Chapter 19

1.8K 52 8
                                    

Chapter 19

I don't know what to do as I watched him checking my hand. Gustong-gusto kong bawiin ang kamay ko sa hiya dahil parang pinagpapawisan ako masiyado pero hindi ako makagalaw.

"Are you okay?" He looked at me.

I swallowed hard and I was about to answer him but ate Aria's voice filled my ears.

"Anong nangyari?"

Agad kong binawi ang kamay ko kay Landon at kita ko naman ang bahagyang gulat niya. Ang bilis ng kabog ng puso ko ay hindi parin kumakalma. Huminga ako ng malalim at nilingon si ate Aria. Palipat-lipat ang kuryosong tingin niya sa'ming dalawa ni Landon. Ang iba namang malapit na pasahero sa'min at nakatingin din.

Umiling ako kay ate Aria. "Wala, ate. Uh..." bumaling ako kay Landon. "Pasensya na po, sir." Naglagay ulit ako ng kape sa paper cup at inabot sa kaniya. "Eto na po."

Seryoso niya namang tinanggap 'yon at umupo na. Agad akong umalis do'n at ramdam ko naman ang pagsunod ni ate Aria sa'kin.

"Anong nangyari ba kasi?" Tanong niya.

"Napaso lang, ate. Pero ayos lang, hindi naman masiyadong masakit." Sagot ko.

Sobrang sakit! Damn! Feeling ko nga ay magkakasugat ako nito, e.

Tumulak na ako papunta sa economy class. Nung matapos ako ay bumalik ako sa galley at nag-ayos do'n. Nakasunod parin si ate Aria sa'kin, sobrang kuryoso na sa nasaksihan pero laking pasasalamat ko dahil hindi naman niya ako tinatanong ulit.

Si Lovely ang naghatid ng pagkain sa cockpit para kila Captain. Excited pa si Lovely dahil gwapo ang piloto namin ngayon. Single naman siya kaya okay lang na maglandi siya.

Lumabas ulit ako. Naka-standby lang ako, naghihintay na may tatawag sa'kin. Sa totoo lang hindi ako komportable ngayon unless sa nagdaang flight ko. Is it because Landon Zenon is here? Pero bakit mag-isa lang siya? Where's Zhea, his wife? Or kids?

I sighed. Hindi ko talaga maiwasang manikip ang dibdib ko habang iniisip na may asawa at anak na siya. Naawa at nasasaktan ako para sa anak ko na walang kinikilalang ama. Pero ayos lang, nandiyan naman sila Papa, kuya Blaine at kuya Gerald. Pero iba parin talaga siguro kapag ama niya talaga.

Nakaramdam ako ng may kanina pa nakamasid sa'kin kaniya tinignan ko lahat ng pasahero. Kumabog ang puso ko nung nagtama ang paningin namin ni Landon. Shit, bakit siya nakatitig sa'kin?

Pinagpapawisan ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong umalis dahil naiilang ako sa titig niya. Bakit ba naman kasi kailangan pa niyang tumitig sa'kin? Ugh, nakakainis!

Tumalikod nalang ako at naglakad pabalik sa galley. Hindi ko kayang manatili do'n lalo na at nando'n ang taong... nanakit sa'kin noon. Ang taong una kong minahal... noon. Ang unang taong nanloko sa'kin.

At ang ama ng anak ko.

I wonder kung anong ginagawa niya sa Japan? Is it because of his work? Or he's just... had his vacation? Pero bakit naman siya magbabakasyon mag-isa? Bakit wala siyang kasama?

Pagkatapos ng ilang oras ay naghanda na ako para makapagpahinga at papalit na 'yong isang flight attendant sa'kin. Laking pasasalamat ko at hindi ko na siya makikita kahit ilang oras man lang bago kami makarating.

Pumunta na ako sa rest station kasama si ate Aria at Lovely. Agad akong umupo sa isang bunk bed at gano'n din ang ginawa nila Lovely at ate Aria.

"Si Landon Zenon iyon, 'di ba? Yung ex boyfriend mo?"

Namilog ang mga mata ko at natigilan sa pagtanggal sana ng scarf sa biglaang tanong ni ate Aria! Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ulit ako kay Landon! Si Lovely naman ay kumunot ang noo, walang maintindihan sa tanong ni ate Aria.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now