Chapter 5

2.3K 66 16
                                    

Chapter 5


"Zally, come here in my office."

Mabilis akong tumayo nung marinig ko ang boses ng boss ko sa intercom. Inayos ko muna saglit ang sarili ko bago ako lumabas ay sumakay sa elevator.

Naabutan ko siya nakasandal sa swivel chair niya habang ang kamay ay nasa mesa na may hawak na papeles. Napaangat siya ng tingin sa'kin nung maramdaman niya ang presensya ko.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Yes, boss?"

Nagdilim bigla ang paningin niya sa'kin. "It's Landon, Zally. Landon. How many times do I have to tell you that?" Irita niyang sabi.

Sinimangutan ko siya. "Sorry na, bo-- ay este, Landon. Hindi lang sanay pero 'wag kang mag-alala, sasanayin ko ang sarili ko."

"Good." Bumuntong-hininga siya at may kinuha bago nilapag sa mesa niya. "Here."

Kunot-noo naman akong naglakad palapit sa mesa niya at kinuha 'yon. "Para saan 'to, bo-- Landon?" Muntik na.

"It's my birthday tomorrow and I am inviting you to come." Nakangiti niyang sabi.

Tinignan ko ang invitation card bago tumingin ulit sa kanya. "Pero, Landon, okey lang naman kung hindi-"

Sumimangot siya at pinutol ako. "I am inviting you, Zally." Matigas niyang sabi. "Susunduin kita sa apartment niyo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "A-Ano?!"

Bakit pa niya ako susunduin? Anong akala niya sa'kin, bata?!

"I will fetch you tomorrow. And you can't say no to this or I will fire you."

Namutla ako sa sinabi niya. Aba naman! Ano naman ang konek ng birthday niya at pagsundo-sundo sa'kin sa trabaho ko? Magaling.

Pumayag nalang ako at walang magawa. Nag-order na din ako ng dalawang lunch tulad ng lagi niyang inuutos. Simula kasi nung naglunch kaming dalawa ng sabay ay ganun din ang ginawa namin sa mga sumunod na araw, lagi niya akong pinapasabay sa kan'ya. Well, maliban nalang kung may lunch meeting siya.

Pagkapasok ko sa opisina habang dala-dala ang pagkain ay napatili ako kasabay ng pagbitaw ko sa pagkain at napasinghap nung makita ko kung paano sinampal ni Landon ang isang babaeng hindi ko kilala at napasalampak sa sahig. Napalunok ako nung makita ko ang galit na galit na mukha ni Landon at para na siyang kakain ng tao.

Napatingin siya sa'kin nung marinig ang tili ko at ang pagbagsak ng pagkain sa sahig. Kahit medyo kalayuan ako ay kita ko ang pagkawala ng galit sa mukha niya at napalunok habang namumutla.

Bumaba ang tingin ko sa babae na malakas na umiiyak nung gumalaw ito at lumuhod sa harap ni Landon na ikinalaki ng mga mata ko.

"P-Please, Landon... mahal na mahal kita. K-Kaya kong tiisin ang pananakit mo, pumayag ka lang na m-magpakasal sa'kin. Parang awa mo na..." the girl begged.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Is she out of her mind? Kaya niyang tiisin ang pananakit ni Landon sa kan'ya, pumayag lang itong magpakasal sa kan'ya? She is really crazy.

Hindi nagsalita si Landon kaya naibalik ko ang tingin ko sa kan'ya. Halos mapaatras ako sa takot nung nagtama ang paningin naming dalawa at kitang-kita ko kung paanong paulit-ulit na umalon ang adams apple niya dahil sa paulit-ulit na paglunok niya.

Napalingon din sa'kin ang babae nung napansing sa'kin nakatingin si Landon. Napakurap-kurap ako nung makita ang itsura niya. Para talaga siyang baliw! Nagkalat na ang make-up niya sa mukha!

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now