Hindi mawari ang aking mukha habang pinagmamasdan ang ginagawa nila kay Zach. Punong-puno ng pandidiri ang sistema ko habang nakatingin sa mga kamay na gumagapang sa kaniyang katawan na siyang unti-unting gumugulo sa uniporme nito. At sa tuwing dumadapo ang aking tingin sa mukha ni Zach, gusto ko na lamang masuka dahil tila gustong-gusto naman niya ang mga ginagawang kababuyan sa kaniya.
Bumibigat ang aking mga paghinga dahil sa nasasaksihan. Namamakla si Zach.
Hindi ko na masikmura pa ang nakikita. Ngayon, alam ko na. Alam ko nang mas tama sila Pat. Unti-unting dumaloy sa aking isipan ang mga nasabi ko sa kanila kanina na sana pala ay hindi ko nabigkas. Siguro nga'y nagpakabulag talaga ako. Hindi ganito ang gusto ko... hindi ganoong trabaho ang kailan ma'y nanaisin ko.
Halo-halo ang aking nararamdaman. Tumalikod ako at pilit na siniksik ang sarili sa mga naglalakad na tao. Gusto kong lumayo... lumayo sa kaniya dahil alam kong hindi ko masisikmura ang gawain niya.
"E-Excuse me," ani ko habang pinipilit sumiksik sa daraanan.
Tila tumaas ang presyon ng aking dugo nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na kamay sa aking puwitan. Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa pangyayaring iyon.
"Hi, miss. Are you lost?"
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa lalaking siyang humawak sa puwit ko. Kahit gulat, sinubukan ko siyang itulak palayo.
"Tangina mo, bastos!" gigil na bulyaw ko bago nagpatuloy sa paglayo ngunit naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa aking braso.
"Ano ba!?" sigaw ko sa harapan niya.
Mas lalong kumulo ang dugo ko nang ngumisi siya sa akin at hinila ako palayo.
"Puta, bitawan mo ako!" sigaw ko habang pinipilit na hatakin ang braso kong hila-hila niya.
Hindi ko alam kung saang direksiyon niya na ako dinadala. Wala akong ibang gusto sa mga oras na ito kung hindi ang umalis sa lugar na ito at mapag-isa.
"Shh, babe. Come on! Let's have fun!"
Nandiri ako sa sinabi niya. Mas nilakasan ko ang paghatak sa aking braso ngunit mas lalo niya lamang hinigpitan ang paghawak. Pakiramdam ko'y ilang segundo na lang at papatak na ang luha sa aking mga mata.
"T-tulong! Bitawan mo ako!"
Walang nakakarinig o nakakapansin man lang sa akin dahil sa lakas ng tugtog.
"Aray!" daing ko nang bigla niya na lamang akong tulakin at balibagin papunta sa isang couch sa gilid.
Pabilog ang couch na ito at nasa harap nito ang mesang puno ng bote ng alak. Sinubukan kong ibangon ang sarili ngunit namutla ang aking labi nang masilayan ang mga nakakalokong ngisi mula sa mga lalaking nakaupo sa tabi ko.
"Sino na naman 'to, Jack? Don't tell me, basta mo na naman hinila 'yan?" saad n'ong isang lalaki habang nakatingin doon sa lalaking humila sa akin.
"Yes. And now, let's have a taste!"
Nagsigawan ang mga lalaking nasa paligid ko habang nakatingin sa akin na puno ng pagnanasa. Abot-langit ang kabang nararamdaman ko ngayon dahil sa nagbabadyang panganib.
Ito na ba ang katapusan ko? Bukas ba ay trending na ako sa balita?
"No! Tigilan niyo ako!" sigaw ko nang maramdaman ang pagdampi ng kamay ng isang lalaki sa aking braso.
"Putangina! Mga hayop kayo!"
Naramdaman ko na lamang ang pag-agos ng luha sa aking mga mata kasabay ng pagdami ng iba't-ibang kamay sa iba't-ibang parte ng aking katawan.
BINABASA MO ANG
Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓
JugendliteraturCOMPLETED✓ What's your love language? (Love Language Series #1) Soleia Auxiene Cervante, a member of NBSB, embraced the personality of being a social media follower. Like what she always saw on the internet, she wants to wander the world of wildness...