1

343 6 8
                                    

"Tangina, tabi!"

Inis kong inirapan 'yung kapit-bahay naming pinaglihi sa yosi ng kapre. Paharang-harang sa dinaraanan, kitang mala-late na ako. Ang init-init tapos di-display siya sa daraanan ko. Akala mo naman mala-hollywood ang itsura, mukha namang upos ng sigarilyo.

"Hoy, Eya! Magdahan-dahan ka nga! Sumemplang ka riyan!"

Inismiran ko lamang ang kababata kong si Tuto. Isa pa itong pakialamero. Hindi ba obvious na nagmamadali ako? Alam naman nilang busy ang schedule ko ganitong marami akong projects with other things.

Mas binilisan ko ang pagpepedal para hindi na ako ma-late. Kahit tirik ang araw at nalulusaw ang Baby Johnsons powder na kulay blue sa mukha ko, okay lang kasi marami naman ako sa bag. Kaya kong mag-retouch anywhere.

Pagkakadena ko ng bike sa gate ng aming paaralan na siyang hiniram ko lamang sa kapit-bahay dahil ayoko nang mag-jeep pa, agad kong kinuha ang bag ko at tumakbo papasok.

"Hephep! Miss Eya, nasaan na naman ang I.D mo?"

Napahinto ako nang nanlalaki ang mata habang dahan-dahan tinitignan ang dibdib ko. Pakshet! Nakalimutan ko nga ang I.D ko.

Dahan-dahan akong lumingon kay Manong Guard habang nagpapaawa ang mga mata. "Manong, papasukin mo na ako, please. Bukas talaga, promise! Hindi ko na kakalimutan I.D ko! Tsaka tropa naman tayo, 'di ba?" pang-uuto ko. Umiling lamang siya sa akin kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"Sayang naman 'tong burger ko sa bag, wala namang kakain kasi hindi rin naman ako makakapasok—"

"Che! Sige na, pumasok ka na. Bigyan mo ako niyan mamayang recess, ha?"

Napatalon ako sa tuwa nang sabihin iyon ni Manong. "Yes na yes naman, Manong! Gusto mo dalawa pa, e!"

Umapir lamang ako sa kaniya at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok. Sa isang university ako nag-aaral. Kahit hampas-lupa ako, may voucher naman ako. At least nakakapag-aral. Tsaka kahit paganito-ganito lang ako, with honors 'to, mga bhie.

Hingal na hingal akong pumasok sa room namin. STEM ang napili kong strand dahil pangarap kong maging doktor, para maingat ang pamilya ko sa kahirapan.

"Ano ba 'yan, girl! Kaya wala kang jowa, e. Late parati, haggard pa. Jusmiyo!" reklamo ni Patriz nang makita ako. Isa siya sa mga kaibigan ko. May katabaan ang katawan niya pero gaya nga ng mga nababasa sa social media, every curve is beautiful.

Oh, pak! Women empowerment yarn?

"Ano ka ba, Pat? Ang tunay na lalaki, mamahalin ako kahit gaano pa kapangit ang itsura ko," pagmamalaki ko.

Bakit, totoo naman, 'di ba? Kahit gaano ka pa ka-worse, ang tunay na lalaki ay magsa-stay sa iyo.

"Pero mag-ayos ka pa rin naman! Hindi 'yung para kang dinaanan ng bagyo," sabat ni Krishia, isa rin sa mga kaibigan ko. Porket may jowa 'tong babaitang 'to. Sana all nag-glow up noong nagka-jowa. Hindi naman ako na-inform na by partner pala ang glow up.

"So what! I'm single and I am a bad bitch!" sigaw ko sa kanilang lahat. Nagsipagpalakpakan naman si Pat at Krishia sa sinabi ko.

"Bad bitch mo mukha mo, hindi ka nga pinapayagan mag-overnight, e! Hanggang 5 PM ka lang, beh," sabat ni Maxene habang nag-aayos ng kilay sa salamin. Itong walwalerang walang ibang inatupag kung hindi ang pagkikilay. Bumagsak na lahat-lahat sa pre-calculus, 'wag lang bumagsak ang arko ng kilay niya.

Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon