"Dito ba?"
Huminto ang kotse sa tapat ng bahay nila Krishia. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana buong byahe dahil tahimik lamang kaming dalawa. Bukod sa nahihiya ako sa kaniya at sa mga susunod na pangyayari, nahihilo na talaga ako sa aircon.
"O-oo," pilit kong sambit dahil nararamdaman ko na ang pagbaliktad ng sikmura ko.
"Are you okay?" alalang tanong niya. Tumango lamang ako sa kaniya at ngumiti.
Halata sa itsura niya ang pag-aalala. Gustuhin ko man sabihing nasusuka ako at gusto ko na lumabas ng sasakyan, nakakahiya naman at baka isipin niya ay buntis ako sa ibang lalaki.
"P-pwede na b-ba akong bumaba?" ani ko.
"Oo naman. Just wait here."
Bumaba siya ng kotse at umikot papunta sa pintuan sa gilid ng inuupuan ko. Pinagbuksan niya akong muli ng pinto at napahawak na lamang ako sa balikat niya habang bumababa sa sasakyan.
"S-salamat sa paghatid," pasasalamat ko at ngumiti ako sa kaniya. Kahit pa hiyang-hiya na ako sa kaniya ngayong araw, nagawa niya pa rin akong ihatid nang buo, hindi nga lang sa bahay ko.
"Your welcome. So, sa susunod ulit?" tanong niya. Napangiti lamang ako sa tugon niya saka tumango-tango.
Muli kong naramdaman ang pag-ikot ng sikmura ko kaya agad ko siyang tinulak papunta sa kotse niya.
"Sige na! Umalis ka na at mag-aral nang mabuti!" pagpipilit ko. Nag-aalangan naman siyang tumamgo sa akin at sumakay na rin siya sa kotse niya.
"Babye! Thank you for today!" pag-iingles ko habang kumakaway. Binaba niya ang bintana niya at humarap sa akin.
"Yeah, you're so beautiful."
Naiwan na lang sa ere ang kamay kong kumakaway. Napangisi lamamg siya at itinaas muli ang bintana saka humarurot paalis.
Sabi ko "thank you", "welcome" lang ang hinihingi ko.
Dahil sa sinabi niyang iyon, muli na namang umikot ang tiyan ko. Sa pagkakataong ito, hindi ko na natiis pa at napaluhod na ako sa gilid ng kalsada at nagsimulang isuka ang lahat ng kinain namin kanina.
"Eya? Hoy, Eya! Bakit nandito ka?"
Napalingon ako sa likod nang makita ang gulat na gulat na mukha ni Krishia na animo'y nakakita ng multo. "Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit ka sumusuka? Nakainom ka ba?" alalang tanong niya.
Hindi ko muna siya pinansin dahil parang pinipiga ang sikmura ko. Napansin kong tumakbo siya papasok ng bahay nila at maya-maya'y bumalik na may dalang tubig.
"Oh, uminom ka! Ano bang nangyari sa 'yo at puro suka ka. Buntis ka ba?" sunod-sunod niyang tanong.
Ininom ko muna ang tubig nang medyo mapalagay na ang tiyan ko.
"Jusko, beh. Hilong-hilo ako sa biyahe," ani ko na animo'y kawawang bata.
"Hilo? E, bakit sa service namin ay hindi ka naman nahihilo at nagsusuka, aircon rin naman 'yun? Hindi naman kaya nilagyan niya ng gamot 'yung aircon ng kotse niya para budolin ka!" aniya.
"Ano ka ba? Syempre sa service niyo sanay na sanay na ko. Halos araw-araw ba naman ako sa inyo sumasabay. 'Yung kotse niya kasi may flavor 'yung air freshener!" tugon ko. Nakita ko kasi kanina na may flavor 'yung air freshener. Lemon nga nakalagay, e.
"Oh, sige na! Pumasok ka na muna sa loob. Kadiri ka naman, diyan ka pa sumuka!" Inalalayan niya ako makatayo.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapangiti sa mga pangyayari kanina. So far, ito 'yung isa sa mga memorable na araw sa buhay ko. Iba 'yung saya na naramdaman ko kanina kahit puro kahihiyan ang nangyari sa akin. Talagang mahal ako ni Lord at pinapakinggan niya ang mga panalangin ko.
BINABASA MO ANG
Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓
Novela JuvenilCOMPLETED✓ What's your love language? (Love Language Series #1) Soleia Auxiene Cervante, a member of NBSB, embraced the personality of being a social media follower. Like what she always saw on the internet, she wants to wander the world of wildness...