"Hoy, ano? Isang linggo ka nang puro hilata riyan! Mukha kang depressed na tae."
Bored na bored kong sinamaan ng tingin si Ate bago muling humilata sa kama. Mahigit isang linggo na akong tambay at walang magawa rito sa bahay dahil holy week, walang klase, walang gala, wala jowa.
"May ulam na ba? Gutom na 'ko," tanong ko kay Ate.
"Ay, opo, mahal na senyorita–ngina! Wala ka na ngang ginagawa, feeling may katulong ka pa!"
Wala akong ibang magawa kung hindi ang irapan na lamang siya. Tinatamad akong tumayo upang kumain kaya nanatili na lamang akong nakahiga sa kama. Mahigit isang linggo nang ganito ang kalagayan ko. Bukod sa hindi naman ako kinakausap nila Pat, h-hindi ko naman kinakausap si Zach.
Magmula noong araw na iyon, in-ignored messages ko na lamang siya at hindi na nagtangka pang kausapin siya dahil alam kong rurupok na naman ako kahit ilang pulang bandila na ang bitbit niya. Aminin ko man o sa hindi, talagang inaabangan ko araw-araw kung nasa labas ba ang kotse niya, baka sakaling makita ko siyang tulog kakahintay sa akin, ngunit wala...
Inaamin ko, miss na miss ko na siya. Gustong-gusto ko na siyang makita, makausap, maamoy, mahawakan... lahat. Ngunit tila wala naman siyang ginagawa. Hindi ko alam kung nagpaparamdam pa ba siya o hindi, hindi ko pa naman kasi nakikita ang chat namin.
Pero, nasasaktan agad ako sa ideyang baka umayaw na rin siya. Baka wala na rin siyang balak bumalik sa akin dahil mukhang... wala siyang balak sabihin kung ano ang mayroon sa pagkatao niya.
Ganoon na lang ba 'yon? Matapos ng lahat ng pinagsamahan, pinagdaanan, at mga memorya naming dalawa, hahayaan niya na lang bang mapunta sa wala para sa pagkatao niya?
Mukhang mali ang pagkakakilala ko kay Zach. Akala ko'y kaya niyang gawin ang lahat para sa ikasasaya ko, ngunit mas pinili niyang maging makasarili para sa ikatatahimik ng kaniyang pagkatao.
Sa isang linggong pagiging mapag-isa at tahimik, doon ko napagtanong... mahal ko na pala siya.
"Eyang! Kain na!" rinig kong sigaw ni Mama muka sa baba.
Napabuntong-hininga ako bago tumayo. Medyo nahilo pa ako at tila nagdilim ang paningin ko ng ilang segundo, dahil siguro sa kakahilata ko at sa kaka-cellphone ko buong araw.
"Ikaw, Eya, puro ka na lang cellphone! Nagawa mo na ngang lumandi at mag-boyfriend, hindi ka pa rin marunong sa gawaing bahay! Puro ka na lang ganiyan, wala ka nang ibang alam gawin! Lahat na lang inaasa niyo sa akin. Ikaw rin, Emma!" sunod-sunod na bigkas ni Mama. Hindi pa man ako nakakakain, busog na agad ako sa freestyle rap ni Mama.
"Ano na naman ba 'yan! Nananahimik ako rito, dinadamay niyo na naman ako!" rinig kong sigaw ni Ate mula sa kusina habang nagsasandok ng kanin.
Wala akong gana sa pagkain kaya minadali ko lamang ang paglunok. Matapos maubos, agad kong dinala sa kusina ang pinggan saka umayat sa taas. Mahirap nang mahuli kumain dahil baka mautusan pa akong maghugas.
Dahil wala naman akong magawa, kinuha ko ang cellphone ko. Saktong tumapat ang aking paningin sa app kung saan nagsimula ang lahat... ang lahat ng ito.
Huminga ako nang malalim bago buksan ang Love Language app. gaya ng inaasahan ko, lumabas na naman ang siyang tanong na naghatid sa akin papunta sa kaniya.
What's your preferred love language?
Muli, tinipa ko ang mga salitang siyang tila pagmamay-ari niya sa buhay kong ito. Acts of Service.
Lumabas ang profile ng isang lalaki, ngunit binabasa ko pa lamang ang deskripsyon niya ay agad ko agad pinindot ang 'Next' button. Lumitaw naman ang panibagong mukha ngunit nangasim ang mukha ko sa kaniyang itsura, parang libag lamang 'to ni Zach. Nang malipat na naman sa ibang lalaki, sa pagkakataong ito, matino ang siyang napunta sa akin. Agad kong pinindot ang 'Chat' button at tumipa.
BINABASA MO ANG
Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓
Teen FictionCOMPLETED✓ What's your love language? (Love Language Series #1) Soleia Auxiene Cervante, a member of NBSB, embraced the personality of being a social media follower. Like what she always saw on the internet, she wants to wander the world of wildness...