II. LDR

31 6 0
                                    

Merkyules ng hapon, abala si Clover sa pag-tingin ng pictures nilang dalawa ni Christian ng biglang may mag-chat. Sinadya niya talagang i-on ang mobile data para malaman niyang nag-chat na si Christian, ngayon kasi ang dating doon ng eroplano. Pagtingin niya ay hindi nga siya nagkamali.


Christian Tupaz: Hi mahal!! Nakarating nako. Kamusta ka na diyan? Miss na miss na kita..


Clover Clynn Delgado: Mabuti naman at nakarating ka ng ligtas, mahal. Kanina pa kita hinihintay. Miss na miss na rin kita.


|Clover is typing...|


Clover Clynn Delgado: Nandiyan kana sa bahay niyo?


Christian Tupaz: Opo, mahal. Nag-aayos ako ng gamit..


Clover Clynn Delgado: Ayusin mo na muna 'yan, hihintayin na lang kita.


Christian Tupaz: Okay lang, makakahintay naman to..


Clover Clynn Delgado: Ikaw ang bahala.


Christian Tupaz: Video call tayo, mahal. Gusto kitang makita..


Clover Clynn Delgado: Sige-sige.


|Christian Tupaz is calling you...| ANSWER|


"Mahal! Ang ganda mo!" bungad nito sa kabilang linya.


Tumawa siya, "I know right, mahal."


Hindi siya sanay sa ganito, ramdam niyang kulang pero pilit niyang binabalewala. Iba pa rin talaga kapag personal mong kausap ang taong mahal mo. Pero alam niyang masasanay din siya sa ganito.


"Ikaw din, mahal. Ang gwapo mo ngayon, diyan ka nalang kaya para palagi kang gwapo? Dito kasi para kang tatay ko," biro niya sabay tawa. Nakita niyang nag-pout ito.


"O sige. Dito nalang ako, sabi mo e," nagtatampong sabi nito na para bang bata.


"Oy! Nagbibiro lang naman ako e," natatawa niyang sabi.


"Masunurin akong tao, alam mo 'yan. I made my mind, I'm staying here," sabi nito na hindi tumitingin sa kaniya.


"Ito naman, binibiro lang naman kita e. Hindi mo naman kasi ako pinatapos, may sasabihin pa sana ako," sabi niya.


Tumingin ito sa kaniya, "Ano?" tanong nito.


"Mas guwapo ka kung nandito ka, kaya umuwi ka kaagad ah?" malungkot niyang sabi.


Biglang nagbago ang ekspresiyon nito, "Uuwi agad ako, mahal. Hihintayin mo naman ako, diba?" tanong nito.

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon