Chapter 30

1.8K 44 2
                                    

This is the last chapter of this story and next will be the Epilogue, Landon's point of view. I'm sorry if this story took so long. I wasn't planning to continue this story or series before but I realized that I love the characters of this series, as much as I love the other characters of my stories.

And this will be the last installment of this series. Thank you so much for the support. I hope you'd enjoy this series. Sorry for the wrong grammar, typos and other errors. I hope you will leave some remarks about the story in the comment section for me to improve. Thank you!



Chapter 30

"Pauwi na nga ako. Grabe ka, ilang oras lang tayong hindi nagkita, ah?"

Halos matawa ako kay Landon na nasa kabilang linya. Pano ba naman kasi, pumunta lang ako ng mall para mag-grocery ay gusto na niya akong umuwi agad dahil miss na niya ako. Ewan ko ba sa lalaking 'to.

"Where are you now? Do you want me to fetch you?" he asked from the other line.

"Hindi na. Magta-taxi na lang ako."

"Alright. I'm gonna wait you here- uh no, me and Rafael will wait for you."

"Sige na. Bye."

"Take care. I love you."

"I love you, too."

Pumara na ako ng taxi at pumasok. Sinabi ko naman ang address at tumingin sa bintana. Gusto akong samahan ni Landon na mag-grocery kanina pero sinabi ko na sa kan'ya na dapat magpahinga lang siya dahil matagal siyang natulog kagabi kaka-trabaho.

Naging maayos ang buhay namin sa mga nagdaang buwan matapos kaming ikasal. Minsan ay nag-aaway kami ni Landon pero nagkakabati rin kaagad. Hindi niya kasi ako matitiis, e. Gan'yan niya siguro ako ka-mahal.

We always tried to make a baby. Pero ilang buwan na ang nakalipas ay dinadatnan pa rin ako. Natatakot ako na baka hindi na ako mabuntis ulit. At sa tuwing dinadatnan naman ako ay pareho lamang kami ni Landon na nalulungkot. We both want another baby.

Hindi rin naman ako nagpapa-check up sa OB dahil iniisip ko na baka hindi pa talaga ito ang oras na magkaka-baby ulit kami.

Gustong gusto ni Landon na bumawi. At kapag nabuntis ako ay gagawin niya ang mga hindi niya nagawa no'ng pinagbubuntis ko si Rafael dahil hindi niya alam 'yon. Gusto rin niya kasing naranasan ang mag-alaga ng buntis. Isa kasi 'yon sa sinabi niya.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang labas. Tahimik kasi sa lugar na 'to at hindi naman madadaanan dito kapag pauwi ako ng bahay.

"Kuya, mali po ang daan." nilingon ko ang driver sa rear mirror na mukhang walang narinig galing sa akin.

Bigla niyang itinabi ang sasakyan at bumaba. Nagsimula na akong makaramdam ng kaba lalo na no'ng lumapit siya sa gilid ko at binuksan ang pinto. Magtatanong sana ako sa kan'ya nang bigla niya akong hinila palabas.

"Ano ba?!" bulyaw ko sa kan'ya.

Ngayon ko lang napansin na may isa pa palang kotse sa kabilang daan. Tinulak ako ng driver dahilan para mapasubsob ako sa sahig. Napadaing ako sa sakit.

Tangina, ano ba 'to?!

Natanaw ko ang lalaki na bumaba galing sa kotseng 'yon. At hindi lang pala isang lalaki, may sumunod pang dalawang lalaki at isang babae. Hindi ko sila kilala. Naglakad sila palapit sa akin. Dahan dahan akong bumangon.

"You bitch!" biglang sigaw no'ng babae at agad na hinila ang buhok ko nang makalapit.

Hindi ako natuloy sa pagbangon dahil sa ginawa niya sa akin. Nilapitan naman ako ng dalawang lalaki at hinawakan ang magkabilang braso ko habang patuloy pa rin sa pananakit sa akin ang babae. Ang isa namang lalaki ay nakamasid lang.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now