Chapter 18

1.8K 61 21
                                    

Chapter 18


I smiled bitterly as I stared at the magazine again and again. It's almost eight years but I couldn't stop myself from looking this magazine. Ang laman ng magazine na 'to ay tungkol sa engagament ni Landon at Zhea. Maybe, they already married now and have a children. Wala na akong ibang balita tungkol sa kanila.

"Huy, iyan na naman ang tinitignan mo. Magdinner na tayo." Aya ni Ate Aria sa'kin.

Agad kong nilapag sa kama ang magazine at tumayo. Ate Aria, Lovely and I were roommates. Lovely is our co-flight attendant.

"Ano bang meron sa magazine na 'yan? Pansin ko rin lagi kang nakatingin diyan." Sabi naman ni Lovely.

Ngumiti lang ako sa kaniya at lumabas na. We're having our dinner together. We just have 24 hours layover here in Japan at may flight ulit pabalik ng Manila. Hindi kami makakapag-enjoy at ang magagawa lang talaga namin ay ang magpahinga sa Hotel.

Pagkatapos magdinner ay bumalik na din kami sa Hotel para makapagpahinga ulit. Kinabukasan ay maaga kaming nagising para maghanda sa flight.

I was wearing our red uniform. I put my long hair on a bun and applied my make-up for this flight. Lagi kaming maagang gumigising dahil matatagalan kami sa make-up namin.

"Good morning! Have a nice flight with us!" Malapad na ngiting paulit-ulit kong bati sa mga pasahero.

Tinulungan ko naman ang iba na nahihirapan sa kanilang mga bagahe. It's just too heavy, though, pero hindi ko pinahalata na nabibigatan ako. Ganun din ang ginawa ng ibang kasamahan kong flight attendant.

Tumalikod na ako para bumalik sa pwesto pero nagulat ako sa nabangga kong bulto. Napaatras ako at hindi ko inaasahan na matatapilok ako! Akala ko ay mahuhulog ako sa sahig pero bago paman mangyari 'yon ay biglang may brasong pumalibot sa bewang ko at agad naman akong napakapit sa braso niya.

Namilog ang mata ko at dali-daling umayos ng tayo. Pinagpagan ko ang sarili ko na para bang may dumi ang damit ko bago mag-angat ng tingin sa sumalo sa'kin.

Natigilan ako at napakurap-kurap ng ilang beses na para bang namamalik-mata ako. Unti-unti ay namilog ang mga mata ko at umawang ang labi kasabay ng pagkabog ng puso ko nung magsink-in sa'kin kung sino 'yon. My heart is racing so bad as our eyes met.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko dahil sa lamig ng tingin niya sa'kin. Mas lalo siyang tumangkad na hanggang balikat lang niya ako kahit na may heels naman ang suot ko.

His dark eyes that were staring at me coldly. There's a visible stubble on his chin, in between his nose and lips and his jaw. His dark hair is a bit long. He's wearing a white button-down dress shirt rolled up to his sleeves with shades on the pocket on his chest and his coat is on his arms.

Feeling ko ay tumigil lahat ng tao sa paligid. I didn't expect to see him after eight years. Big time.

Napatalon ako bigla nung inalog ni Ate Aria ang isang balikat ko. Gulat akong napalingon sa kaniya dahilan para maiwas ko ang paningin ko kay Landon.

"Ano ba! Maraming pasahero at baka mapapagalitan ka." Gulat na bulong niya sa'kin ngunit nasa harap ko ang paningin.

Napakurap-kurap ako at mabilis ang galaw ko paalis. Ni hindi ko na nilingon si Landon dahil naiinis na ang iba pang pasahero sa'kin. Sobrang kabado ako na baka mapagalitan ako pero mas kabado ako kay Landon sa hindi malamang dahilan.

Pilit ang ngiti ko at hindi parin mawala-wala ang kaba ko habang inaasikaso ang ibang pasahero. Hindi ko alam kung saan banda umupo si Landon at wala akong pakealam.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now