Halos manigas ang buong katawan ko dahil sa lamig ng temperatura ng kaniyang bagong sasakyan. Hindi tulad sa Jeep niya noon, ang lamig nito ay doble, marahil bago pa lamang.
"Hey... are you okay?" tanong niya nang mapansing napapayakap na ako sa sarili.
"Oo, ang lamig lang. Hindi siguro ako sanay-teka, bakit ka huminto?"
Bigla niya na lamang niliko sa gilid ng kalsada ang sasakyan saka huminto.
"I knew it," aniya.
Matapos sabihin iyon, inarko niya ang kaniyang katawan paountang likod at may kinuha. Tumitig muna ako sa labas ng bintana at nanibago. Medyo mataas ang Jeep na kotse niya, samantalang itong bago ay tulad noong mga pang-car racing na estilo. Mababa at tingin mo'y sasayad na humps ang kotse kung dadaan man.
Nagulat ang aking sistema nang maramdaman ang paglapat ng mainit na tela sa aking mga braso. Pinagmasdan ko siya habang pinupulupot sa aking katawan ang jacket na mukhang kinuha niya sa likuran ng sasakyan.
"I've never used this car before, kaya mas malamig ito kaysa sa nauna. Alam kong lalamigin ka kaya nagbaon na ako ng jacket."
Napatitig lamang ako sa mukha niya habang binabanggit ang mga salitang iyon. Sa isang linggong hindi namin pagkikita, ngayon ko na lamang ulit natitigan nang malapitan ang maamo niyang mukha.
"I-is there a problem?" aniya.
"Wala, na-miss lang kita."
Napangisi ako nang bigla siyang nag-iwas ng tingin. Unti-unti ring lumilitaw ang pagkapula ng kaniyang mukha.
"Let's go," aniya bago paandarin muli ang kotse.
Niyakap ko na lamang ang jacket na nakapalupot sa akin saka sumandal sa upuan. Kumpara sa Jeep niya, mas komportable ito. Para 'tong gaming chair tulad noong kay Krishia.
Napahinga na lamang ako nang malalim nang maalala ang mga kaibigan ko. Ngayong handa nang sabihin ni Zach ang lahat, hindi ko rin ba matatanggap ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya gaya ng pag-ayaw nila Pat? Ganoon ba talaga kamali ang mahalin siya?
"Where here," saad niya nang ihinto niya ang sasakyan.
Napatingin ako sa labas na siyang dahilan ng pagsalubong ng aking mga kilay. "Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong ko nang mapansing nasa labas kami ng sementeryo.
Pinaandar niya muli ang kotse papasok sa loob. Maya-maya pa'y tumunog ang breaker, senyales na narito na kami sa aming destinasyon.
Patay na patay ba talaga siya sa akin at dinala niya ako rito sa sementeryo?
"Wait here," sambit niya bago bumaba ng sasakyan. Umikot lamang siya upang buksan ang pinto sa likod saka kinuha ang isang bulaklak.
Umikot siya papunta sa pintuang nasa gilid ko saka pinagbuksan.
Para sa akin ba 'yang mga bulaklak? Ang sweet niya talaga, hihi.
Hindi na lamang ako umimik pa at hinintay na lamang na ibigay niya sa akin ang bulaklak. Peace offering niya ba sa akin 'yun?
Hinawalan niya ang aking kamay saka giniya papasok ng sementeryo. Magkahawak ang aming mga kamay habang naglalakad sa gitna ng mga ataul at mga patay.
Hindi niya ba ibibigay sa akin 'yung bulaklak?
Baka naman nakalimutan niya lang ibigay. Pero ano ba kasing ginagawa namin dito? May bibisitahin ba kami?
"Sino'ng pupuntahan natin dito, Zach?" tanong ko nang mapansing kanina pa siya hindi umiimik.
BINABASA MO ANG
Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓
Fiksi RemajaCOMPLETED✓ What's your love language? (Love Language Series #1) Soleia Auxiene Cervante, a member of NBSB, embraced the personality of being a social media follower. Like what she always saw on the internet, she wants to wander the world of wildness...