Chapter 11
Nagulat ako dahil sinabi ni Aisha sa'kin na nasa sala daw si Landon at sinusundo ako. Mabilis akong bumangon at pumasok sa banyo. Hindi ata umabot ng isang oras ang pagligo ko.
Matagal kasi akong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa kan'ya pagkatapos ng tawag. Sobrang sarap kaya sa pakiramdam na kayo na ng taong gusto mo. Hindi ka makakatulog sa sobrang kilig.
Wala siyang sinabi kagabi na susunduin niya ako dito kaya nagulat ako na pumunta siya. Inayos ko na ang sarili ko at halos hindi ko matapos-tapos sa sobrang pagmamadali kahit alam kong makakahintay naman siya.
Naabutan ko siyang nakaupo sa sala habang umiinom ng kape. He's wearing his... well, business attire and he looks so sexy... as always.
He smiled when he saw me and stood up. "Hey, good morning, babe."
Kumabog ang puso ko sa tinawag niya sa'kin. Lumapit siya at hinalikan ako sa lips at noo. Nagulat ako roon at mas nagulat ako nung makarinig ako ng singhap at hagikhik kaya napalingon ako sa pintuan ng kwarto ni Aisha, nakita ko sila ni Yohan don habang nakatingin sa'min.
Mga chismosa at chismoso talaga!
"Uy, kayo na ba?" Malapad ang ngiting tanong ni Aisha.
Landon chuckled. "Yeah."
"Wala kang sinabi sa'min ni Aisha, Zally. Kaya ka ba ngiting-ngiti kagabi dahil kayo na?" Yohan grinned.
Nanlaki ang mga mata ko at uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Tangina, bakit niya sinabi 'yon?
"Hmm. Is that true?" Bulong ni Landon sa tenga ko.
Tumindig ang mga malahibo ko dahil doon at napalunok. I glared at Yohan but he just smirked at me. I rolled my eyes and looked at Landon.
"Hindi 'yon totoo! Bakit ka pumunta rito? Wala ka naman sinabing susunduin mo ako, ah?" Pag-iiba ko ng topic.
He stared at me and smirked. "I guess, it's surprise?"
I snorted. "Surprise your face."
"Ay, ang hard." Aisha laughed.
Napailing ako. "Ewan ko sa'yo. Maiwan na namin kayo." Paalam ko.
"Alright! Enjoy your date! Take care!" Si Aisha.
Inirapan ko lang siya at nauna ng lumabas. I heard Landon formally bid goodbye to them. Pagkalabas ko ay agad na tumama ang paningin ko sa karenderya ni Aling Maris. Kumalam ang tiyan ko at naalalang hindi pa pala ako nakapagbreakfast.
"You hungry?"
Halos mapatalon ako nung may biglang bumulong sa tenga ko at ang pagpulupot ng braso sa bewang ko. Agad akong napalingon kay Landon at sinimangutan siya.
"Oo, pero ayaw naman kitang paghintayin."
Umiling siya. Nagulat ako nung nagsimula siyang maglakad palapit sa karinderya ni Aling Maris at dahil hawak niya ang bewang ko ay napalakad din ako. Kita ko ang kuryosong tingin ni Aling Maris sa'min.
"What do you want to eat? Their foods look delicious." Landon said while staring at the foods.
Nakatingin naman ako kay Aling Maris na palipat-lipat ng tingin sa'min ni Landon.
"Boyfriend mo, hija?" Hindi niya na mapigilang magtanong.
"Yeah. I'm her boyfriend." Landon answered for me. "I'm Landon Rafael Zenon." He smiled at the old woman.
YOU ARE READING
One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)
RomanceONE NIGHT SERIES #2- COMPLETED Zally wouldn't thought that she would fall for her beast boss who knows how to hurt a women mentally and physically... but well except for her. He never hurt her not until when she caught him kissing a woman in his off...