Chapter 10

2.1K 62 14
                                    

Chapter 10

Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari sa'min ni Landon nung party niya. Hindi ko alam na igi-give up ko ulit yung sarili ko sa kan'ya! At sa garden pa talaga, ha?

Ilang araw na 'yon at kapag pumapasok ako sa trabaho ay halos hindi ko na siya pansinin sa sobrang hiya na nararamdaman ko. Bakit kasi hinayaan ko siyang angkinin ako kahit hindi ko siya... asawa. Paano kung mabuntis ako?

Halos manlamig ang mukha ko sa naisip ko. Paano nga kung... mabuntis ako? Papanindigan ba niya ako? O itataboy dahil mahirap lang ako? But he said he likes me! And I like him, too... no, I think more than that.

"Baby, come here at my office."

Halos mapatalon ulit ako sa gulat nung magsalita siya sa intercom. Hindi ko alam kung pang-ilang tawag na niya sa'kin 'to ngayon. Kapag nagawa ko na ang pinapagawa niya ay mabilis akong umaalis.

Kabado ako habang nasa harap ako ng pintuan ng office niya at sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Bumuntong-hininga ako at pilit na pinapakalma ang sarili bago ko binuksan ang pinto.

Naabutan ko siyang pabalik-balik ng lakad sa harap ng mesa niya at sapo-sapo ang ulo. Nakaramdam ako ng pag-aalala, anong nangyari? May problema ba siya?

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Agad naman siyang napatingin sa'kin, kita ko ang problemado niyang mukha pero agad siyang sumimangot at pinilit na tinakpan ang totoong emosyon niya. Kumunot ang noo ko.

"Come here..." aniya at isinenyas ang kamay na lumapit sa kan'ya.

Lihim akong huminga ng malalim at kinagat ang ibabang labi ko bago ako dahan-dahang naglakad palapit sa kan'ya. Habang papalapit ako ng papalapit ay pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko.

Nung makalapit ako ay nagulat ako nung mabilis niyang hinila ang bewang ko at niyakap. Agad niyang isinubsob ang ang mukha niya sa balikat ko. Ang mga kamay ko naman ay nasa dibdib niya.

"Landon..."

"Baby, you're avoiding me, aren't you?" Malungkot niyang tanong. "Are you... mad at me because of what... happen to us in my birthday? Did I scare you? Did I hurt you? I'm sorry..." mas lalong humigpit ang yakap niya sa'kin.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "B-Bakit ka nagso-sorry?" Takang tanong ko.

"Because of what happen. Masyado ba akong mabilis? Are you mad because of what I did? That's why you are avoiding me too much? Baby, I will do everything just please, please stop avoiding me... I'm begging..." nagmamakaawa niyang sabi.

Hindi ako nakapagsalita at napahawak ako sa balikat niya. Parang nanghihina ako sa nagmamakaawa niyang boses. And I can't believe that the Beast Landon Rafael Zenon was begging on me?! The fuck?!

"Baby, say something. You're silence made me so much fucking nervous..." ramdam ko ang panginginig ng kamay niya sa likod ko habang nakayakap siya sa'kin.

This is my effect on him? He really liked me that much that can made him trembled? I can't believe this! I can't believe this but I am feeling so happy because of that!

Pero agad na napawi ang ngiti ko nung may napagtanto. Did he just... liked me? Nothing more? Hindi ko alam kung bakit nag-aassume akong hindi lang niya ako gusto. Nag-aassume akong sobra pa doon ang nararamdaman niya sa'kin pero... wala siyang sinabi.

"Zally..." humiwalay siya sa yakap at hinuli ng mga mata niya ang mata ko.

Yumuko ako para iwasan siyang tignan. Hinawakan niya ang baba ko at inangat pero sa pisngi lang niya ako nakatingin, hindi sa mata.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now