Prologue

444 20 16
                                    

Someone sent you a friend request. Click to open and accept.

Bored na bored kong tinignan ang cellphone ko at dinecline ang friend request para sa akin. Famous ako, e. Bakit ba?

I don't know what to do. Kanina pa ako paikot-ikot sa aking kama dahil wala talaga akong ibang alam gawin kung hindi ang mag-cellphone o hindi naman kaya ay manood ng Netflix sa Laptop.

Summer really hits different to me. You wanna know why? Para akong nakatira sa samgyup grill o kaya naman parang ako 'yung baboy na niluluto. Fuck this temperature. Napakainit, nahawa masyado sa hotness ko.

Boredness is my companion. I don't have nothing to do since I am all alone in my room. Besides, walang pasok and miss ko na ang mga classmates ko.

Tumayo ako at sinubukang buksan ang bintana para kahit papaano ay may malanghap man lang akong sariwang hangin. Ito kasi kuwarto namin ay akala mo bugahan ng exhaust fan.

"Hoy, Eya! Pabukas-bukas ka na naman ng bintana riyan. Mamaya tatadtarin na naman tayo ng lamok!"

Inis kong nilingon ang nakatatanda kong kapatid na babae na anak ni Satanas. "Okay lang 'yon, mukha ka namang lamok," sagot ko.

"Aba, ang kapal mo talaga. Ampon ka lang naman ni Papa!" sigaw niya pabalik. Tumayo ako at pumameywang sa tapat niya.

"Ikaw ang ampon! Napulot ka nga lang daw ni Mama sa tabing-ilog, e!"

Ramdam kong napipikon na sa akin si Ate nang lumabas siya ng kuwarto at padabog na sinara ang pinto. Tumawa lamang ako nang tahimik sa inasta niya.

"Ano na naman 'yang pinagaawayan niyo, ha! Eya, tanggalin mo muna sa saksakan 'yang laptop niyo at sayang ang kuryente! Ikaw naman Emma, maghugas na ng pinggan!" rinig kong saway ni Mama. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tanggalin sa saksakan ang laptop. Okay lang 'yon, at least si Ate ang naghugas ng pinggan. Payback is a bad bitch.

Kung iisipin niyong mayaman ako, nagkakamali kayo. Kabogera kasi 'yung intro ko, ano? May pa-summer really hits different pa akong nalalaman. Ang totoo, sa squatter area lamang kami nakatira. 'Yung Netflix ko? Shared account lang 'yun, nabili ko sa Facebook. 80 pesos lang per slot kada isang buwan.

"Eya! Bumaba ka na riyan at kakain na!" rinig kong sigaw ni Papa.

Agad akong umalis sa tapat ng bintana at isinara ito. Pagkababa ko sa hapag ay nakahanda na ang mga pagkain namin. Tanging tuyo, itlog, at sinangag lamang ang pagkain namin para sa gabing ito, pero kahit kailan ay hindi ako nagreklamo sa kung ano ang mayroon kami.

"Magdasal muna tayo. Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng espiritu santo..."

Matapos makapagdasal ay agad kaming nagkaniya-kaniya ng pagkain. Ang mga bata kong kapatid ay nag-aagawan pa sa isang pirasong tuyo. Napayuko ako. Pinapangako ko na gagawin ko ang lahat para makaangat sa buhay, kahit gaano pa man kahirap.

Matapos kumain ay agad akong umakyat sa kuwarto namin ni Ate. May double deck kaming kama sa kuwarto, gawa lang sa kahoy na si Papa mismo ang gumawa. Si Ate sa taas samantalang ako naman ang nasa ibaba.

Pagkahiga ko, agad akong nagbukas ng cellphone. Nakita ko sa newsfeed ko ang mga larawan ng mga kaibigan ko kasama ng kani-kaniyang mga boyfriend. Sana all na lang talaga.

Napairap ako sa naisip ko. Kailan ba kasi ako magkaka-jowa, Lord? Bigay mo na sa akin, oh. Birthday gift lang.

Lahat na ginawa ko. Sinubukan ko na mag-wave na kunyare hindi sinasadya, sinubukan ko na rin mag-chat randomly na kunyare kaibigan ko 'yung nag-chat, sinubukan ko na rin 'yang mga Omegle na 'yan kaso etits ng mga arabo lang napala ko sa mga 'yan.

Umalis ako sa Facebook at nanood na lamang ng Tiktok. Puro bad bitch lang naman nakikita ko sa For You page ko, pati na rin 'yung mga problematic girls sa Tiktok. Sama mo pa si Buknoy. Maganda lang naman sa Tiktok ay 'yung mga babaeng pinagpala ni Lord na sobrang gaganda. Lord, when?

Habang nanonood, biglang may nag-text sa akin. OMG, ito na ba ang the one ko?

Pagka-check ko ng messages ko, napamura na lamang ako sa nabasa.

Your GoSAKTO promo has expired. Go for more GBs with Go+149! Enjoy 11GB data for all sites, 8GB choice of apps, and unli allnet calls & texts for 7 days, for only P149. Just register to Go+ via https://glbe.co/globe-one or dial *143# and choose Go+.

Tanginang 'yan.

"Ate! Papasaload nga ako! Naubusan na ko pang FB!" sigaw ko kay Ate. Sana naman pagbigyan ako ng bruha.

"Kapal ng pagmumukha mo, Eya! Matapos mo 'kong sabihan ng ampon!" rinig kong sigaw niya. Tumawa lamang ako ng malakas sa sinabi niya.

"Sige na kasi! Lilibre kita ng meryenda bukas! Milktea Large!" pang-uuto ko. Joke lang 'yun syempre, kapos pa budget ko 'no.

"Sure 'yan, ha! Scammer ka pa naman, Soleia!"

Maya-maya pa'y natanggap ko na ang load na inaasam-asam ko. Matapos kong ma-register, napagpasyahan kong hindi na muna manood ng Tiktok dahil masyadong nakakain ang data ko sa app na 'yun.

Pipindutin ko na sana ang Facebook app kaso naisipan ko tignan ang Messenger app ko. At walah! Inaamag na ang messenger ko dahil wala naman akong ka-chat.

Sa inis ko'y inexit ko na ang app at sakto mamang dumausdos sa paningin ko ang app na wala na akong pag-asa. Pero sige, malay mo maka-chamba.

Love Language App
–An app for dating, chating, and finding friends. Come on and join us! With free features and other oppurtunities. Who knows?

Matagal na akong umaasa sa app na 'to. Lahat mg kalandian ata na-try ko. Pati mga advice ng mga kaibigan ko ay nasubukan ko na. Kaso wala talaga akong mahanap na matinong lalaki. Hindi ko pa trip ang love language nila.

Gusto ko lang naman ng kapareha ko ng love language. Syempre, para same vibes kami, 'di ba? Sabi sa Tiktok, dapat daw same vibes para maiwasan red flags sa relationship.

Ni-log in ko na ang account ko. Nag-try ako mag-browse sa feed ko. Ang papanget naman ng mga lalaki, mukhang adik. Magse-search na nga lang ako.

Pinindot ko ang search button, at ang lagi kong nakikita, lumabas ang tanong na halos pang-ilang beses ko nang sinasagot.

What's your preferred love language?

Kahit naiinis at naiinip, tinype ko ang talagang hinahanap ng puso ko.

Acts of Service.

--

Please do comment your thoughts, feelings, and feedback about this story. Any words will be accepted. Thank you, dear reader!

Descend Upon Your Service by bananughh © 2021

Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon