Chapter 12

1.8K 55 4
                                    

Chapter 12


Hindi ako nakapagpaalam kay Landon sa sobrang pagmamadali ko. Nung nasa apartment na ako ay mabilis akong pumasok para kuhanin ang perang tinago ko. Halos manginig ang buo kong katawan sa sobrang kaba at pag-aalala kay Mama.

Pagkatapos kong ilagay ang kailangan ko sa bag ay lumabas na ako ng apartment at nilock. Halos mapatalon ako sa gulat nung makita ko si Landon sa likod ko. Naka-igting ang panga niyang nakatingin sa'kin. Parang galit.

"Where do you think you're going without saying anything to me?" Malamig niyang tanong.

Nangingilid ang mga luha ko sa mata. "B-Babalik ako sa Iloilo-"

"Ng hindi nagpaalam sa_kin?! I'll come with you!"

Nagulat ako roon pero agad din akong umiling. "H-Hindi na. Babalik naman ako kapag magaling na si Mama, Landon. N-Naospital siya." Nanginginig kong sabi.

"I'll come with you. Let's go." Hinila niya ako bigla.

Hindi na ako nagsalita para pigilan siya. Pinapasok niya ako sa kotse niya at hindi naman ako nagreklamo dahil ang iniisip ko lang ay ang makauwi agad sa Iloilo.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya nilingon ko siya. He gave me a small smile but I looked away.

"You don't have to come with me, Landon."

"But I want to come with you so you can't do anything about it. You don't know how nervous I am when you were not in your office."

Napasinghap ako. "Babalik ka ba agad dito sa Manila? Paano ang trabaho mo?"

"Don't worry about it. I'll stay with you always." Seryoso niyang sabi.

"Pero-"

"Shut up. If I want to stay with you, I'll stay with you and you can't stop me."

Tumahimik naman ako at tumingin nalang sa bintana. Maya-maya pa ay may tinawagan siya pero hindi ko na alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil nakatulog na ako.

Sa hospital kami dumeretso pagkarating. Tinawagan ko si Papa kung anong room at agad naman naming pinuntahan 'yon. Nakasunod lang naman si Landon sa likod ko.

Saktong pagdating namin sa pintuan ng kwarto kung nasaan si Mama ay bumukas ang pinto at akmang lalabas si Kuya Blaine pero nakita niya ako.

"Zally..." agad na lumipat ang tingin niya sa likod ko at lumamig ang ekspresyon.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "S-Si Mama, Kuya Blaine?" Tanong ko agad.

"Sa loob." Malamig niyang sabi na nakatingin parin sa likod ko.

Huminga ako ng malalim at nilingon si Landon na nakita kong mas malamig na tumitig kay Kuya Blaine! Agad kong hinawakan ang kamay niya at agad naman siyang tumingin sa'kin at tumango.

Nilingon ko pabalik si Kuya Blaine at agad akong sumimangot nung makitang nakatitig siya sa kamay namin pero agad ding umiwas at pumasok sa loob kaya sumunod kami.

Sa loob ay agad kong nakita si Mama na natutulog sa hospital bed. Parang may kung anong kirot sa puso ko nung makita ang mahina niyang mukha.

"Zally!"

Agad kong nilingon si Papa na napatayo at palipat-lipat ng tingin sa'min ni Landon at sa kamay naming magkahawak. Alam ko namang hindi sila magagalit kapag may boyfriend na ako. Gusto din naman nilang magkaboyfriend na ako. Well... maliban kay Kuya Blaine.

"Pa, kumusta si Mama?" Binitawan ko si Landon at lumapit kay Papa para magmano.

Nilingon ko ang isa kong Kuya na si Gerald na seryoso lang ang mukhang nakatingin sa'kin. Hindi siya ganito pero siguro dahil sa nangyari kay Mama ay ganito ang ugali niya.

One Night With My Beast Boss (One Night Series #2)Where stories live. Discover now