12

160 4 14
                                    

"Eya! Gumising ka at nandito si Zach!"

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Agad akong napatingin sa bintana at napansing kulay asul pa ang langit. Teka, ano'ng oras na ba?

"Eya! Ano na, hoy!"

Inis akong napabangon nang marinig ang sigaw ni Ate. Pwedeng pwede talaga siya maging evil witch. Nakakairita ang boses.

Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Tuwid pa rin ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanila. Ang aga-aga pa't ginigising na ako, kitang pagod ako kahapon galing school. At isa pa, napuyat ako kakahintay ng chat ni...

"Good morning."

Zach!?

Makikita ang gulat sa mukha ko kaya naman nagtaka si Ate. "Ano'ng mukha 'yan, Eya?" tanong niya.

"Emma! Bumili ka nga muna ng pandesal at kape," rinig kong utos ni Mama kaya napakamot na lamang ng ulo si Ate at sumunod.

Ngunit muling nangunot ang noo ko nang maalala ang paghihintay ko kagabi sa chat niya. Ala-una nang madaling araw na ako nakatulog kakahintay sa kaniya. Tinadtad ko na rin siya ng chats pero wala man lang paramdam, tapos ngayon ay pupunta siya rito? Para ano? Para suyuin ako? Hindi ko siya mapapatawad!

"I-i'm sorry," aniya.

Nawala ang ekspresyon sa mukha ko dahil sa mga sinabi niya. "Ano? Gano'n lang 'yun?" walang emosyong tanong ko.

Lumapit siya sa akin kaya napahinga ako nang malalim. Amoy na amoy ko ang pabango niyang Bench na tig-wampipti sa SM. Napansin kong basa pa ang buhok niya, mukhang kaliligo lang niya bago siya pumunta rito. Bigla akong napatitig sa labi niyang mapula. Ano kaya ang pakiramdam kapag nahalikan siya.

Kahit i-kiss mo pa ako, hinding-hindi kita patatawarin.

Naramdaman ko ang unti-unting paglapat ng mga kamay niya sa balikat ko. Mas lalo niyang inilapit ang sarili sa katawan ko kaya naman tila umiinit ang temperature ng paligid. Ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko habang nakatingin kami sa mga mata ng isa't-isa.

"Alam kong galit ka. Sorry, na-busy lang ako sa pagre-review. Bukas na ang exam namin," paliwanag niya.

Pero hindi ako nagpatinag. Gaya ng sabi ko, kahit halikan mo pa ako, hindi kita patatawarin.

Walang mababakas na emosyon sa mukha ko habang nakatitig sa kaniya. Pinagmasdan ko ng reaksyon niya, mapapansin sa ekpresyon niya ang takot at lungkot.

Baka naman totoong na-busy lang siya sa pagre-review? Halata sa mga mata niya ang pagod at malalim ang mga ito, senyales na nagpuyat siya. Para saan pa kung magagalit ako ngayong ginawa niya naman iyon para sa pag-aaral niya? Baka ayaw niyang makasagabal ako sa kaniya? Tama lang naman iyon.

"Hey, are you mad?" tanong niya. Wala pa ring nagbago sa ekspresyon ko, nanatili akong walang emosyon upang tignan kung hanggang saan ang magagawa niya.

"Gusto mong kumain?"

Saktong kumalam ang sikmura ko nang tanongin niya iyon. Tahimik siyang natawa habang ang mukha ko naman ay hindi mapinta ang itsura.

"Tara, saan mo gusto? Libre ko," pag-aya niya ngunit hindi ako makapagsalita o maka-ayaw man lang. Bukod sa hindi ko alam ang isasagot, ang baho-baho pa ng hininga ko. Kakagising ko lang kaya!

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiling-iling. Kaysa naman magsalita ako't bumuga sa harapan niya ang halimuyak ng imbornal kong bunganga. Kahit mabaho ang hininga, kailangan nating magpabebe. Hindi rin ako sure kung may panis na laway ba ako sa gilid ng labi.

Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon