3

205 4 1
                                    

"Mama! Si Eya nakangiti sa cellphone. May boyfriend na 'to. Papa, oh!"

Inis kong nilingon si Ate na napaka-chismosa. Nandito kami ngayon sa sala dahil napakainit sa kwarto namin. Nakaupo lamang ako sa sahig samantalang siya naman ang nakaupo sa sofa. Mang-aagaw kasi.

"May nabasa lang na memes, may jowa agad? Kung mayroon lang, aba! Why not?" sagot ko saka inirapan siya ng 360 degrees. 

Muli kong ibinaling ang atensiyon ko sa cellphone ko. Ilang araw na kaming nagkakausap ni Zach at feeling ko, siya na talaga ang itinadhana para sa akin. Palagi niya akong kinakausap mula paggising hanggang sa pagtulog. Lagi niya rin ako binibilinan ng mga bagay na baka makalimutan kong gawin tulad ng pagkain sa tamang oras.

Pero wala kaming label, hehe.

"Hoy, Eya. Baka mamaya kabo-boyfriend mo riyan ay mapabayaan mo ang pag-aaral mo?"

Inangat ko ang ulo ko kay Mama na nagpupunas ng basang kamay sa damit. Ngumiti lamang ako sa kaniya. "Ma, mapabayaan ko man ang pag-aaral ko, mayaman naman ang mapapangasawa ko," sagot ko. Tama, kung hindi man kami ni Zach ang para sa isa't-isa, mag-aasawa na lamang ako ng sugar daddy na malapit nang mamatay.

"E, kung suntukin kaya kita?"

Tumawa lamang ako nang na may halong takot nang marinig ang boses ni Papa. Marumi ang katawan niya, marahil siguro sa trabaho niya sa junk shop.

"Ito si Papa, hindi mabiro. Ano ba kayo? Magiging doktor nga ako, 'di ba?" pagsisiguro ko sa kanila. Ngiti lamang ang sinukli nila sa akin. Sa tuwing sinasabi kong makakamit ko ang pinapangarap kong propesyon, ngumingiti lamang sila na tila nagsasabing kaya ko ito at naniniwala sila sa akin. Mahirap man kami, alam kong ginagawa nila lahat ng makakakaya nila para mapag-aral kami ng mga kapatid ko.

"Doktor ka riyan, lalandi ka lang ng pasyente, e," biglang hirit ni Ate. Inis ko siyang sinabunutan sa buhok. "E, kung pogi at mayaman, bakit hindi? Be practical! Hindi katulad sa manliligaw mong puro papogi lang ang alam sa school, bokya naman sa exam," sabat ko. Hindi kasi bad bitch itong si Ate. Maturuan nga.

"Ano ba kayo? Magiging doktor nga iyang si Eya. 'Di ba, anak? Huwag mo kaming bibiguin, ha?" tanong ni Mama. Ngumiti ako at tumango.

Zach: Hey, r u still there?

Nataranta ako nang mabasa ang chat niyang iyon. Ito kasi si Ate, e! Daming ebas sa buhay. Na-late reply tuloy ako sa bebe ko.

Soleia: Oo, slr. Epal kasi 'tong Ate ko, e. Sorry haaa. :<<<

Napangiti na naman ako nang agaran niyang ma-seen ang message ko at lumabas nag tatlong tuldok na siyang senyales na nagta-type siya ng ire-reply.

Zach: It's okayy, don't worry :)

Tumagal pa ng ilang oras ang pag-uusap naming dalawa. Mag-aalas kuwatro na ng hapon pero nag-uusap pa rin kami. Tumayo muna ako at kumuha ng isang basong tubig saka binalikan si Zach sa cellphone.

Zach: Hey, if you don't mind. Okay lang ba sa 'yo kung mag-meet up tayo?

Nabuga ko ang iniinom kong tubig nang mabasa ang chat niya. M-meet up?

Teka, wala pa 'yung glow up ko!

Soleia: Uhmm, ikaw bahala. Saan naman tayo magkikita?

Nanginginig man ay pinilit kong i-send ang chat ko. Tatanggapin ko ba ang challenge na ito? 

Habang naghihintay sa reply niya, biglang nag-chat si Pat sa akin. Alam na ng mga kaibigan ko ang tungkol sa internet love kong si Zach. Tinawanan pa nga nila ako dahil baka i-ghost lang ako nito, pero kami ang magpapatunay na totoo ang internet love at hindi ito gawa-gawa ng mga illuminati!

Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon