Chapter 25

1.7K 42 2
                                    

Chapter 25

"Wow! This house is so big!" I can see amusement in my son's eyes as we arrived.

Nakangiti ko siyang tiningnan. Kinuha ng mga katulong ang gamit namin at sila na daw ang bahalang mag-ayos no'n. Kumuha nga pala sina Darren ng katulong dahil iyon ang utos ni Landon.

Umalis na rin sina Skyzzer at Darren dahil may pamilya din silang aasikasuhin. Inilibot ni Rafael ang paningin niya sa kabuuan ng mansion ng kanyang ama.

"You want to see your room? Hmm?" Landon asked his son.

I can see excitement in Rafael's eyes because of what his father said.

"Yes, please!"

Landon chuckled. "Alright. Let's go."

Sumunod ako sa kanila nung umakyat sila sa taas. Imbes na sumabay sa kanila ay pumasok ako sa kwarto ni Landon para mag-bihis. Gusto ko sanang maligo ulit pero naisip kong 'wag nalang dahil gusto kong matulog.

Nakasuot lang ako ng green t-shirt at cotton short bago ako lumabas ng kwarto. At dahil sa harap lang ng kwarto ni Landon ang kwarto ng kanyang anak ay agad ko silang nakita sa loob dahil bukas naman ang pinto.

I can't help but to smile as I stared at them. Seeing their happy faces made me feel so much more happy.

Napalingon bigla si Landon sa pinto dahilan para magtama ang paningin namin. He smiled at me and mouthed 'I love you' that made me froze.

Unti-unting nawala ang ngiti ko sa mga labi at napakurap-kurap habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba yung nakita kong binigkas ng labi niya o namamalik-mata lang ako.

Bumuntong-hininga nalang ako nung bumaba ang tingin niya sa anak nung kalabitin siya nito. Umalis nalang ako do'n at bumaba dahil naisipan kong nagluto nalang muna ng makakain namin.

Pagkababa ko palang ay nakita ko agad ang isang katulong na naglilinis. Napatingin siya sa gawi ko at agad na ngumiti nang makita ako.

"Hi, Ma'am!" Maligayang bati niya.

Ngitian ko siya pabalik. "Hello. Uh, may nakapag-luto na ba?" Tanong ko sa kanya.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko at kita ko agad do'n ang pagkataranta niya na ikinakunot ng noo ko.

"Nako, Ma'am! Pasensya na po at hindi pa po kami nakapag-luto! Sasabihan ko na po sila-"

"Sandali," Pigil ko sa kanya at ngumiti ulit. "Ayos lang, nagtatanong lang ako dahil balak ko sanang magluto kung wala pa."

"Ah..." Napakamot siya ng ulo at napahagikhik. "Pasensya na po, Ma'am,"

"Ayos lang."

"Pero, Ma'am, baka magalit si Sir Landon dahil hindi pa kami nakapag-luto ng pagkain."

"Okay lang 'yon. Ako na ang magluto dahil iyon naman talaga ang balak ko at tsaka, ako na ang bahala kay Landon," I winked at her.

Nagpaalam na muna ako sa kanya at dumiretso na sa kusina. Walang tao ro'n kaya nagsimula na akong ihanda lahat ng kakailanganin ko at nagsimula na ring magluto.

Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang isipin ang Mommy ni Landon. What if she will come here and see us? What would she will do? But whatever it is, I won't let her do anything bad. She hurt me, Landon and also my son. She hurt us. I don't think I can forgive her everything she did to us if she ever asks for forgiveness.

Pagkatapos kong magluto ay ipinatawag ko na sila Landon at Rafael sa taas para kumain. Sinabihan ko rin ang mga katulong na sumabay silang kumain sa amin pero tumanggi sila at sinabing gutom pa sila kaya hindi ko na sila pinilit pa.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now