Chapter 2

2.6K 63 9
                                    

Chapter 2


"Are you going to stand there and waste my time?"

Napakurap-kurap ako at parang nagising ang diwa ko nung magsalita ulit siya. Oh my God! Why in hell is this? Siya ba ang boss ko? Oh my God!

Bago paman ako makapagsalita ay tinalikuran na niya ako at pumasok sa loob. Nanatili ako roon habang nakatingin lang sa kan'ya na lumapit sa mesa niya. Lumingon siya sa banda ko at tinaasan ako ng kilay.

"Come in, Miss." Malamig niyang sabi.

Napalunok ako. Kagat-labi akong pumasok sa loob. Agad kong inilibot ang mata ko sa kabuuan ng opisina niya. Malawak 'yon at salamin lang ang lahat ng dingding. Sobrang ganda! Hindi ko maiwasang mapanganga. May isang pintuan din sa loob pero hindi ko alam kung ano ang nasa loob niyan.

Binalik ko ang tingin ko sa lalaki at bahagyang uminit ang pisngi ko dahil nakatitig na pala siya sa'kin. Ang isang braso niya ay nasa dibdib habang ang isang kamay ay nilalaruan ang baba niya habang nakamasid sa'kin. Nakacross pa ang mga paa.

"Aren't you going to introduce yourself, Miss One Night Stand?"

Tumindig ang balahibo ko sa katawan dahil sa tawag niya sa'kin. What the hell? Miss One Night Stand? Damn! Naalala niya talaga ako! Parang gusto kong tumalikod sa kan'ya at tumakbo paalis pero parang nakatali ang mga paa ko sa sahig.

Pero kasalanan niyang may nangyari sa'min kagabi! Lasing ako and he took advantage of it! Damn him!

Napalunok ako bago tumikhim. "I-I'm Zarielle Mally Meren, s-sir, you can call me Zally. Your new s-secretary." Nauutal kong sabi.

He smirked and stood properly. "Alright, Miss Meren, buy me a breakfast." Utos niya.

Mabilis akong tumango. "Y-Yes, sir."

Tumalikod na ako sa kan'ya at narinig ko ang makapanindig balahibong halakhak niya. Napatigil ako sa paglalakad nung may napagtanto. Napapikit ako ng mariin bago siya hinarap, nahihiya sa sasabihin.

Tinaasan niya ako ng kilay habang nakangisi.

"Uhm… sir…" damn! Bakit hindi ko masabi?

"What?"

"A-Ano kasi… uhm… y-yung perang ibibili po ng b-breakfast niyo…" napapikit ako ng mariin matapos kong sabihin 'yon.

Alam kong pulang-pula na ako ngayon dahil sa kahihiyan. Bakit ba kasi ako tumalikod agad? Nakalimutan ko tuloy. Wala pa naman akong perang pambayad sa breakfast niya lalo na at alam kong gusto niya ay 'yong mamahalin.

I heard him chuckled. "'Wag ka kasing magmamadali." Aniya.

Tinignan ko siya at nakita kong may kinuha siyang pitaka sa bulsa niya at kumuha ng 1 thousand pesos at isinenyas sa'kin na kunin. Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya at habang papalapit ako ng papalapit ay pabilis naman ng pabilis ng tibok ng puso ko.

Huminto ako ng hindi masyadong malapit sa kan'ya. Inilahad niya ang kamay niyang may hawak na pera at matiim na nakatitig sa'kin. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para kunin 'yon pero nagulat ako nung bigla niya 'yong tinapon sa sahig! What the fuck? Bakit niya ginawa 'yon?

"B-Bakit mo tinapon?" Takang tanong ko habang nakatingin sa pera bago siya nilingon.

Nag-init ang ulo ko nung makita ang mala-demonyo niyang ngisi.

"Get it yourself." Malamig niyang sabi bago ako tinalikuran at umupo sa swivel chair niya.

Nagtagis ang bagang ko. "Gwapo nga, pangit naman ang ugali." Bulong ko.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now