Eya: 'Wag mo akong kakausapin.
Inis kong tinitigan ang last chat ko sa kaniya na talagang seen lang ang binigay niya. Isang oras mahigit na ang chat kong iyon, nakakain na ako't lahat-lahat ay hindi man lang siya nag-reply ng kahit ano. Talagang seen lang ang ginawa niya.
Panibagong red flag na naman. Sa pinapakita niya, hinahayaan niya na lang ako ngayong galit ako. Ganito ba talaga 'tong mga lalaki? Pinagpapabukas ang lahat tapos hahayaan masaktan ang babae?
Sa sobrang inis ko, hinanap ko ang GC naming apat at nagsimulang mag-chat.
Eya: Hoyy! Naiirita na ako.
Kacha-chat ko pa lamang ngunit agad na silang nagsipag-seen at reply.
Krishia: nyare???
Maxene: problema mo
Pat: break na kayo?
Wala ngang label, paano magbe-break? Ano bang tawag kapag nag-break ang mag-M.U? Landian separation?
Eya: Grabe na talaga 'to. Ayaw niya talagang sabihin, ramdam ko nang may tinatago talaga siya. Tapos, mga bhie, 'di ba nagalit ako, nag-seen lamg siya tapos hindi na nag-reply! Kaiyak pota.
Nag-haha react naman si Pat sa chat ko.
Pat: sabi sayo e, ghost na kasi. kala mo naman napakatagal niyo na. jusko 2 weeks pa lang kayo
I-ghost ko na nga ba? Napaisip ako, kung hindi ko pa iiwan si Zach at magpapakarupok pa ulit ako, tuloy ang masaganang buhay pero maraming struggles, at baka mas dumami pa ang red flags.
Kung magpapaka-bad bitch ako, igo-ghost ko siya at mabubuhay nang malaya at pretty. I'm sick of madafaka tryna tell me how to live.
Soleia: Ano magandang gawin? Ghost or nah?
Agad namang nag-reply si Krishia.
Krishia: grabe, di ba uso da inyo yung 2nd chance??? sayang naman noh. tsaka malay mo nga sasabihin din naman niya, naghahanap lang ng pagkakataon
Oo nga naman, baka nga naghahanap lang ng pagkakataon. Tsaka ito pa lang naman 'yung una, normal naman siguro sa relasyon 'yun. Baka nga pwedeng bigyan ko siya ng 2nd chance.
Pat: duh, di ba obvious? naglilihim, partida hindi pa yan magjowa ha. pano pa kaya kapag sila na? baka nga cheater pa yan e
Oo nga rin, kung talagang gusto niya ako, bakit kailangan pa maglihim? Kailangan ba dapat maghanap pa ng timing para lang sabihin 'yung totoo? Wala pa ngang ligawan stage, ganito na agad?
Maxene: magpakamatay na lang kayo, dami niyong ebas sa buhay.
'Yung tipong seryosong-seryoso kang nag-iisip, tapos ganito ang sasabihin sa iyo. Pakamatay na lang talaga.
Krishia: shut up, max the candy. kaya wala kang jowa e, blebleble
Kung kanina ay hindi ko malaman ang desisyon ko sa buhay, ngayon naman ay puro ako tawa dahil sa mga nababasa kong sabatan nila. Hindi ko na nagawang mag-reply pa dahil nag-eenjoy akong basahin ang batuhan nila.
Eya: Baka mauwi kayo sa sabunutan, ha? Sparring, oh. Meet up sa likod ng Mcdo.
Tawang-tawa ako habang binabasa ang replies nila. Si Maxene na prangka at matabil ang dila versus Pat na englishera.
Pat: ew, you sucks. puro ka taray, wala ka namang jowa. wala na ngang dede, wala lang jowa. such a pity
Maxene: okay lang, at least hindi problematic. ikaw nga maski issue ng Jamill, pinoproblema mo.
BINABASA MO ANG
Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓
Fiksi RemajaCOMPLETED✓ What's your love language? (Love Language Series #1) Soleia Auxiene Cervante, a member of NBSB, embraced the personality of being a social media follower. Like what she always saw on the internet, she wants to wander the world of wildness...