Chapter 4

2.4K 68 14
                                    

Chapter 4


Maaga akong pumasok sa trabaho kinabukasan. Ewan ko kung bakit maaga akong nagising kahit matagal naman akong nakatulog kakaisip ng kung anu-anong bagay.

Nagpaalam din si Aisha at Yohan sa'kin na bibili ng pangangailangan nila. Sabi ni Yohan ay gusto daw niya sa isama si Aisha sa condo niya at doon na sila manirahan kaso ayaw naman ni Aisha dahil maiiwan daw ako. I told her that it's okey pero ayaw niya talaga kaya si Yohan nalang ang lumipat dito sa apartment.

Nung nagtanghalian ay tinawagan ako ni boss na dalhan siya ng dalawang order ng lunch. Hindi ko alam kung may bisita siya dahil ngayon palang naman siya nag-order ng dalawang lunch.

Nung makarating ako sa opisina niya dala ang order ng lunch ay naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya habang nakaharap sa laptop. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya at agad naman siyang napaangat ng tingin sa'kin.

"Here's your lunch, boss." Sabi ko at lumapit sa dining table na nandito sa opisina niya at nilagay ang pagkain doon. "Dalawa 'to, tulad ng sinabi mo. Have a nice lunch." Sabi ko at akmang aalis.

"Wait!" Nagulat niya ako nung bigla niyang hinawakan ang braso ko para pigilan. Mabilis niya naman akong binitawan na parang napapaso bago siya tumikhim. "Stay."

Napaturo ako sa sarili ko. "Ako?"

He nodded.

"Stay?" Tanong ko ulit.

He nodded again.

"Bakit?" Taka kong tanong.

He sighed and looked away. "Mag… uhm… magla-lunch tayo." Nahihiya niyang sabi.

Inilibot ko pa ang tingin ko sa opisina para makasiguro na ako ang sinabihan niya at nung kami lang dalawa ang nandito ay binalik ko ang tingin ko sa kaniya at hindi makapaniwala habang siya naman ay hindi makatingin sa'kin.

Ito ang first time na niyaya niya akong maglunch kaya hindi ko maiwasang magulat. Secretary lang naman niya ako at walang dahilan para samahan ko siyang maglunch.

"Let's sit." Aniya at nauna nang umupo.

Naguguluhan parin akong sumunod at umupo sa harap niya. Inayos niya ang pagkain kaya tinulungan ko siya. Napatigil siya at nagkatinginan kaming dalawa nung nagdikit ang kamay naming dalawa. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa'kin at ako naman ay mabilis na inilayo ang kamay ko sa kan'ya dahil para akong kinukuryente.

"B-Bakit mo ako niyayang maglunch kasama ka? May importante ka bang sasabihin?" Hindi ko na mapigilang magtanong sa kan'ya.

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. "Why? Is it bawal to invite you to join me for lunch?"

Napangiwi ako at umiwas ng tingin sa kan'ya. "H-Hindi naman. Nakakagulat lang."

He sighed. "Let's eat." Aniya.

Wala akong magawa kundi ang samahan siya. Pinulot ko ang tinidor at kutsara bago ko tinignan ang pagkain sa gitna. May steak, gulay, bacon at kanin. May dessert din tulad ng leche flan at mango float tapos ay orange juice.

Gulay ang kinuha ko dahil paborito ko ang gulay. Kita ko naman sa peripheral vission ko na nakatingin si boss sa'kin kaya naiilang akong kumuha ng pagkain pero hindi ko pinapahalata.

"How's your work?" He asked when we start eating.

Napanguso ako sa tanong niya. "Tingin mo madali ang pinapagawa mo sa'kin-" natigilan ako nung napagtanto ko ang sinabi ko at tumikhim. "Uhm… I mean… okey naman at… ini-enjoy ko."

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now