Chapter 17

1.9K 56 6
                                    

Chapter 17


Hindi ko inaasahan ang dumating sa buhay ko. Hindi ko inaasahan ang lahat ng nangyari. Hindi ko inaasahan pero sobrang saya ko. Sobrang saya namin ng pamilya ko. They may be disappointed at me because of what happened but they still supporting me. Even Kuya Blaine and Kuya Gerald.

"Halika, pawis na pawis kana oh." Sabi ko sa kaniya na naglalaro kasama ang mga pinsan niya sa labas ng bahay.

Mabilis naman siyang lumapit sa'kin kaya niluhod ko ang isang tuhod ko at pinunasan ang kaniyang pawis sa mukha, leeg, sa loob ng kaniyang damit pati sa likod. Nagdala rin ako ng extrang damit para bihisan siya dahil basa na rin ang damit niya.

"Tita-Mommy, tinulungan po ako ni Kuya Rafael nung inaway ako ng mga bully po..." Rhea pouted as she pointed at the kids who bullied her.

Nalukot ang mukha ko pero agad ding ngumiti at nilingon si Rafael. "Is that true?"

He nodded. "Yes po."

Ngumiti ako at pinunasan ko narin si Rhea, ang bunsong anak ni Kuya Blaine. Yung panganay na anak ni Kuya Blaine na si Harvey ay busy lagi sa pagbabasa ng libro, halos hindi na pagtuonan ng pansin ang kapatid kaya si Rafael lagi ang nagtatanggol sa kaniya.

Yung pangalawang anak naman ni Kuya Blaine, si Aliyah ay lagi nalang nakababad sa gadget. Yung kambal na anak naman ni Kuya Gerald na si Gino ay hindi na masiyadong sumasabay sa paglaro ng ibang bata habang si Grant ay sumasali pa sa iba.

Harvey is 13 years old now while Aliyah is 12 years old and Rhea is 5 years old. Kuya Gerald's twin sons are 12 years old, too. Rafael is 7 years old. Linggo ngayon kaya naglalaro sila dahil walang pasok.

"Pumasok na kayo sa loob para magmeryenda. Rafael, tawagin mo ang mga pinsan mo dahil marami akong hinanda." Ngiti ko.

"Okay po." Agad niyang sinunod ang sinabi ko.

Sabay naman kami ni Rhea na pumasok sa bahay at agad namin nakita si Mama na naglilinis sa sala. Ngumiti siya nung makita ang apo.

"Lola!" Agad na lumapit si Rhea sa kaniya na para bang ngayon lang nagkita eh magkapit-bahay lang naman kami. "Binully ako nila Angel sa labas buti nalang at tinulungan ako ni Kuya Rafael! Ang bad nila, Lola! Angel ang pangalan niya pero bad siya. Hmp!" Sumbong niya dito.

Natawa naman ako habang nakatingin kay Mama at sa pamangkin ko. Pusta ko kapag dumating ang ibang pinsan niya pati ang kapatid niya ay magsusumbong ulit ito.

Dinala ko na si Rhea sa lamesa at pinaupo dun. Naglagay na ako ng bread with cheese sa plato niya at naglagay ng juice sa baso niya. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang iba.

"Kuya Harvey!" Rhea giggled when she saw her brother.

"Hmm." Harvey nodded and sat beside her.

Rhea pouted. "Kuya, binully ako nila Angel! Hindi mo ako pinagtanggol! Si Kuya Rafael lang." She pouted more.

"I'm sorry, then."

"Puro ka kasi libro." Ani Aliyah na nagsisimula nang kumain. "Ayan tuloy."

"Eh ikaw nga puro gadget eh." Singit ni Grant habang ngumunguya. "Hindi mo lagi nababantayan ang kapatid mo. Dapat ikaw ang magtanggol sa kaniya dahil babae naman ang kaaway niya. Kapag lalaki ay bubugbogin namin. 'Di ba, Harvey?" Sabay tingin niya kay Harvey.

"Hmm." He nodded.

"Hindi ba bumabaho ang hininga mo kapag hindi ka nagsasalita, Harvey?" Gino chuckled.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now