Chapter 7

2.1K 63 4
                                    

Chapter 7

I've never felt like this before, not until I met him. I've never been this hurt for someone.

"Zally, wait!"

I stopped when he grabbed my arms, I immediately pulled it from his hand and I saw how shocked he was.

"What's wrong?" He asked worriedly.

I fake my smile on him. "Nothing. Why? Is there something happens?" I felt the bitterness on my voice. "Balik na tayo sa kompanya?" Aya ko.

Tinitigan niya ako. Umiwas ako ng tingin sa kaniya sa sobrang pagkailang. Parang pinag-aralan niya ang mukha ko.

"Are you crying?"

I was shocked at his question pero agad ding nakabawi. "No. Why would I cry?" I smiled.

His jaw clenched and looked at me with his dark eyes. "I don't want to see that smile."

Slowly, my smile faded and I felt a sting on my chest. Nagbabadya ang luha ko sa mga mata.

"If it's fake." He added.

Napaawang ang labi kong nakatingin sa kan'ya. Nagkatitigan kaming dalawa and I feel like I'm drowning by his dark eyes on mine.

"I don't want to see your fake smile. I want to see your real smile, without forcing."

Hindi ako makapagsalita at nanatili lang nakatitig sa kan'ya. I don't even know what to say! What about my smile by the way? Halatang-halata ba?

"And I want to put your genuine smile back myself."

"H-Ha?"

Hindi siya nagsalita at hinila lang niya ako. Nagpatiantod naman ako sa hila niya habang nakatingin lang sa likod niya. What does he means?

He opened the passenger's seat for me. Wala na akong sinabi at pumasok na rin. Hindi pa niya isinara ang pinto kaya napaangat ako ng tingin sa kan'ya. Nakatitig naman siya sa'kin.

"M-May problema ba?" Kabado kong tanong.

Umiling lang siya at nagulat ako nung lumapit siya sa'kin. Akala ko kung ano ang gagawin niya pero para akong nakahinga ng maluwag kung kinuha niya ang seatbelt at siya na ang nagsuot nun sa'kin bago niya isinara ang pinto at umikot sa driver's seat.

Tahimik kami sa byahe. Nasa bintana lang ang paningin ko at hindi siya nililingon kahit kita ko sa gilid ng mata ko na panay sulyap niya sa'kin, lalo na kapag traffic. Pero ni isang beses hindi ko siya nilingon. I don't feel looking at him, though.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta at hinayaan ko lang naman siya. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano ang nangyari sa kanila nung waitress na 'yon kanina. Hanggang ngayon ay may lipstick parin siya sa ibaba ng labi niya pero hindi na masyadong halata tulad kanina.

Nakatulog pala ako sa byahe at nagising nalang ako nung maramdaman kong may humaplos sa pisngi ko pero nakapikit pa rin ako, dinadama ang haplos kahit hindi ko alam kung sino.

"You're a damn beautiful." He whispered before I felt a lips touched my forehead.

Sa gulat ko ay napadilat ako at napaayos ng upo. Napaatras naman si Landon at kita ko rin ang gulat sa mukha niya. Anong ginagawa niya? Did he just kissed me on my forehead? I want to ask him why he kissed me pero nakaramdam ako ng hiya.

Tumikhim siya at umayos ng tayo. "We're here." Aniya ng hindi makatingin sa'kin.

Tumango ako. "Saan mo ako dinala?" Tanong ko at bumaba bago inilibot ang mata sa lugar.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now