Chapter Forty-Eight💎

40 5 8
                                    

Doyoung's Pov

May concert si Justine Bieber na favorite ni Yedam hyung sinamahan ko siya at kasama namin Si jaehyuk Hyung at Asahi Hyung. Nag disguise kami at pinaghandaan tong araw nato.

At saktong restday namen today kaya tinuloy na namen ang punta namen. Aksabwat namen si Manager Kim at sabi niyang 'i know na matagal niyo ng pangarap makapunta sa concert ni Justine kaya go'.

So ayon na nga palabas palang kami ng dorm ay dina mapaliwanag ang saya at excited sa muka ni Yedam hyung.

Nakaakbay siya kila Asahi hyung at Jaehyuk hyung.

"Im so excited i just can't hide it~" at napapakanta pa siya.

Natatawa lang ako dahil naiinis na si Asahi sa ingay ni Yedam Hyung. Hanggang sa makasakay kami di paren mawala sa muka niya ang kasiyahan.

"Di ka excited no?" Mataray na tanong ni Asahi kay Yedam.

Si Jaehyuk naman palaging ginagatungan ang sasabihin ni Asahi kaya mas lalong nainis si Asahi.

"Oo nga Yedamieee" tas hinawak hawakan pa si Yedam ni Jaehyuk.

"E baket ba? Idol ko siya e dream come true na to." Umaarte pang kinikilig.

"Wag kase masyadong OA okay?" Sabi ni Asahi hyung na nagpalungkot sa mukha ni Yedam.

"Oo nga Yedamieee" gatong ule ni JaehyukHinampas siya ni Asahi ng di kalakasan at umarte naman si Jaehyuk na lubhang nasaktan sa ginawa ni Asahi.

"Hoy, baliw kayo excited lang si Yedam pagbigyan niyo na" sabi ko naman sakanila.

"Oo nga" pagpapabebe ni Yedam at Nakipag high five saken.

"Saranghae Doyoungieee" nagfinger heart lang ako sakanya.

At ng makarating kami agad kaming pumila. May mga dumadaan na minsan napapatingin samen at napapakunot noo kaya naman kunyare may tumawag at titingin kami palayo.

Di pa masyadong mahaba ang pila dahil inagahan namen ang punta. Nang makapasok kami buti nalang ay VVIP ang ticket namen.

Umupo kami saaming upuan dipa nagtatagal napaexcited den ng likod ko. Ang gulo niya at nababangga ang upuan namen.

Namen o ako lang?

"May sumisipa ba sa likod ng upuan niyo?" Tanong ko sakanila pero umiling lang sila.

Diko na pinansin yong sumisipa hanggang sa magsimula na ang concert ni Justin Bieber.

Napakagaling talaga ni Justin Bieber sa kalagitnaan ng Concert nasisipa nanaman ng tao sa likod. Tumingin ako ng masama sakanya di ko napansin kung sino siya pero parang kilala ko. At dahil madilim diko siya nakilala ng biglang lumiwanag nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.

Agad akong tumalikod. Anong ginagawa niya dito? Di naman pwedeng sundan niya ko, siguro nagkataon lang.

"Unni punta lang ako comfort room" rinig kong sabi niya. At dumaan siya sa gilid ni Asahi.

Di ako mapakali kaya sinundan ko siya may mga tao dito at medyo nababangga ako. Nang madatnan ko may nakapalibot sakanyang mga babae.

"Tumingin tingin ka nga sa dinadaanan mo at tsaka bat ba nay mask ka?" Pananaray ng babae.

Nakasilip lang ako di sila pinapakielaman.

"Oo nga tanggalin mo nga yan" akmang tatanggalin ng babae yong mask.

Pipigilan ko sana ng biglang may pumigil saken.

Alexa? Anong ginagawa niya?

"Mapapahamak ka lang" sabi niya saken at tumingin ako kay Rina nakayuko siya dahil hawak na ng babae ang mask niya.

"Bitawan moko" cold kong sabi ng di lumilingon sakanya at nakatingin lang kay Rina.

Mas hinigpitan niya ang hawak niya saken.

"Ano bang kinakatakot mo?" Sabi ng babae at akmang itataas ang mukha ni Rina.

Di nako nakapagpigil at dinabog kung inalis ang kamay ni Alexa saakin at tinakpan si Rina. Nakaharap ako sakanya at siya nakatakip ang dalawang kamay sa muka.

"Oh? Sino ka naman? Umalis ka nga jan" pilit nila akong inaalis pero di ako nagpapatibag.

Nang iangat ni Rina ang mukha niya sabay kung tinanggal ang sumbrero at mask ko.

"Anong ginagawa mo?" Bulong niya saakin.

"Shhhh manood ka" at sinuot ko sakanya ang sumbrero ko at tinakpan ang muka niya.

Humarap ako sa mga babae at laking gulat nila ng makita ako.

"Oh doyoung? Are you kim do young? Treasure?" Tanong niya saken.

"Ne it's me. And what are u trying to do with my cousin?" Biglang lumaki ang mga mata at laki ng bibig nila.

"Oh jinja?" Agad silang lumapit kay Rina pero hinarangan ko.

"Wae? Magsosorry lang kame." Sabe nila.

"No need, takot siya sa tao kaya okay na yon" sabi ko pero makulit sila.

"Okay okay you can apologize there" at tinuro ko kung saan na sila nakapwesto

"Ahm sorry kase nabangga ka namen. Di namen sinasadya takot ka pala sa tao kaya di ka makapagsalit sorry" sabi nila habang nagvow.

"Okay na yon pwede na kayo umalis" sabi ko at umalis na nga sila ng may pagkadismaya.

Nang umalis sila nakita ko sa gilid si Alexa ansama ng tingin saken. Diko nalang pinansin at tumingin kay Rina.

"Di kaba mag papasalamat?" Tanong ko at nagcrossed arm ng maalala ko may mga tao pala kaya naman binalik ko ang mask ko.

"Unni?" Napatingin ako sa gawi kung saan niya tinawag pag lingon ko wala at bigla siyang tumakbo palayo.

Natawa naman ako sa ginawa niya.


This must be a 'CRAZY LOVE' (TREASURE X READER)Where stories live. Discover now