Chapter 23

1.9K 49 4
                                    

Chapter 23


Hindi na nagulat sina Mama at Papa nung makarating kami. Siguro ay nasabi sa kanila ni Ate Diane. Nasa salas si Papa, nagkakape. Si Mama naman ay kakalabas lang ng kwarto. Sina Ate Aria at Ate Diane ay nasa kabila, sa bahay nila. Wala pa ang ibang bata, nasa school pa.

"Pa, Ma, magandang hapon." Bati ko at nagmano sa kanila.

"Good afternoon, Lola, Lolo." Rafael did the same.

Nakatingin lang naman sila kay Landon. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"Good afternoon po." Landon greeted them.

Nagulat ako roon at lalo na nung nagmano rin siya na para bang sanay na sanay na siyang ginagawa 'yon. Kahit sila Mama at Papa ay nagulat sa kaniya.

"Daddy, this is my Lola and my Lolo. La, Lo, this is my Daddy…" Rafael introduced with a smile on his lips.

"Rafael," tawag ko sa anak ko.

They looked at me.

"Yes, Mommy?"

"Pumunta muna kayo sa kwarto ng Daddy mo. Kakausapin ko lang sina Lola at Lolo, okay?" I messed his hair.

"Okay! Daddy, let's go." He pulled his Daddy.

My eyes met Landon's. He seems to be hesitant about going with his son or not. I tried to smile and nodded at him. He sighed before he turned his back at us and let his son pulled him.

"Pa… Ma…" binalingan ko sila.

"Bakit siya nandito? Sinabi mo ba sa kaniya ang totoo?" Seryosong tanong ni Mama.

I bit my lower lip and nodded. "Because-"

"Hindi kami galit kaya 'wag kang mag-alala. May karapatan si Landon sa anak niya at gano'n din si Rafael sa kaniya. Pero anak, paano kung kukunin siya ni Landon sa'tin?" Tanong ni Papa habang nakatingin sa'kin, parang natatakot.

Umiling ako. "Hindi ko po hahayaang mangyari 'yon, Papa." I swallowed hard and looked away.

Hindi ako papayag na ilalayo niya si Rafael sa'min. Hindi ko siya hahayaan na gawin 'yan.

"Babalik po siya ng Manila bukas… Hindi ko alam kung anong plano niya sa anak namin…"

"Kung dadalhin niya si Rafael, hindi ako papayag." Agap niya.

"Ako rin, Papa."

Natatakot talaga ako sa kung anong balak ni Landon sa anak namin. Alam kong minsan ko lang nakakasama ang anak ko dahil sa trabaho pero hindi ko hahayaan na hindi siya makasama habang buhay.

That will be a death of me!

Tahimik na ulit kaming tatlo ni Mama at Papa pero nakamasid sila sa'kin. Maya-maya pa ay lumabas na si Landon at Rafael sa kwarto. Rafael ran towards me and hugged me on my waist.

"Mommy, Daddy said that we're going to Manila tomorrow!" He exclaimed excitedly.

Kumabog ang puso ko sa sinabi niya at lumunok. I slowly turned my gaze at Landon. He brushed his hair using his fingers and went towards us and face my mother and father. I looked at my son again.

"Raf, doon ka muna kina Tita Aria mo, mag-uusap muna kami dito, ha?" Sabi ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya pero agad ding tumango. "Okay, Mommy." He then looked at his father. "Sa kabila po muna ako, Daddy."

His father smiled and nodded. "Alright."

Nakasunod lang ang tingin namin kay Rafael hanggang sa makalabas siya. Bumaling ako kay Landon nung marinig kong bumuntong-hininga siya.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now