"Hoy, Eya! Tanghali na, tulog mantika ka pa rin!"
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng paligid at pansin kong tagatak na ang pawis sa leeg ko. Sinilip ko ang labas at kitang tirik na tirik na ang araw. Mukhang tanghali na nga at buti na lang ay Sabado ngayon.
"Hoy, Eya! Kapal mo naman. Kanina pa naghihintay bisita mo sa baba! Tapos ganiyan itsura mo?" iritang sambit ni Ate nang makita ako. Kagigising ko lang, pagmumukha niya at nakakairitang boses niya agad ang bumungad.
"Sino ba 'yon? Sila Pat ba? Ang ingay mo naman, nakakairita ka!"
Bumangon ako at paika-ikang naglakad palabas. Lalagpasan ko na sana si Ate nang bigla niya akong sinabunutan.
"Tanga, hindi sila Pat! Hindi ko kilala 'yun, e," aniya. Napakunot naman kaagad ang noo ko.
"Ano'ng oras dumating?" tanging naitanong ko. Tanghaling tapat, pupuntahan ako rito sa bahay. Ang init-init, e. Sino'ng tanga naman gagawa niyon?
"Kanina pa, mga 8 AM."
Natigil naman ako sa paglalakad. 8 AM? Tinignan ko ang orasan sa gilid at nakitang alas dose na ng tanghali. Kanina pa siya naghihintay at hindi man lang nila ako inabalang gisingin?
"Bakit hindi niyo ako ginising!?" iritang sigaw ko kay Ate na nauna na bumaba. Nagmadali rin akong bumaba ng hagdan ngunit tila matutumba yata ako sa nadatnan.
"Sabi ko, 'wag ka na muna nilang abalahin matulog."
Z-zach?
"Ikaw, Eya, hindi mo man lang sinasabi na may boyfriend ka na pala!"
Napalingon ako kay Mama na nakangiting wagas habang nagpupunas ng plato.
Tsaka ano'ng boyfriend? Wala pa kaming label, Ma! Huhuhu.
Sa sobrang pagkagulat ko, hindi maproseso ng utak ko ang mga pangyayari, lalo pa't kagigising ko lamang.
Nilingon ko si Zach na tahimik na nakaupo habang pinagmamasdan ako. Bigla naman siyang ngumiti sa akin.
Teka, si Zach? Nandito sa bahay? Ah, oo, hinatid niya pala ko kagabi...
Pero hindi sa bahay namin!
"Ayos pala 'tong si Zach, ano? Paano mo nakilala 'tong si Eyang?"
Nagulat naman ako nang biglang pumasok si Papa at umakbay kay Zach. Pati si Papa? Hindi galit!?
"Hoy, Eya! Asikasuhin mo naman 'tong bisita mo. Hindi 'yung para kang tuod diyan," pang-eepal ni Ate.
Pero kahit narinig ko na ang mga pinagsasabi nila, nakatayo pa rin ako at hindi maproseso ang kanilang mga sinasabi. Bakit nandito si Zach? Paano niya nalaman na nandito ako?
At paano niya nalaman... na mahirap ako?
Nahihiya man, pinilit kong igalaw ang katawan ko upang umupo sa tabi ni Zach sa sofa. E, bakit ba? Nangangalay ako, e.
"Ate Eyang! Binigyan kami ng candy ni Boss Zach!"
Natauon ang atensyon ko kina Etong at Ekang na may hawak na mga candy. Tuwang-tuwa ang mga itsura nila at madungis na rin ang gilid ng kanilang mga labi. Mukhang kanina pa nandito si Zach at marami na silang napagchismisan.
Pero bakit ba kasi siya nandito!?
"Hala, napipi na si Ate," ani ni Ekang. Napa-iling na lamang ako dahil hindi ko talaga mabuka ang bibig ko, lalo pa't katabi ko si Zach, pero may half meter naman kaming distance, ano.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang kalamnan ko. Dahil tanghali na ako na gising, hindi pa rin pala ako nakakakain. Napatingin silang lahat sa akin at sabay-sabay na tumawa na siyang kinainis ko.
BINABASA MO ANG
Descend Upon Your Service (LLS #1) Completed✓
Teen FictionCOMPLETED✓ What's your love language? (Love Language Series #1) Soleia Auxiene Cervante, a member of NBSB, embraced the personality of being a social media follower. Like what she always saw on the internet, she wants to wander the world of wildness...