Chapter 13
Nanatili kaming nagkukwentuhan doon at enjoy na enjoy naman si Landon na kausap si Papa habang si Kuya Blaine ay kanina ko pa napansing nakatingin sa'kin. So as Kuya Gerald.
Hindi ko na sila pinansin at umiwas nalang ako ng tingin sa kanila. Nung magising si Mama ay agad namin siyang inaasikaso. Kahit si Landon ay tumulong kahit ayaw ko man ay nagpumilit siya.
"Uwi na tayo." Mahinang sabi ni Mama.
Putlang-putla ang kan'yang mukha. Sabi ng Doctor ay dahil daw sa pagod at stress ay nawalan siya ng malay. Pero mabuti naman at maayos na ang lagay ni Mama ngayon.
"Mama, bukas pa po sabi ng Doctor. Magpahinga po muna kayo." Sabi ko.
Kanina ko pa napapansin si Mama na tingin ng tingin kay Landon. Ipinakilala ko na sa kan"ya si Landon pero hindi naman siya nagtanong ng kahit ano at tumango lang siya nung sinabi kong boyfriend ko siya pero panay na ang tingin niya dito na para bang binabantayan kung may gagawing iba si Landon.
"Zally,"
Napalunok ako nung tawagin ni Kuya Blaine ang pangalan ko at agad ko naman siyang nilingon. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa'kin. Napalingon naman si Landon sa gawi namin. Kahit ang pamilya ko ay napalingon sa'min.
"Kuya Blaine, bakit?" I forced a smile on him.
Kinakabahan ako at alam kong halatang-halata niya 'yon pero parang wala lang sa kan'ya.
"Mag-usap tayo." Pagkasabi niya nun ay lumabas siya ng kwarto.
Nagkatinginan kami ni Landon. Ngitian ko naman siya nung makitang nagtataka at naguguluhan ang itsura niya. Nilingon ko si Kuya Gerald na umiwas ng tingin sa'kin. Kumunot ang noo ko at nilingon si Papa na nagkibit-balikat nung makita akong nakatingin sa kan'ya. Nung tinignan ko si Mama ay kita kong nakapikit siya.
Nagpaalam muna ako sa kanila para sundan si Kuya Blaine. Landon wanted to come with me but I told him that it's okey because I can handle it kaya wala siyang magawa.
Nung lumabas ako ay agad akong napanguso nung makitang malayo na si Kuya Blaine dito sa kwarto. Halos tumakbo ako para maabutan ko siya at agad akong humawak sa braso niya habang hinabol-habol ko ang hininga ko pero hindi na niya ako nilingon.
Kinakabahan ako. Oh my God.
Tahimik parin kaming dalawa habang nasa elevator kami. Nanatili akong nakahawak sa braso ni Kuya Blaine. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hinayaan ko lang siya.
Sa cafeteria kami pumunta ni Kuya Blaine at naupo sa bakanteng mesa. Nasa harap ko siya ngayon at seryoso akong tinititigan habang ako ay bumaba ang tingin ko sa kamay kong nasa mesa.
"Break up with him." Malamig niyang sabi.
Gulat akong napaangat ng tingin sa kanya. Nanatili naman niya akong seryosong tinignan. Tama ba ang narinig ko?
"Break up with your boyfriend." Ulit niya.
Halos matigil ako sa paghinga. "Kuya, bakit ko siya hihiwalayan? I love him." Mahinahon kong sabi.
"And he loves you back?"
I suddenly froze at his question. He snorted at my reaction and smirked. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hindi siya masagot.
"See? You don't even know if he loves you back so break up with him."
I shook my head. "He... he likes me, Kuya. I can't do that." I said, looking straight to his eyes.
YOU ARE READING
One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)
RomanceONE NIGHT SERIES #2- COMPLETED Zally wouldn't thought that she would fall for her beast boss who knows how to hurt a women mentally and physically... but well except for her. He never hurt her not until when she caught him kissing a woman in his off...