"Come on."
Hindi pa rin ako makapagsalita. Bigla niya na lamang hinawakan ang kamay ko at hinila ako paalis. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang magpatianod sa kaniya.
"Where do you want to go? Gusto mo ba kumain?" tanong niya. Wala sa sarili akong napatango.
Pakshet, bakit ako tumango? Baka isipin niyang patay gutom ako.
Hawak niya pa rin ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa direksiyong hindi ko alam. Pinagtitinginan ako ng mga tao marahil siguro sa marumi kong suot. Hindi pa rin ako makapaniwalang si Zach nga ito.
Initinuon ko ang atensyon ko sa kamay naming magkahawak. Malambot ang kamay niya, mukhang hindi dumaan sa hirap ng buhay. Pinagmasdan ko rin ang likuran niya. Malapad ito at mukhang sanay ito sa gym. Simpleng navy blue button polo sleeves lang ang suot niya, samantalang trouser pants na kulay itim naman ang pang-ibaba, at ang sapatos niya ay iyong napagkamalan kong suot ng mga guwardiya.
Guard outfit is the new hit.
Napahinto ako nang huminto rin siya sa paglalakad. Nilingon niya ako at ngumiti.
"Dito na lang?"
Bigla akong napatitig sa mukha niya nang magsalita siya. Ramdam kong hindi kami maghihirap sa future kahit pa maubusan kami ng pera. Pwedeng-pwede 'to ipasok sa Adonis bar.
"Ayaw mo ba? Saan mo gusto?" muling tanong niya. Bumalik ako sa reyalidad at sinubukang hindi na mag-isip pa ng kung ano-ano. Ano'ng Adonis 'tong naiisip ko?
"Uh, hindi! Okay lang ako rito," tugon ko at ngumiti.
Nang lingunin ko ang napili niyang kainan, unti-unting naglaho ang mga ngiti sa labi ko nang mabasa ang pangalan ng kainan.
"S-starbucks..."
"Uhm, if you don't want, we can switch to Max's or Classic Savory if you want," aniya.
Punyemas, hindi ko alam 'tong mga pinagsasabi niya. Sa Starbucks pa nga lang ay ramdam ko na ang pagkahirap ko. E, halos isang linggong kita ng pamilya namin ang mga presyo ng pagkain diyan!
"No! It's actually okay. M-masarap naman diyan." Ngumiti lamang ako sa kaniya nang normal kahit pa nag-aalangan na ako sa totoo lang. Baka magkulang pa yata ang pera ko riyan.
"Tara na?" pag-anyaya niya.
Tumango lamang ako ngunit ramdam ko pa rin ang mainit niyang palad sa kamay ko. Hindi niya pa rin ito inalis hanggang sa makapasok kami sa loob. Kinakabahan pa naman ako at baka mamaya ay mala-water falls na pala itong kamay ko.
"Good morning, ma'am and sir!" pagbati n'ong isang staff.
Pagkapasok pa lang ay nakaramdam na ako ng kakaibang ambiance ng lugar. Malamang ay hindi ako sanay sa mga pang-mayayaman na kainan at lugar. Kahit pa nakakain na ako rito isang beses nang ilibre kami ni Maxene noong birthday niya. Sa ganitong lugar, doon mo talaga mapagtatanto kung saan ka lamang nababagay.
Inalalayan ako ni Zach papunta sa isang lamesa na may dalawang upuan. Inayos niya ang upuan para maka-upo ako kaya naman napangiti ako nang husto na tila nakalimutan ko na ang mga nakakahiyang pangyayari sa akin kanina.
"Dito ka lang muna, ha? O-order lang ako for us. Ano ba ang gusto mong kainin?" tanong niya.
Sinilip ko ang menu at wala naman akong alam sa mga nakalagay roon. Isa pa, titignan ko pa lang ang mga kalakip na presyo ay nalulula na ang mga mata ko.
"Kahit ano na lang, basta masarap, ha? H-hindi kasi ako sanay kumain dito," nahihiyang tugon ko saka umiwas ng tingin.
"Oh, I'm sorry. Gusto mo ba lumipat ng lugar?" tanong niya. Halata sa itsura niya ang pag-aalala sa akin na dapat ay hindi naman. Iba si Zach.
BINABASA MO ANG
Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓
Teen FictionCOMPLETED✓ What's your love language? (Love Language Series #1) Soleia Auxiene Cervante, a member of NBSB, embraced the personality of being a social media follower. Like what she always saw on the internet, she wants to wander the world of wildness...