Epilogue

171 5 0
                                    

Napangiti ako habang dinadama ang sikat ng araw na siyang tumatama sa balat ko. Kahit hindi pa nagliliwanag ang tanawing masa harapan ko, masaya pa rin akong masaksihan ang papalubog na tanawin ng araw.

Napabuntong-hininga ako. Sa halos tatlong buwan na nakalipas, nagkaroon ako ng sapat na oras na mas kilalanin ang sarili ko.

Sa haba ng panahong iyon, nahanap ko ang tunay kong pagkatao. Ibang-iba gaya ng mga nakikita sa social media. Doon ko napagtantong kakaiba pala ako. Doon ko naisip na hindi ko pala kailangang magpaka-bad bitch para lamang sumabay sa uso.

I found my own personality. Oh, panis, Englishera na ko ngayon.

Napagtanto kong may tinatago pala akong galing sa pagpinta, na hindi ko man lang sinubukan kahit isang beses noon. Naisip ko ring mas maganda sa aking paningin ang mga dress kaysa sa baggy pants at croptop. Mas gusto ko ring magsuot ng mga komportableng sandals kesa sa mga rubber shoes.

Ang daming nabago sa aking sarili, pero mas nararamdaman kong ako na ito. Ako na ang totoong Eya na nawala nang dahil sa uso.

Sa dami ng napuntahan naming lugar ng mga kaibigan ko, amg dami kong natutunan. Mula sa mga kultura at istorya ng mga mamamayan sa bawat probinsya. Naisip ko, kahit pala mahirap ako, may mas mahirap pa rin pala sa akin.

Nagustuhan ko na rin ang pagkakaroon ng tahimik na buhay, malayo sa social media at gadgets. Siguro nga'y binubuksan ko na lamang ang cellphone ko kapag may chat sila Krishia, e.

Nang magpasukan, tila nanibago ang mga kaklase at ka-schoolmate ko dahil sa mga kinikilos ko. Hindi ko na rin pinapatulan pa si Bernadette na anak ni Aling Marites. Tuwing umaga naman, kahit nilalait ako ni Aling Marites at ng mga alipores niya, mas pinili ko na lamang na ngumiti at hindi pansinin.

Ang galing pala, ano? Mas masarap mamuhay nang tahimik at mapayapa at tanging sarili at mahahalagang tao na lamang ang iniisip.

Noon, nakikipagbangayan pa ako sa social media tungkol sa mga isyung panlipunan. Ngayon, makikita sa wall ko na Marso pa ang huling post ko.

"Ano, handa ka na ba?" tanong ni Pat. Ngumiti lamang ako sa kaniya at tumango bago muling ibalik ang tingin sa tanawing nasa harapan ko.

Nandito kami ngayon sa Cloud 9 sa Antipolo. Malapit lang naman ito sa Maynila. At isa pa, dito ako palaging dinadala ni Zach noon.

Pinili ko na lamang na magpatawad. Noong gabing iyon, kahit ang daming nangyari sa akin, pinili kong magpatawad.

Nakausap ko na ang mga sumubok na gahasain ako bago sila mapakulong ng mga kaibigan ko. Naalala ko 'yung mga pagmamakaawa nila noon. Pinatawad ko na sila nang buong puso, ngunit kahit gustuhin ko mang palabasin sila ng kulungan, hindi ko naman pwedeng talunin ang batas.

"Ano, 'te? Senti ka riyan?"

Natawa lamang ako nang malakas sa sinabi ni Krishia. "Ang tagal kasi, e. Nasaan na raw ba sila? Chat mo nga si Ate," ani ko.

"Oh, sige. Wait!" Tumakbo siya palayo sa akin at sinubukang maghanap ng signal. Mabagal yata ang signal dito n'ong sim niya.

Laking pasasalamat ko talaga sa mga kaibigan ko na siyang tumulong at nag-uwi sa akin noong gabing iyon. Sila ang tumulong sa akin na muling buohin ang sarili ko. Kahit pa hindi ko sila nagawang piliin noon.

Napag-usapan namin na sa mismong araw ng kaarawan ko, palalayain na ko na siya... palalayain ko na ang sarili ko.

"Eya!"

Nanigas ang buong katawan ko matapos marinig ang boses na siyang hindi ko napakinggan sa loob ng mahabang panahon.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang humarap sa kaniya.

Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon