16

162 3 7
                                    

"OMG... OMG!"

Kahit nakapikit ang aking mga mata, alam kong si Ate iyong nagsasalita. "Manahimik ka nga, inaantok ako," saway ko. Umayos ako nang pagkakahiga ngunit naramdaman kong may mali. Tila may mainit na at masikip ang kamang hinihigaan ko... t-teka?

"Susumbong ko kayo kay Mama, Eya! Bakit niyo nagawa 'yan, ha? Ang bata-bata mo pa! Wala ka pa nga sa legal age, sinuko mo na ang Bataan!?"

Biglang napamulat ang aking mga mata at ang tanging nasilayan ko ay itim. Itim na damit na suot ni Zach. Inangat ko ang aking tingin at halos mahulog ang aking puso nang muntikan nang magdikit ang labi naming dalawa. Binaba ko ang aking tingin at napansing nakapulupot sa akin ang kaniyang kanang braso at... nakayakap ako sa kaniya.

Damang-dama ko ang init ng hininga niya sa aking noo na siyang kalebel ng kaniyang ilong. Hindi ko alam kung paanong nangyaring nakasiksik ang aking katawan sa kaniya. Dinig na dinig ko tuloy ang pagtibok ng kaniyang puso, at kahit hindi pa siya nakakaligo... ang bango pa rin niya.

"Ate!" 

Napasigaw ako nang biglang hampasin ni Ate ng unan si Zach na siyang nakapagpagising dito, ngunit nahampas din ako. Inangat ko ang tingin kay Zach na siyang kagigising lamang na may mga mapupungay na mata.

"Ano'ng ginawa mo sa katapid ko, ha? Tinanggap ka namin tapos ganito lamang ang gagawin mo sa kaniya!? Pedophilia 'yang ginagawa mo! 18 ka na, 'di ba? Alam mo namang dyesisyete pa lang itong kapatid ko! Menor de edad pa lang 'yan!" tuloy-tuloy na sigaw ni Ate. Napabangon na lamang ako upang tangkaing pigilan siya.

"Ate, ano ba? Natulog lang kami! Ni hindi ko nga alam kung paano kami napunta sa ganoong sitwasyon!" paliwanag ko. 

Napatayo na ako nang tangkaing sugurin ni Ate si Zach na gulat na gulat pa rin sa mga nangyayari. "Ate, ano ba? Dudumugin tayo ng mga chismosa!"

"U-uhm, no. I-it's not what you're thinking! Tama po si Eya, hindi ko po alam kung paano kami napunta sa ganoong sitwasyon, and I'm s-sorry for sleeping, hindi ko po sinasadya."

Natigil kami sa pagbabangayan ni Ate nang sabihin iyon ni Zach. Binaba ni Ate ang hawak niyang unan at pilit na hininahon ang sarili. "Bakit ba kasi kayo natulog? Grabe ba ang puyat niyo kaka-midnight talks niyo?" kalmadong tanong ni Ate.

Napakagat na lamang ako sa aking labi dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. Napatingin ako kay Zach at sumenyas upang manghingi ng tulong. Mukhang kaagad niya rin namang na-gets ang sinabi ko at nagsalita, "Eya passed out a while ago."

Passed out? Pinagsasabi nito?

"She passed out due to... due to hunger. Nalipasan yata siya ng gutom," aniya.

Napapameywang naman ako. Oo nga, ano? Ang galing niya naman magpalusot. Ganiyan din ba siya magpalusot sa akin–

Natigilan ako sa pag-iisap nang maalala ang mga sinisikreto niya sa akin. Doon ko napagtantong masyado na akong marupok. Pinapalagpas ko na lamang lagi ang mga nagagawa niya dahil lang sa isang 'I love you', yakap, at kung anong pampakilig. Masyado akong napaniwala sa mga kilos niya hanggang sa malimutan ko na ang mga ginagawa niya. Hindi kaya'y tama sila Pat?

"N-nagising din naman siya noong nahimatay siya, but she fell asleep after. And... hindi ko namalayang nakatulog na rin ako," dugtong niya. Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Ate, senyales na mahinahon na siya.

"Ganoon ba? Bumaba na lang kayo at baka maabutan pa kayo nila Mama. Buti na lang pala at inagahan ko ang pag-uwi, kung hindi, patay kayong dalawa. No more EyZach anymore."

EyZach, amp. Ginawan pa nga ng loveteam.

Pero hindi ako kinikilig, ha? Slight lang mga 1% tapos dagdagan mo ng dalawang zero.

Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon