11

161 4 4
                                    

"With honors pa rin kaya ako?"

Sa bawat paghakbang ko'y ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko. Habang palapit nang palapit sa bulletin board kung saan nakapaskil ang mga pangalan ng mga with honors at with high honors.

"Yes! With high ako, mga momshie!" rinig kong sigaw ni Val, kaklase ko. Etsuserang 'to, kopyadera naman.

Nang makalapit sa bulletin board, nakita ko sila Pat na nagbabasa rin. Agad ko namang binatukan si Maxene na siyang pinakamalapit sa pwesto ko.

"Ano? With honors tayo?" tanong ko. Nilinga naman ako ni Krishia. "Ewan ko," tipid niyang sagot.

Napatulala naman ako, ilang linggo na ang nakakaraan simula noong pagkuwento ko sa kanila sa GC tungkol sa paglilihim ni Zach, ilang linggo na rin mula nang sabihin niyang...

"So, narinig mo na ba?"

Hindi mapakali ang puso ko at tila sasabog na yata sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok. Tila nabingi rin ang tainga ko sa mga salitang binitawan niya.

Pero... totoo ba?

"Pakiulit nga," madiin kong pagkakasabi. Rinig ko ang mahinang pagtawa niya sa gilid ko na siyang mas nakapagpabaliw ng sistema ko.

"Wala. Sa susunod na lang," aniya kaya naman hindi ko napigilanbang sarili kong hampasin ang compartment ng sasakyan.

"Huwag mo kong inisin," gigil kong sambit, pero sa totoo lang ay nababaliw na ako.

"Saka na, kapag kaya mo nang reply-an." Pinaandar niya na ang kotse at nagmaneho papunta sa lugar na siya lamang ang may alam.

Inis na inis pa rin ako dahil ayaw niyang ulitin. Tama 'yung narinig ko, e! Dalawang beses niya nga inulit na... na mahal niya ko!

HIHIHIHIHI

Paakyat ang lugar na dinaraanan namin at puro talahib ang madadaanan. Nagtataka man, hindi ko pa rin makalimutan ang mga katagang sinabi niya.

I love you.

Kung inulit mo lang, e 'di sana'y sinagot ko agad ng I love you too! Parang gago naman kasi.

Muntik na akong masubsob sa biglaang paghinto niya. Inis ko siyang nilingon at hinampas nang malakas ang braso niya.

"Ano ba!" singhal ko. Nakatingin sa akin ang mga mata niyang parang nangungusap at humihingi ng patawad.

"Sorry. By the way, andito na pala tayo," aniya.

Nandito? E, puro talahiban dito! T-teka, may balak ba siyang i-rape a-ako?

"Bakit dito!? Ano'ng gagawin natin dito? Mama!" nababaliw kong sigaw. Para akong napapraning na hindi maintindihan. Hinahampas ko na ang bintana ng kotse na akala mo'y may makakarinig sa akin.

Habang nagmimistula akong baliw na nakaharap sa bintana, nakaramdam ako ng init sa likuran ko. Unti-unting pumalupot sa beywang ko ang mga braso ng lalaking kumidnap sa akin.

"Stop it, I will not do anything bad on you."

Nangilabot ang buong katawan ko dahil sa pagbulong niyang iyon, dinagdagan pa ng mainit niyang hininga na tila isang gamot pampakalma.

Ano kayang amoy ng hininga niya? Amoy tinga?

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto. Maya-maya pa'y nasa harapan ko na siya nang buksan niya ang pinto sa harapan ko.

Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon