Chapter 15

1.9K 56 19
                                    

Chapter 15


Hindi ko na naabutan si Landon dahil pinigilan ako ni Liam at lumabas si Mama sa kwarto niya. Tinawagan at tinext ko na si Landon pero kahit isang sagot ay wala akong natanggap.

Gusto kong bumalik sa Manila at puntahan siya. Gusto kong magpaliwanag sa kan'ya pero hindi naman pwedeng iwan ko ang pamilya ko dito na mas kailangan ako kaya wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Why is it big deal to him by the way? Manliligaw ko lang si Liam noon at hindi ko siya sinagot. Wala nga akong reklamo dahil sa dami niyang babae, 'di ba? Nakikita ko pa silang may ginagawang milagro sa opisina niya noon!

Me:

Please, Landon! Don't make those big deal! I rejected him before because I don't like him.

Nung makabalik ako ng Manila ay dumiretso kaagad ako sa opisina niya. Ewan ko ba pero kinakabahan ako. Siguro dahil alam kong galit na galit siya sa'kin dahil sa nangyari nung isang araw.

"Sandali, Miss."

Taka kong nilingon ang guard nung hinarangan niya ako nung akma akong papasok. Teka, bakit niya ako hinarangan? Nagtatrabaho ako dito at kilala ako ng guard na ito!

"B-Bakit, Manong? Nagtatrabaho naman ako dito ah?"

Umiling siya at may tinawagan sa telephone. Kating-kati na ang paa kong pumasok pero pinipigilan ko muna an sarili ko nung magsalita siya.

"Boss, n-nandito po si Miss Meren, papasukin ko po ba?"

Napalunok ako at mas lalong kinakabahan. Anong nangyari? Bakit kailangan pa niyang magtanong kay Landon? Don't tell me sinasabihan niya ang guard na 'wag akong papasukin?

My heart ached because of that. But why? Is it because of what happen? Bakit pinalaki pa niya ang away namin? Fuck! Nakakainis siya! Kung magalit ay parang babae. Konting problema lang ay pinapalaki na niya!

"Sige, boss." Binaba na ni Manong ang telephone at hinarap ako bago siya tumabi. "Pumasok ka na."

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako papasok. Mas lalo akong kinakabahan nung nasa elevator na ako. Nakaramdam ako na parang may mali pero pilit kong inalis sa isipan ko lalo na at tumunog na ang elevator.

Halos lumabas ang puso ko nung nasa tapat na ako ng opisina niya. Napalunok ako nung makita kong bahagyang nakabukas 'yon pero hindi ko masilip ang nasa loob ngunit may naririnig akong hagikhik ng isang babae.

Parang paulit-ulit na tinusok ang puso ko sa narinig. Nanuyo ang lalamunan ko at nangingilid ang luha sa mga mata. Gusto kong umalis nalang pero dahan-dahan nang umangat ang kamay ko sa pinto at binuksan 'yon ng malaki.

Parang nalaglag ang puso ko sa nasaksihan at hindi ko na mapigilan ang luha ko. Kilala ko kung sino ang nakaupo sa lamesa habang nasa gitna ng binti niya ang katawan ni Landon habang hinalik-halikan ang leeg ni Zhea na nakatingala habang humahagikhik.

Lumipad ang dalawa kong kamay sa bibig habang parang ulan na lumandas ang luha ko sa mga mata. Nasagi ko ang braso ko sa pinto dahilan para tumunog ng konting ingay pero sapat lang na marinig nila.

Sabay sila na napalingon sa gawi ko. Halos hindi ako makahinga sa kakaiyak. Nakangising nakatingin si Zhea sa'kin habang si Landon naman ay walang emosyon.

Halos hindi ako makatulog kakaiyak sa bahay. Halos hindi makakain kakaisip sa kan'ya. Wala akong oras sa sarili ko dahil mas inuna ko ang pamilya ko. At hindi ko inaasahang ganito ang madadatnan ko dito ngayon.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now