"Ahhhhhh!"
Napatakip ako ng tainga dahil sa pagtili nila. Narito kami ngayon sa bahay ni Krishia dahil napagpasyahan nilang i-interview ako about sa mga pangyayari sa amin ni Zach.
"Tapos? Ano'ng next?" excited na tanong ni Krishia.
Umayos ako ng pagkakaupo at ngumiti na may halong proud. "Sinabi niyang gusto niya rin ako," ani ko.
Muli akong napatakip ng tainga dahil sa muling pagtili nila. Mula nang magkuwento ako kanina, hindi na napahinga ang lalamunan nila sa kakatili.
"Ang swerte nitong Eya na 'to. First love life, jackpot agad. Hindi man lang nakaranas ng pain," saad ni Krishia. Muli akong ngumiti na proud na proud sa sarili, at kay Zach.
"Baka God's princess 'to." Hinawi ko ang buhok ko at ngumiti.
"Ka-jejehan mo, Eya!" komento ni Maxene.
Nagpatuloy ako sa pagkuwento sa kanila tungkol sa mga nangyari sa amin ni Zach. Habang kinukuwento ko'y maski ako ay kinikilig. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakatagpo ako ng lalaking tulad ni Zach. A man like Zach.
"E, teka. Paano naman nalaman ni Zach na ganiyan ang kalagayan mo?" biglaang sambit ni Pat. Dahil doon, napabuntong hininga ako.
"Ayun nga, e. Kapag tinatanong ko siya, lagi niya lamang sinasabing secret daw at malalaman ko rin naman daw soon," naiinis pero nalulungkot kong tugon.
Mula noong araw na iyon, palagi kong pinipilit si Zach na sabihin kung paano niya nalalaman. Minsan nga ay kunwareng nagtatampo ako para sabihin na niya, kaso wala talaga.
"Oh, ano namang sinabi mo?" tanong ni Maxene.
"Wala naman akong magagawa kung ayaw niya talaga sabihin. Araw-araw ko naman siyang pinipilit, nagtatampo-tampuhan pa nga ako, e. Pero baka naman may plano siya," paliwanag ko.
"O red flags?"
Lahat kami ay napatingin kay Pat dahil sa sinabi niya.
"Red flags? E, hindi pa nga sila mag-jowa," pagsingit ni Maxene.
"Duh, hindi pa nga kayo, nakukuha niya nang maglihim sa 'yo. Baka sinasabi niya na lang na malalaman mo rin sa susunod hanggang sa wala na siyang balak sabihin at makalimutan mo na ang tungkol doon," paliwanag niya.
Napakunot naman ang noo ko at napaisip. Red flag nga ba iyon? Baka naman naghahanap lang ng timing para sabihin sa akin, o kaya naman baka i-surprise ako para sa future plans niya.
Pero hindi, kung talagamg gusto niya ako at talagang gusto niya ako i-pursue, hindi niya gugustuhing gumawa ng mali na makakasira sa amin. Hindi siya gagawa ng ikakawala ko.
Ano ba talaga, Zach? Sa una ka lang ba magaling? O may binabalak ka?
"Baka naman hindi. Basta hayaan niyo na sa 'kin 'yon, baka may pa-surprise siya. Tsaka sasabihan ko naman kayo agad kung may maramdaman akong mali, e," tanging nasabi ko dahil maski ako ay naguguluhan.
Sinabi ko sa sarili ko na kapag nagka-boyfriend ako, hindi ko pipiliin iyong maraming red flags, dahil alam kong darating at darating ang lalaking iingatan ako at hindi ako hahayaang masaktan. 'Yung gagawin ang lahat para lamang sa ikagagaan ng loob ko.
Pero si Zach lang gusto ko.
"Hay nako, red flags lang 'yan, okay lang maging marupok," nakangiting wika ni Krishia. Agad naman siyang binatukan ni Maxene.
"Ayan, kaya ka nasasaktan, e!" sigaw sa kaniya ni Maxene.
"I-ghost mo na kaya? Para hindi ka na ma-attach at umiyak kapag toxic pala siya," suhestiyon ni Pat na siyang muling kinakunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓
Teen FictionCOMPLETED✓ What's your love language? (Love Language Series #1) Soleia Auxiene Cervante, a member of NBSB, embraced the personality of being a social media follower. Like what she always saw on the internet, she wants to wander the world of wildness...