15

158 3 6
                                    

"Zach..."

Iyan lamang ang salitang nausal ko matapos mabasa ang mga mensaheng hindi ko man lang inabalang tignan kagabi. Hinawakan ko ang door knob ng sasakyan at sa hindi ko inaasahan, bukas ito.

"Hindi man lang inabalang i-lock? Paano kung nanakawan na pala siya rito?" inis kong bulong sa sarili bago buksan ang pinto. Alam naman niyang squatter area rito, hindi man lang mag-ingat lalo pa't tuso ang mga tao sa lugar na ito.

Tumambad sa akin ang malamig na temperatura ng sasakyan at ang natutulog na si Zach. Nakasandal siya sa upuan at diretso lamang ang pagkakaupo. Nakakrus ang kaniyang mga braso habang mahimbing na natutulog. Hindi naman ba naubos ang gaas niya?

Napatingin ako sa orasan ng sasakyan niya na nasa harapan lamang ni Zach. 9:39 AM

9:39!? 8 AM ang exams nila para sa finals!

"Zach. Zach! Gising! Finals niyo, 'di ba?" 

Mas nilakasan ko ang pag-alog sa kaniya dahil hindi pa rin siya magising nang maayos. Umuungol lamang siya habang nakapikit. Sa inis ko, sinampal ko nang malakas ang kaniyang kanang pisngi.

"Zach! Umalis ka na at may exams ka pa. Late ka na, oh! Subukan mo humabol, dali!" sigaw ko.

Unti-unting bumukas ang kaniyang mga mata. Kahit bagong gising, hindi ko maitatanggi ang nag-uumapaw niyang kagwapuhan. Isasali ko talaga 'to sa Adonis bar.

"E-eya?"

Tila lumubog ang puso ko matapos marinig ang boses niyang malalim at magaspang marahil kagigising pa lamang. Tila nasisilaw siya sa liwanag habang nakatitig sa akin. Ang boses at itsura niya ngayon ay talaga namang nagpalubog ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit ganito.

"Zach, umalis ka na," utos ko sa kaniya ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin. Sa kadahilanang gusto kong magising ang kaniyang diwa, inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang mukha.

Bakit ganoon? Hindi man lang siya amoy panis na laway? Tapos 'yung akin, amoy imbornal? Bakit ang unfair ng mundo?

"Zach, makinig ka. Late ka na sa exams niyo! Mag-aalas diyes na, oh! Bakit naman kasi pinuntahan mo pa ako rito? Hindi ka na lang nag-aral at finals niyo ngayon. Kakausapin naman kita, e! Hindi mo naman kailangan puntahan pa rito. Unahin mo naman ang sarili mo kahit minsa–"

Tila tumigil ang pagtibok ng puso ko. Parang huminto ang pagpitik ng mga segundo sa mga sandaling ito. Hinawakan ng dalawang kamay niya ang aking mukha at marahang inilapit sa kaniya. Napalunok ako nang mariin. Hindi ko magawang huminga sa mga sandaling ito... sa mga sandaling malapit nang maglapat ang aming mga labi.

Handa na ako. Handa na akong salubungin ang labi niyang siyang magiging unang halik ko. Ilang bolta ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan dahil sa malapitang pagtititigan naming dalawa. Ang mga mata niyang kulay kayumanggi ang siyang sumasalubong sa akin. Hinanda ko ang aking sarili at unti-unting pinikit ang mga mata. Heto na... heto na–

T-teka, hindi niya ako iki-kiss?

Ibinaling niya ang pagkakahawak sa aking mukha papunta sa kaniyang balikat. Sa mga sandaling iyon, nagsalo ang init ng aming mga katawan bago mahigpit na pumulupot sa akin ang kaniyang mga bisig.

Akala ko pa naman mavi-virginan na ang labi ko. Paasa.

Ngunit kahit ganoon, mukhang mas maganda muna sa ngayon ang ganitong pakiramdam. Dahan-dahan kong ginalaw ang aking mga braso at sa unang pagkakataon, yumakap ako pabalik kay Zach.

"Ayieee!"

"Dalaga na si Ate Eya!"

"May boyfriend na!"

Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon