8

192 5 4
                                    

"Kainan na!"

Halos 1:30 PM na nakatapos magluto sina Mama. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko, alam kong gutom na rin si Zach.

Magmula kanina, tahimik na lang kaming dalawa mula noong sinabi niya iyon. Nahihiya man ako sa kaniya dahil sa mga nagawa ko, kinikilig naman ang birat ko.

"Gutom ka na, ano? Sorry, ha? Late na naluto nila Mama 'yung ulam," pagkausap ko kay Zach.

Ngumiti siya sa akin. "It's okay. I'm having fun with the silence with you," aniya.

Nakakatuwa ba 'yung katahimikan? Dinamay mo pa ako.

"Oh, Zach, kain ka na. Pasensya na at ganito lamang ang ulam namin. Hindi naman kasi kami mayaman, e," saad ni Mama habang pinagsasandok ng kanin si Zach.

"Okay lang po, Tita. Madalas din naman po kami kumain niyan sa bahay," tugon ni Zach.

Tinignan ko ang ulam namin at nakitang sinigang na baboy ang ulam. Malamang, kahit naman artista ay kumakain niyan.

"Oh, ang tagal niyo naman magluto!"

Napalingon ako sa pintuan dahil sa sigaw na iyon ni Papa. Mukhang napauwi na lamang siya mag-isa dahil sa sobrang gutom. Ang tagal naman kasi talaga magluto nila Mama.

Maya-maya pa'y pumasok na rin sila Etong.

"Hoy, maligo muna kayo bago kumain. Mas maasim pa ata kayo sa sinigang!" reklamo ni Ate nang makita ang dalawa naming maliliit na kapatid. Agad din namang sumunod ang dalawa at pumunta sa likod ng bahay.

"Oh, Zach, oh. Pasensya ka na talaga, ha? 'Wag ka mag-alala, malinis naman 'ya–"

"Huwag po kayo mag-alala, hindi naman po ako maarte. Isa pa, hindi rin naman po ako mayaman," mapagkumbabang saad ni Zach.

Sorry, may bakod na. Akin lang si Zacharias.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga pangyayari kanina. Kahit pa alam kong mukha akong tanga kakaiyak at may paluhod-luhod pa akong nalalaman, tingin ko naman ay dapat lang na gawin ko iyon dahil sa mga kasalanan ko sa kaniya.

Pero kinikilig talaga ako like pakenengshet. Like niya rin daw ako. Hindi ba alam ni Zach na pang 2015-2016 lang ang like react? Love at Care react na ang uso ngayon!

Label reveal muna.

"Thank you po, Tita," sambit ni Zach nang iabot sa kaniya ni Mama ang plato na may kanin at isang mangkok ng sabaw na may baboy. Kumuha na rin siya ng kutsara tinidor at akala ko ay kakain na rin niya agad ngunit bigla niyang pinahaba ang braso niya saka inabot sa akin ang mga hawak niya.

"Para sa 'yo."

Natulala lamang ako pero agad ding nawala ang pagkamangha ko dahil sa naramdaman kong kurot ni Ate sa gilid ko.

"Yiee, kilig pempem."

Pinitik ko muna nang malakas sa braso si Ate bago abutin ang pagkaing inaabot ni Zach. Busy pa ako sa pagde-daydream tapos nakiki-epal 'tong bruha sa tabi ko.

Nagsimula na akong kumain. Inabutan din naman agad ni Mama si Zach ng pagkain ulit.

"Ano ka ba, Zach. Hindi mo naman na kailangan pang ibigay kay Eya 'yon. Damulag na 'yan at marunong naman 'yan gumalaw," pagkontra ni Ate ngunit tinawanan lamang siya ni Zach.

May ipapakulam talaga ako sa Quiapo bukas.

"Okay lang naman, gusto ko lang talaga siya pagsilbihan," ani ni Zach.

Pakiramdam ko'y namumula na ang pisngi ko sa narinig. Ibinaba ko na lamang ang tingin ko sa kinakain at mas binilisan pa ang pagsubo. Pero kahit binibilisan ko ang pagkain, kailangan sumubo with elegance.

Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon