14

157 3 10
                                    

Zach: What u doing?

Kauuwi ko lamang galing SM dahil bumili ako ng kakailanganin namin para sa last projects sa arts. Hindi ko na inabala pang magpasama kay Ach dahil nakakahiya na masyado. Masyado ko nang naaabala ang schedule niya. Sino ba naman ako?

Nililigawan niya, ehe.

Binaba ko ang mga pinamili ko at nagpalit ng damit. Mag-aalas otso na ng gabi kaya naman sermon ang bumungad sa akin kani-kanina lang, kahit pa nagpaalam naman ang bibili ng project.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung ano'ng oras ba na-send 'yung chat niyang iyon.

"Hala, 3:30!? Tulog ako noon!"

Agad akong tumipa sa keyboard ng cellphone ko. Nakatulog kasi ako kaninang tanghali pag-uwi dahil sa nakakalokang P.E namin. Kulang na lang ay palitan ko na ang mga Wowowin dancers, e.

Sinundo na naman ako kanina ni Zach at nilibre ng pagkain. Nag-drive thru lamang kami sa McDo at sa kotse na lamang kumain. Gusto ko na rin kasing makauwi agad kanina dahil pagod na pagod talaga ako. Pagkauwi ko, agad din akong nakatulog sa sobrang pagod.

Nagising na lamang ako kanina ng alas-singko nang maalala kong may dadalhin pala kaming materials bukas. Hindi naman kasi ako pinaalalahanan nila Pat.

Napabuntong-hininga ako. Hanggang kailan ba kami magiging ganito nila Pat? Bakit ba hindi na lang sila maging masaya para sa akin? Palagi naman akong sumusuporta kapag may love life sila. Nakakarami na nga sila ng ex pero support pa rin ako sa kaligayahan nila. Bakit hindi nila magawang sumaya para sa akin ganitong unang beses ko pa lang makaranas ng ganito?

Eya: HOY HALA SORRY PASENSYA NA HINDI KO NABASA KAKAGISING KO LANG SORRY ZACH AYLABYUBERIMUCH

Nagpalusot na lamang ako na kagigising ko lang, baka kasi magalit siya na hindi ko siya sinabihang umalis ako.

Zach: I love you very much also.

Bakit ako kinakalabit ni San Pedro? Hindi ba siya makapaghintay na pumasok ako sa langit? Ataters amp.

Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko dahil sa nabasa. Biro ko lang naman iyong sinabi ko ngunit hindi ko naman akalaing magre-reply pa rin siya roon. Dahil doon, mukha akong tanga.

"Luh, si Eya, parang tanga amp," sambit ni Ate sa akin. Nakaupo siya sa sahig dahil may sinusulat siya sa notebook.

"Kapag inggit, pikit," tugon ko. Tinaasan niya lamang ako ng gitnang daliri at muling nagpatuloy sa pagsusulat. Ibinaling ko ang atensyon sa cellphone at nakitang muli siyang nag-chat.

Zach: Ayaw mo ba? Just tell me, I can wait so I can say that words to you.

Muli akong napangiti. Kahit kailan talaga'y mas inuuna ni Zach ang nararamdaman ko. Palagi na lang siyang nag-aadjust sa mga sinasabi ko. Wala talagang katulad si Zach.

Eya: Okay lang naman. FYI, hindi ako kinikilig.

Kailangan muna nating magpakipot. Kailangan niya munang manligaw nang matagal... mga 2 weeks ganoon.

Zach: Okay, hindi ka kinikilig. :)

Sarcasm ba 'to? Nagtatampo ba siya or nakangiti. Bakit kasi ganiyan 'yung emoji niya? Pwede namang nakanguso na may heart.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko dahil sa pag-notif. Tinignan ko iyon at talagang nanlaki ang mga mata ko nang mag-notif ang Shopee.

"Ate! Nag-sale na 'yung dress na trip natin! 100 na lang, oh!" sambit ko kay Ate. "Patingin nga!" aniya saka lumapit sa akin at hinablot ang cellphone.

Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon