang nagpapahinga naman si Papa at Mama sa kwarto nila. Si Kuya Blaine ay Kuya Gerald ay nasa kabilang bahay nila na malapit lang din dito.

"Are you okey? You were so silent after you talk to your brother."

Nilingon ko si Landon at ngitian. Lumapit ako sa kan'ya at niyakap siya na agad naman niya akong niyakap pabalik. No, I won't break up with him for no reason. Walang dahilan para hiwalayan ko siya.

I love him. That's the truth but I can't tell it to him. Hinintay ko rin siyang sabihin sa'kin na mahal niya ako pero hindi parin niya sinabi. Ayos lang naman sa'kin basta 'wag niya lang akong saktan at ipagpalit sa ibang babae sapat na 'yon.

"Okey lang ako. Nag-aalala lang talaga ako sa mga magulang ko." Palusot ko.

He kissed my forehead. "They will be okay."

Tumango ako at humiwalay ng yakap sa kan'ya. "Pagod ka na? Gusto mo bang magpahinga muna sa kwarto ko?"

"How about you? Hindi mo ba ako sasamahan?" Ngumisi siya.

Matalim ko naman siyang tinignan. "Manahimik ka, Landon ah. Nandito tayo sa bahay namin."

"What?" Natatawa niyang sabi. "I didn't mean something, babe. I just want you beside me."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Wala ka bang damit? Teka, pupunta muna ako kila Kuya para manghiram ng damit. May hindi pa naman sila nasusuot."

"Nah." He shook his head. "Skyzzer and Darren on their way here."

"Ha?" Kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong gagawin nila dito?"

"Ihahatid ang gamit ko."

"Eh?"

"How many days we will stay here?" He asked.

"Babalik naman ako sa Manila sa susunod na araw. Kung gusto mo, pwede namang mauna ka nang umuwi. At tsaka, may trabaho ka pa, Landon."

"May trabaho ka rin." He raised his one brow. "And nah, sasabay ako sayo. Sa susunod na araw na din ako uuwi."

"Pero-"

"Zally."

Sabay kaming napabaling sa pinto nung marinig namin ang boses ni Kuya Gerald. Pumasok siya na may dalang plastik at alam kong pagkain ang laman nun.

"Kuya Gerald."

Tinanguan niya si Landon at bumaling sa'kin. "Ihanda mo 'to para makakain na tayo. Punta ka lang sa bahay kung may kailangan ka."

Tumango ako at tinanggap ang plastik na binigay niya. "Ang mga bata?" Tanong ko at tinutukoy ang mga anak niya.

"Natutulog sila. Pupunta din 'yon dito kapag nagising. Aalis kasi ako."

"Saan ka pupunta?"

He sighed. "Basta."

"Si Ate Diane, Kuya?"

"Nasa bahay."

"Okey."

"Gerald, tara na." Singit ni Kuya Blaine.

Nilingon naman siya ni Kuya Gerald at tinanguan. "Sige."

Pagkatapos nilang magpaalam ay pinapunta ko na si Landon sa kwarto ko para makapagpahinga. Ayaw pa nga niya dahil gusto niya akong tulungan pero pinilit ko siya kaya wala siyang magawa.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now