Walang araw na hindi chine-check ni Clover ang account ni Christian, nagbabakasakaling bumalik ito. Pero sa araw-araw na 'yon ay palagi rin siyang nabibigo.
Tulalang naka-dungaw si Clover sa bintana ng kaniyang kwarto habang naka-upo sa study table ng may kumatok sa pintuan.
"P'wede bang pumasok?" tanong ng isang manipis na tinig sa labas. Si Ariella ang may-ari no'n.
"Sige lang," mahina man ay sapat na iyon para marinig ni Ariella. Naramdaman niyang umupo ito sa kaniyang kama.
Matamlay na hinarap niya ito. "Hey," walang buhay niyang bati.
"Na-miss kita, beshywapss. Kamusta kana?" tanong nito habang nakangiti ng malapad sa kaniya. Ilang araw din silang hindi nakapag-usap ng maayos dahil sa nangyayari sa buhay niya.
"Okay lang naman." Ngumiti siya ng tipid.
"Kahit hindi?" Natawa ito.
Tumingala siya, umaasang hindi tumulo ang kaniyang mga luha. Buong akala niya talaga, kapag nakipag-hiwalay siya kay Christian ay matatapos na ang pagmumukmok niya. Ngunit doon siya nagkamali, dahil mas lalong lumala ang sitwasyon niya.
"Halos isang buwan ka ng ganiyan. Hindi ka ba napapagod?" malungkot na tanong nito.
"Napapagod ako, pero itong sakit hindi." Bahagyang natawa siya.
Halos isang buwan na ang nakalipas simula no'ng mangyari iyon pero ang sakit sobrang presko pa na tila ba kahapon lang nangyari ang lahat.
"Hindi ka kasi gumagawa ng paraan para maibsan 'yan e," sabi nito.
"What do you want me to do? Mag-party?" inis niyang sagot.
"P'wede rin. Kapag kasi nagmumukmok ka, maiisip at maiisip mo 'yang sakit." Ngumiti ito na ikinatakha niya.
"Nasasabi mo 'yan kasi party-goer ka. Kapag nasaktan, pupuntang bar. Pa'no naman ako na hindi mahilig gumala?" Umirap siya.
"Alam mo kung bakit sa bar kami pumupunta kapag nasasaktan?" tanong nito.
Hindi niya pa naranasang pumasok sa bar. Ang alam niya lang ay may alak at mga lalaki roon.
"Bakit?" kunot-noong tanong niya.
"Malalaman mo sa Lunes." Ngumiti ito.
Saglit na nag-isip siya. Hindi niya birthday sa Lunes, hindi rin kay Tashia. Kahit nakalimutan niya na ang petsa ng birthday ni Ariella ay sigurado siyang hindi sa Lunes.
"Anong ibig mong sabihin? Pupunta tayong bar?" taas-kilay niyang tanong.
"Ang very good naman ng beshywaps ko. You got it right!" Humalakhak ito. Gano'n na ba siya ka slow para hindi maintindihan ang sinabi ni Ariella?
"Anong gagawin do'n?" tanong niya.
"Magpa-party, ano bang ginagawa sa bar? Nanonood ng sine?" pilosopong sagot nito.
Umirap siya, "Kasama si Tashia?" tanong niya.
"Of course!" masiglang sagot nito.
"Just the four of us," sabi nito dahilan para magtaka siya.
"Sino 'yong ika-apat?" tanong niya.
"Malalaman mo. Aalis na pala ako, bibili ako ng damit na susuotin para sa Lunes," sabi nito bago tumayo.
Tumalikod na ito at nagsimula nang maglakad. Naka-ilang hakbang palang ito ng muli siyang lingunin nito. "Alam kong maganda kana pero magpa-ganda ka pa sa Lunes ah?" sabi nito at tuluyang ng nilisan ang kaniyang silid.
"Alam ko na 'to. Isi-ship nila ako sa iba. Mga gaga talaga!" natatawang sabi niya.
Siguro, oras na rin para mag-enjoy siya sa buhay niya. Para makalimutan ang sakit hanggang sa hindi na niya na namamalayang nawala na pala.
Pero hindi niya maiwasang maisip kung sino ang taong makakasama nila. Kung lalaki pa o babae. Kung kilala niya ba o hindi.
BINABASA MO ANG
Favorite Pain[BOOK 2]
General FictionIsang taon na ang lumipas simula no'ng mangyari ang pangyayaring 'yon. Isang alaalang ibinaon na ng lahat sa limot. Ito rin ang naging paraan ng tadhana para pagtagpuin sina Clover at Christian. The reason why love grew between them. Maging isa kay...