Chapter 9
"Happy birthday, babe!"
Pareho kami ni Landon na nagulat nung may yumakap sa leeg niya galing sa likod at hinalikan siya sa pisngi.
"What the fuck?!" Landon muttered at nilingon kung sino 'yon.
It's Zhea with her sweet smile.
"Where have you been? I'm looking for you kanina." Malambing na sabi ni Zhea.
"Tss. Go away." Pagtataboy ni Landon.
Umiwas ako ng tingin at tinignan nalang ang pagkain.
"What? Babe-"
"Stop calling me that and stay away from me if you don't want to ruin this fucking party!" Galit na sabi ni Landon.
Walang magawa si Zhea kundi ang umalis. Hindi siya tumingin sa'kin so hindi niya alam na nandito ako? O sadyang si Landon lang talaga ang nakikita niya?
"Let's go somewhere." Sabi ni Landon sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
"Ha? Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.
"Garden." Inalalayan niya akong tumayo.
Kita ko ulit ang paningin ng mga bisita niya sa'min. Tulad ng ginawa ni Landon ay hindi ko na din sila pinapansin.
Medyo malayo ang garden nila kung nasaan ang mga tao. Lumabas kami doon. Walang tao ni isa kundi kami lang ni Landon. Nilibot ko ang mga mata ko at napangiti nalang ako sa ganda ng garden nila. Kahit gabi na ay kitang-kita parin.
Hinila niya ako palapit kung saan may tatlong mahabang upuan dito at may mahabang mesa sa gitna. Umupo siya doon at akmang uupo ako sa tabi niya pero mahina akong napatili nung bigla niya akong hinila paupo sa lap niya at niyakap ang bewang ko. Nakatalikod ako sa kan'ya.
"L-Landon, anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong.
"I just want to hug you. Kanina pa kita gustong yakapin pero alam kong naiilang ka sa mga bisita." Bulong niya sa tenga ko.
Napalunok ako dahil sa kiliti ng hininga niya doon. "B-Bakit gusto... mo akong makayakap? Ano ba, tumigil ka nga!" Saway ko nung hinalikan niya ang leeg ko.
"Like what I said to you inside, I like you. I like you so much and this is fucked up."
Kumabog ang puso ko sa sinabi niya at paulit-ulit na lumunok. Hindi ako makapagsalita at hindi ko parin maiwasang magulat kahit na sinabi niya na ito sa'kin sa loob.
"I'm sorry if I am too fast. I just can't stop myself from telling you to truth. Damn it!"
Napalunok ulit ako. "Since when?"
Bumuntong-hininga siya. "Since I taste you."
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. "Landon!" Sinubukan kong umalis sa pagkakandong sa kan'ya pero hindi niya ako hinayaan.
Tumawa naman siya. "I like you since we met at the bar and I like you more since I taste you." Mas lalo siyang humalakhak sa sinabi.
Uminit ang pisngi ko pero buti nalang at madilim. "N-Napakamanyak mo talaga!" Inis kong sabi. "Kung gusto mo ako noon pa, bakit ang dami mong babae?"
He groaned. "Dahil sa kanila ko nilalabas ang pagnanasa ko sa'yo-"
"Gago!"
"I'm just being honest and handsome, baby."
"Wow, pati kamanyakan." Umirap ako. "Kaya pala nung kumain tayong dalawa sa isang restaurant kay nagse-sex kayo ng waitress mo doon sa banyo."
"What?!"
YOU ARE READING
One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)
عاطفيةONE NIGHT SERIES #2- COMPLETED Zally wouldn't thought that she would fall for her beast boss who knows how to hurt a women mentally and physically... but well except for her. He never hurt her not until when she caught him kissing a woman in his off...