Chapter 24

2.1K 54 10
                                    

Chapter 24


Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko si Mama na nagsasaing habang si Papa naman ay nagluluto ng ulam. Kinagat ko ang ibabang labi ko. I should be the one who did that!

"Pa, Ma…" kuha ko sa atensyon nila.

"Oh, Zally. Tawagin mo na ang bisita mo at kumain na tayo." Si Mama.

Tumango nalang ako at pumunta sa kwarto. Natigilan ako at napatitig sa kama dahil sa nadatnan ko. Nakaunan si Rafael sa braso ni Landon habang parehong nakayakap sa isa't-isa ang dalawa. Nag-init ang puso ko lalo niya at kitang-kita ko ang himbing ng tulog nilang dalawa.

I can't but to smile while staring at them. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kama at dahan-dahang umupo sa gilid ni Rafael. They both looked so tired. Siguro dahil sa nangyari kanina at sa byahe na rin kaya napagod si Landon.

I stared at Landon's face. I want to touch his face. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. I swallowed hard and licked my lips. Damn, I miss him so bad. I want to kiss him. God.

Namilog ang mga mata ko nung unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya. Tumaas ang tingin ko sa mga mata niya at para akong kinapos ng hininga nung makita ko siyang nakatitig sa 'kin. Oh my God! Oh my God!

"You want to taste it?" Mahinang tanong niya sa 'kin habang nakangisi parin. A smile of a beast.

Napalunok ako. "W-What?" My face heated and looked away before I stood up. Halos sumabog ang puso ko sa lakas ng kabog.

I heard him chuckled. "Don't worry, it's still yours." He smirked.

Tumikhim ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko, hindi siya pinansin. "L-Lumabas kana para kumain. Ikaw na rin gumising kay Rafael." Utos ko at nagmamadaling lumabas.

Para akong nakahinga ng maluwag pagkasarado ko ng pinto. Napapikit ako ng mariin at pilit na pinapakalma ang sarili ko sa sobrang kahihiyang nararamdaman. What the fuck! He saw me staring at his lips! God damn it!

Ano nalang ang iniisip niya ngayon? Na sobrang nami-miss ko na ang labi niya? Totoo din naman.

"Nak, anong ginagawa-"

"Ay pukeng- Ma!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. "M-Mama naman, e! 'Wag ka ngang manggulat!"

"Ano bang nangyari sa 'yo?" Kumunot ang noo niya. "At tsaka, ang tagal mo kaya kita pinuntahan. Nasa na ang mag-ama mo?"

Pero bago paman ako makasagot ay narinig namin ang boses ni Rafael.

"We're here, Lola…" antok na sabi niya.

Nilingon ako sa likod ko. Agad akong napatikhim nung nagtama ang paningin namin ni Landon pero agad akong umiwas. Para siyang natutuwa sa reaksyon ko.

"Oh, tara na at kumain." Pag-aaya ni Mama at nauna ng umalis.

Agad naman akong sumunod at kasunod ko rin sina Landon at Rafael. Naka-ayos na ang hapag kaya umupo na kami. Nasa dulo ng mesa si Papa at si Mama naman ay nasa right side niya. Nasa harap niya kami. Napagitnaan namin ni Landon si Rafael.

We prayed first gaya ng nakasanayan bago kami nagsimulang kumain. Lalagyan ko na sana ng pagkain ang pinggan ni Rafael pero naunahan ako ni Landon. Nakanguso ako at tinignan si Landon. He smirked when he saw my reaction before he focused his attention to his son.

"Anong plano niyo? Tuloy ba talaga ang alis niyo bukas?" Papa broke the silence.

Hindi ako nakasagot nung tumikhim si Landon at siya ang sumagot kay Papa.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now